"I like your performance earlier, Paulo and Kathlene."
Kami ang tinawag ni Ms. Castillo sa office nya, so ibig sabihin 'di ko na proproblemahin yung grades ko sakanya next sem. Thank you Lord!
"No worries about your grade next sem, pasado na kayo sakin." Nakangiting sambit ni Ms. Castillo
"Pinatawag ko kayo dito kasi may program tayo bukas, i'm sure Paulo knows about this. Are you working on it?"
"Yes, Ms." Seryosong sabi ni Paulo.
"Gusto sana namin na kayo ang special number bukas sa program, if okay lang?"
"Ano po ba yung program bukas?" Nagtatakang tanong ko.
"Gusto kasi namin magkaroon ng party ang mga grgraduate na, and we're going to announce it tomorrow. 'Di ba sinabi ni Paulo sa'yo?"
'Di naman ako magtatanong kung sinabi sakin 'di ba? Charot po, Ms.
Umiling iling lang ako nang magtanong si Ms. Castillo.
"Of course, we can sing tomorrow. Isisngit ko nalang sa programme mamaya."
"Yes! Okay thank you President."
"Pwede na po bang umalis?"
"Ah, wait." Biglang tumayo si Ms. Castillo sa upuan niya, at nakasandal sa lamesa niya habang nakahalukipkip.
"You two are very talented. Do you want to showcase your talent in public? May kakilala akong pwedeng tumulong sainyo both."
Syempre gustong gusto ko, pero parang 'di kasi para sakin ang path na maging performer. I want to become a doctor kung pagpalarin man.
"No. I have plans for myself, thank you for the offer Ms." Seryoso na sabi ni Paulo.
"How about you, Kathlene?"
"Uhm. Iba po kasi talaga gusto kong gawin eh." Nahihiyang sambit ko.
"Oh, it's fine. Sayang lang talaga. You can now leave."
Nang makalabas kami ng office ng teachers, nagtataka ako bakit 'di kinuha ni Paulo yung opportunity na yun? Eh 'di ba sabi niya gusto nya maging performer?
"Paulo, ba't 'di mo inaccept?"
"Ikaw ba, ba't 'di mo inaccept?"
Nagtatanong ako tapos itatanong pabalik sakin? Ay napakagaling naman talaga.
"Passion ko ang singing pero gusto ko talagang sumunod kay papa."
Tumango-tango lang siya habang naglalakad. Mukhang ayaw niyang sagutin yung tanong ko. Bahala na, ayoko naman na pilitin siya sa ayaw niya.
Since uwian naman na, napagpasiyahan namin na magpractice man lang ng onti. Kasama namin si Justin ngayon na nanonood samin magpractice, since wala pa naman si kuya Yani ay sinama ko muna dito.
"Hala, ang galing." At pekeng pinupunasan ang kanyang mga pekeng luha.
"Para ata yan sakin Kath eh." Sabay kaming tumawa, at nawala nalang ang ngiti ni Jah nang magkatitigan sila ni Paulo.
Ang lakas ng tama nitong dalawa. Akala ko ba magkaibigan pero bakit mukhang magka-away? Jusko naman.
After our practice, of course umuwi na kami since andun na si kuya Yani naghihintay sa parking lot.
Pagkauwi, tinapos ko saglit yung digital art na pinapagawa ng prof namin for extra points. Sayang naman.
Today's Wednesday, and ngayon na i-aannounce ang mga plano ng faculties for the Graduating Class.
BINABASA MO ANG
Ang Awitin (SB19 Sejun)
Fiksi PenggemarMas pipiliin kong masaktan kaysa hindi nya makamit ang kanyang pangarap.