Hindi ako maaaring magkamali, si Ivan ang taong nakasilip sa bintana ng mansyon. Sa tatlong taon ng aming pagsasama ay kabisadong kabisado ko na ang mga features ng kanyang mukha. Nagulat siya ng magsalubong ang aming nga tingin kung kaya't dali dali siyang umalis. Naguguluhan man ay wala akong nagawa kundi lumabas ng bahay upang tingnan at sundan siya.
Nakita kong nagulat si Gabriel sa aking ginawa. Sinundan niya ako sa aking pagtakbo sa labas. Marahil ay nabigla siya sa aking inasal kaya niya ako sinundan. Nang marating ko ang labas ng mansion ay nakita ko pa si Ivan na tumatakbo. Totoo ba itong nakikita ko? Buong pagkakaalam ko ay namatay siya sa aksidente kasama si Sarah na kabit nya.
Pinilit ko pa din siyang habulin at siguro ay napagtanto ni Gabriel na hinahabol ko ang taong iyon kaya dali dali niyang hinabol si Ivan. Maliksi kumilos si Gabriel kaysa kay Ivan. Halatang athletic siya dahil sa build ng kanyang katawan. Malayo pa ang gate ng mansion kaya hindi agad agad makakatakas si Ivan. Idagdag pa na mas mabilis kumilos si Gabriel kaysa sa kanya.
Humahangos man dala ng pagod sa pagtakbo ay nagpatuloy ako upang maabutan sila. Gusto kong masiguro kung si Ivan nga iyon. Nabuhay ang pag asa sa aking puso na baka buhay nga siya.
Ilang metro na lamang ang pagitan nilang dalawa sa isa't isa at hindi nagtagal ay naabutan din ni Gabriel si Ivan. Walang oras na sinayang si Gabriel. Hinablot niya ang kuwelyo ng tshirt na suot ni Ivan at kung hindi ako nagkakamali, iyon ang suot ng driver na naghatid sa amin dito. Ibig sabihin, all this time ay si Ivan ang tumutulong sa akin. Ngunit bakit? Bakit hindi siya nagpakilala? Paanong nakaligtas siya gayong nakareport sa pulisya ang pagkamatay niya? Napakadami kong katanungan sa aking isipan.
Habol ko ang aking hininga ng marating ko ang kinalalagyan nila. Malapit na sila sa gate ng mansion at kung nahuli ng ilang segundo si Gabriel, marahil ay nagawang makatakas ni Ivan.
Napayuko ako ng bahagya, nakakapit sa aking mga tuhod ang dalawa kong kamay at pinipilit na habulin ang aking hininga.
Patuloy pa din si Gabriel sa pagbugbog kay Ivan na hindi naman lumalaban at hinahayaang mabugbog.
"Sino ka ha? Anong ginagawa mo ditong hayop ka? Ipinadala ka siguro ni Miranda at Miguel para sundan kami at manmanan. Hayop ka! Papatayin kita!" wika ni Gabriel kay Ivan habang patuloy itong binubugbog.
Bagamat humahangos ay pinilit kong magsalita dahil pansin kong hindi titigil si Gabriel sa pagbugbog Kay Ivan hanggang hindi niya ito napapatay.
"Tama na Gabriel, kilala ko siya. Ako na ang bahala," wika ko habang hinahablot ang braso ni Gabriel upang pigilan ito sa ginagawang pagbugbog.
Natigilan naman si Gabriel sa narinig kaya binitawan na niya ito. Naiwang nakahandusay si Ivan na puro pasa na tinamo dulot ng pagsuntok sa kanya. Nang lingunin ko si Gabriel ay kasama na niya si Manang Belen at Bella na marahil ay lumabas din at sumunod sa amin kanina.
Agad akong pumunta sa kinalalagyan ni Ivan at umupo upang makita ko siya. At doon ko nakumpirma na si Ivan nga ang taong iyon. Madami akong tanong sa aking isipan ngunit isinantabi ko muna ang mga iyon dahil mas importanteng magamot muna ang kanyang mga sugat. Pumatak ang aking mga luha ng makita siya sa ganung kalagayan. Idagdag pa na all this time, siya pala ang tumutulong sa akin.
Nakita ni Gabriel ang pagpatak ng aking luha na agad ko din namang pinahid ng mga oras na iyon. Humingi siya ng pasensya Kay Ivan at tinulungan itong tumayo. Hindi ko naman masisisi si Gabriel, hindi niya kilala iyong tao at kung ako ang nasa posisyon niya ay ganun din ang gagawin ko. Nang makatayo na si Ivan ay binitawan na siya ni Gabriel dahil nagpumilit itong kaya na niya ang kanyang sarili. At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Walang sabi-sabi ay hinawakan ni Ivan ang aking pisngi, nilapit ang kanyang ulo sa akin at ilang saglit lamang ay idinampi ang kanyang mga labi sa akin. Sa harap nilang lahat ay hinalikan niya ako, hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang itinagal ng halik na yaon.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
Storie d'amoreStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...