Chapter 2: Misfortune (Malheur)

1.4K 350 150
                                    

Nagising ako ng mga alas singko ng umaga. Bagamat late na 'ko nakatulog kagabi, sinikap kong gumising ng maaga dahil napaka espesyal ng araw na ito para sa akin. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi.

Pagmulat ng aking mata, muli kong nasilayan ang lumang bote na nakapatong sa aking mesa sa gilid ng aking kama. Muli ko iyong pinagmasdan habang ang liwanag ng araw na tumatagos sa nakapinid kong bintana ay nagrereflect sa katawan ng bote.

Ano kayang meron sa boteng ito? Iyan ang katanungang naglalaro sa aking isipan. Eh kung buksan ko kaya? Hindi naman siguro malalaman ni Tatay Manuel na pinakialaman ko ang boteng ibinilin niya sa akin.

Nasa punto nako ng paghila sa cork na nakatakip sa bote ng tumunog ang aking phone. May tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Hello. Ms. Kayleigh, are you awake? Ipapaalala ko lang po na by 6am ay dadating sa bahay nyo ang make up artist na mag-aayos sayo para sa wedding nyo mamaya," wika ng wedding coordinator na kinuha namin ni Ivan.

"Oh sige, kagigising ko lang din. Ibigay mo na lang ang address ng bahay ko. Mag aayos na din ako para pagdating niya ay mabilis na maasikaso ang makeup at damit ko. Salamat," sagot ko sa kanya bago patayin ng telepono.

Ipinagpaliban ko muna ang pagbubukas ng bote. Inilagay ko ito sa aking kabinet upang pansamatalang itago. Saka ko na lamang ito bubuksan.

Sabi nga ni Tay Manuel, bubuksan ko lamang ang bote sa takdang panahon. Pero kelan nga ba ang takdang panahon?

Wala naman siyang sinabi sa akin. Hay, bahala na. Masyadong espesyal ang araw na ito. Ayoko muna ng madaming isipin. Nararamdaman kong madaming bagay ang mangyayari mamaya. Bago matapos ang araw ay mapapalitan na ang aking apelyido at magiging ganap na akong Mrs. Reyes.

"Mrs. Kayleigh Reyes," wika ko habang nakasilip sa balkonahe ng aking kwarto. Napakasarap palang pakinggan na ang apelyido ng taong mahal mo ay magiging apelyido mo na din.

"Thank you Lord for the blessings," muli kong sigaw mula sa bintana ng aking kuwarto. Palagi ko iyong ginagawa tuwing umaga. Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na laging nagpapasalamat sa nasa itaas tuwing umaga.

Maya-maya ay pumasok na ako sa loob ng banyo upang maligo. Napatingin ako sa salamin nang maalala ko ang napanaginipan ko kagabi.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Wag mo nang isipin yun Kayleigh. Isa lamang iyong panaginip. Tandaan mo, ngayon ang araw ng kasal mo kaya wag ka mag isip ng mga negatibong bagay. Positive lang," wika ko sa repleksyon ko sa salamin.

Inumpisahan ko nang maligo. Dinadamdam ko ang bawat pagpatak ng tubig sa shower at ang pag-agos nito sa aking katawan.

Todo ang pagkuskos na ginawa ko sa aking katawan. Dapat ay mabango ako sa araw na ito. Baka kapag naamoy ako ni Ivan at maamoy na medyo may kaasiman ako ay hiwalayan agad ako nito sa unang araw ng pagiging mag-asawa namin.

Napakatok ako ng tatlong beses sa semento ng aking banyo. "Tok-tok-tok," tunog na nalikha ng pagkatok ko sabay sambit ng mga salitang "Tumama sa bato, wag lang sa tao."

Aba mahirap na, baka mausog nga at tuluyang mangyari ang aking nasa isip.

Tinapos ko na ang aking pagliligo. Sinigurado kong walang libag na natira sa aking katawan upang ihanda ang sarili ko sa honeymoon namin mamaya ni Ivan. Napangiti ako nang maisip ko ang bagay na iyon.

Sa loob ng tatlong taon ng aming relasyon ay nananatili akong birhen. Virgin coconut oil pa ang lola nyo. Minsan ay nagpakita siya ng motibo upang gawin namin ang bagay na iyon ngunit tumanggi ako.

Le Trésor (The Treasure) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon