This is it! This is the moment I've been waiting for. Nakatayo ako sa harap ng nakasarang pintuan ng simbahan ng San Agustin. Bitbit ang bulaklak at suot ang 'traje de boda' ay dahan-dahan akong naglakad papasok ng simbahan.
Hindi magkamayaw sa pagkabog ang aking dibdib. Sino ba namang hindi 'di ba? Ito ang pangarap ng bawat isang kababaihan. Ang lumakad sa altar papalapit sa pinakagwapong nilalang na makakaisang-dibdib. Ang lalaking makakasama mo sa habambuhay. Ang magpaparamdam sayong ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Patuloy ako sa paglakad ng mabagal sa saliw ng napakagandang musika nang may mapansin akong kakaiba. Tila kakatwa ang mga taong nadadaanan ko sa aking paglalakad. Sila ay mimistulang mga halimaw na anumang oras ay lalantakan ang aking katawan.Ipinagsawalang bahala ko iyon at ipinagpatuloy ang pagsalunga sa altar. Ilang segundo ang lumipas nang mapansin kong tila yumayanig ang paligid.
Lumilindol ba?
Mayamaya ay naramdaman ko ang pagbuka ng sahig na aking tinatapakan. Nararamdaman kong hihigupin ako nito pailalim. Sumigaw ako sa takot at tinawag ang aking groom.
"Ivaaaaaaaaaan! Tulungan moko!" tawag ko sa aking mapapangasawa. Ngunit nakatitig lamang siya sa akin at tila walang naririnig. Maya-maya ay mas lalo akong kinabahan ng magbago ang wangis ng kanyang napakaamong mukha. Ang mukhang aking minahal ay unti unting napalitan ng mukha ng isang...
"HALIMAAAAW!"
Iyan na lamang ang aking naisigaw habang siya ay tumatawa na tila isang demonyo.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Paalam Keyleigh." Iyan ang huling salitang narinig ko buhay sa kanya bago niya ako tuluyang itulak sa napakalalim na hukay sa aking paanan.
"TULOOOOOOONG! TULUNGAN N'YO 'KOOO!" Ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas sa pagsigaw, umaasang may makakarinig at tutulungan akong umahon sa hukay na ikamamatay ko.
***
Tumatagaktak ang pawis ko at napabalikwas ako sa aking kama. Anlakas ng tibok ng aking dibdib at hindi pa din rumirehistro sa utak ko ang mga nangyari. Isang napakasamang panaginip.
No, it's a nightmare.
Napatingin ako sa 'traje de boda' sa gilid ng aking kwarto. Nakarehistro pa din sa aking utak ang panaginip na iyon. Hindi ako mapakali. Pinilit kong ipikit ang mata ko ngunit kinain na ng bangungot na iyon ang aking pag-iisip.
I'm preoccupied with thoughts.
Kinapa ko ang cellphone sa gilid ng aking kama. There's only one way to help me calm, I need to talk to my fiancé. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakapagpakalma sakin sa mga ganitong pagkakataon. I found myself dialing my husband-to-be's number. Umabot ng limang ring bago nito sagutin ang tawag ko.
"Yes babe? It's already 12 midnight?" sagot niya sa kabilang linya.
"Ano kasi Ivan eh..." nag-aalangang sagot ko.
"Is there any problem babe? Tell me. I'll listen," muli niyang tugon.
Ganyan siya, laging nag-aalala sakin. Kahit tawagan ko ng alas dos ng umaga para lang sa walang kabuluhang bagay ay naririyan siya.
Bumalik sa aking ala-ala ang isang pagkakataong tinawagan ko siya ng ala-una ng umaga para lang sabihin sa kanya na naka high score ako sa nilalaro kong game sa phone. Ni-congratulate niya ako at halata sa boses niyang naabala ko siya sa kanyang pagtulog. Napangiti ako saglit habang sinasariwa ang alaalang iyon nang may marinig akong boses sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...