Chapter 12: The Prisoner's Grief ( Le chagrin du prisonnier )

472 70 19
                                    

Wala kaming nagawa kung hindi ang maupo sa harap ng ngayon ay tulog pa ding warden. We have no choice kundi hintayin magising ang isang 'to. Lumipas ang ilang oras ay napagpasiyahan kong linisin ang loob ng silid na iyon. Hindi ko na matagalan ang pagkadugyot ng lugar na ito.

Inisa isa kong itabi ang mga bote. Inilagay ko ito sa isang sulok. Paglingon ko sa aking likod ay tumutulong na ang dalawang lalaking kasama ko sa paglilinis. Tahimik sila at laking pasalamat ko dahil hindi pa sila nagtatalo. Oo, may "pa" dahil t'wing magkasama ang dalawang iyan ay hindi maaaring walang diskusyon na magaganap. Si Bella naman ay nakaupo lamang, nakataas ang dalawang paa sa sofa at diring diri na ilapat ang mga paa sa sahig.

Nasa akto ako ng pagdampot sa natitirang bote ng beer nang nahagip ng aking paningin na tila nag-aagawan sa pagpulot ng mga bote ang dalawang lalaki sa aking likuran. Sinabi ko na nga ba, hindi maaring lumipas ang isang araw ng hindi sila nagbabangayan. Nilingon ko ang dalawa at tinapunan ng isang tingin na nangangahulugang malilintikan sila kapag nahuli ko pa silang mag-away muli. Ilang na ngumiti ang dalawa at tila umaaktong wala silang ginagawang masama. Napabuntong hininga na lamang ako.

Lumipas ang isang oras ay natapos naming malinis ang mistulang basurahang lugar na yaon. Gulat na gulat ang warden nang makita ang malaking pinagbago ng lugar at pinasalamatan kami. Hindi niya lubos akalain na ang napakaruming lugar na iyon ay magiging ganito kalinis. Si Bella naman na ni hindi humawak nang kung ano ang siyang tumanggap ng lahat ng papuri mula sa warden. The usual Bella, we can't help but to let her be.

Nang medyo mahimasmasan, dinala kami ni warden sa loob ng bilangguan, bagamat nababalot ako ng takot dahil hindi ako sanay sa mga ganung uri ng lugar ay pinilit kong magpakatatag at iwinaksi ko ang takot na nararamdaman. Nasa ganoong estado ako ng sitwasyon nang maramdaman kong may kumapit sa aking kaliwang kamay.

"Gabriel ano ba? wika ko sabay tabig sa kamay na nakakapit sa akin. Nagulat ako nang paglingon ko sa aking tabi ay napagtanto kong si Ivan pala ang kumapit sa aking kamay at hindi si Gabriel na ngayon ay nakatingin din sa akin mula sa aking likuran. Marahil ay magtataka din siya sa bigla kong pagsambit sa kanyang pangalan gayong wala naman siyang ginagawa. Shit, I really messed up big time. Bakit ba lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"Ah eh wala," Iyan na lamang ang aking nasabi sabay kuha sa kamay ni Bella at dali daling hinila palapit kay warden. Inis na tumingin sakin si Bella ngunit hindi ko ito ininda dahil sa kahihiyang sinapit ko kanina.

"Ayun si Ernesto, bihira magsalita yan at palaging nasa tabi habang tinitingnan ang isang larawan. Goodluck sa inyo mga bata, mukhang mahirap makuha ang impormasyon na kailangan ninyo dahil hindi nakikipagusap 'yan kahit kanino," wika ni warden bago kami tuluyang iwanan.

Lumapit kami sa kinaroroonan ng matanda na kasalukuyang nakaupo sa buhanginan, may hawak na patpat at nilalaro laro ang buhangin sa kanyang harapan. Alam kong nakita niya ang aming paglapit ngunit hindi niya kami pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Noong narating namin ang lugar kung saan naroroon ang matanda ay umupo din kaming tatlo ni Gabriel at Ivan samantalang nanatiling nakatayo si Bella sa kadahilanang ayaw niya madumihan. Hindi pa din kami kinikibo ng matanda kaya nagsalita na ako.

"Good morning po Mang Ernesto. Ako po si Kayleigh at eto po ang mga kasama kong sina..." Hindi na ako natapos sa pagsasalita sapagkat tumayo na ang matanda at aktong aalis na nang mapansin naming may nahulog mula sa kanyang bulsa, isang larawan. Iyon marahil ang tinutukoy ni warden. Hindi ko naaninag ng husto ang larawan sapagkat agad itong pinulot ni Gabriel at ihinabol ang larawan sa matandang naglalakad na papalayo sa amin. Ang naaninag ko lamang mula sa larawan ay tila tatlong bata na magkakatabi, nakaupo sa ibabaw ng isang sasakyan at bakas ang kasiyahan sa mga matang kumikinang.

Le Trésor (The Treasure) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon