Chapter 8: The Note (La Noté)

641 151 32
                                    

Tanghaling tapat ng makarating kami sa pier. We have no choice but to run away. Nakuha na namin ang bote at ngayon ay hawak namin ang note na naglalaman ng clue. Ngunit hindi direktang sinabi kung saan ang susunod na ruta. Bagamat walang kasiguraduhan ay minabuti na naming lisanin ang lugar. Hindi na kami ligtas sa lugar na iyon at wala na talagang kasiguraduhan ang aming kaligtasan dahil mukhang natunton na kami ng mga tauhan ni Miranda at Miguel.

Tinatapos namin ang trail ng treasure map habang hinahabol kami ng tauhan ng stepmother at stepbrother ni Gabriel. Para kaming daga na pilit inaabot ang keso habang hinahabol ng isang malaking pusa. Ang layunin ng pusa ay makuha ang keso at mailigpit ang dagang naghahabol dito.

Noong una ay inakala kong madali lamang ang misyong ito. Tatapusin namin ang trail ng treasure map, mahahanap ang regalo sa dulo nito at tapos na. Babalik na kami sa kanya kanya naming buhay. Ako na isang call center agent na may malaking utang sa isang makapangyarihang sindikato, si Gabriel na isang gwapong binatang mayaman at si Bella na isang 'easy go lucky' girl na palaging inuumaga ng uwi dahil sa party na dinaluhan.

Ngunit hindi ganun kadali ang tatahakin naming landas. Dalawang beses nang nanganib ang buhay namin at maaaring sa susunod na engkwentro namin sa mga tauhan nina Miguel at Miranda ay may mangyaring hindi maganda. Lalo pa at hindi na lamang isa ang naghahabol sa amin ngayon. Madami na sila at walang wala ang bilang namin sa dami nila. Kaming tatlo ay walang laban sa kanilang lahat. Kung sakaling mahuhuli kami ay tiyak na katapusan na namin iyon.

"Huwag ka mag-alala, naririto na ako. Wala ng masamang mangyayari sa iyo."

Nanumbalik sa akin ang mga salitang binitiwan ni Gabriel kagabi sa bundok. Sana nga Gabriel. Sana ay walang mangyaring masama sa atin. Salamat dahil nandiyan ka. Wala kang pinagkaiba kay Tatay Manuel. Mabait ka din. Hindi man kayo magkadugo ay napalaki ka niya ng maayos.

Natigil ang aking pag-iisip ng magyayang kumain si Bella. Kaming tatlo kasi ay nakaupo sa isang bahagi ng pier na hindi gaano kadamihan ang tao. Sa mga puntong ito ay hindi kami nakakasiguro na nailigaw na ni Lyra ang mga tauhan nina Miranda at Miguel. Tiyak kong batid nila na tatakas kami kaya malamang sa malamang ay nagkalat na sila ng mga tauhan sa buong isla.

Iyan ang dahilan kung bakit kaming tatlo ay nakasuot ng jacket na may hood at isang sumbrero na sapat upang maitago ng bahagya ang aming mukha. Ang buhok naman namin ni Bella ay ginawa naming 'bun' at isinuot sa loob ng cap upang mas ma 'conceal' namin ang aming identity sa gitna ng mga tao. Si Gabriel naman ay nagsuot ng eyeglasses na bumagay sa kanyang mukha. Kahit anong gawin ata sa taong ito ay hindi na ito papangit pa.

Pansamantalang itinago ni Gabriel sa kanyang bulsa ang note na nakuha sa bote. Kagaya noong nauna ay nahirapan din kaming i decode ito. Dahil prutas lamang ang aming kinain ay napagpasiyahan namin na kumain muna bago sumakay ng barko at lisanin ang lugar na ito.
Maingat ang bawat kilos na ginagawa namin. Naunang maglakad ang dalawa habang nakasabit ang braso ni Bella sa braso ni Gabriel. Sabi ni Bella ay magkukunwari silang magkasintahan bilang disguise. As if namang hindi ko alam ang style nya. Front nya lang ang kunwaring disguise pero ang gusto niya ay masolo si Gabriel at makipaglandian dito. At mukhang tuwang tuwa naman ang gago. Nagseselos ba ako? NO! Bakit naman ako magseselos?

Dahil mabilis ang ginagawang paglalakad ng dalawa sa aking unahan ay medyo malayo ang pagitan ko sa kanila. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsunod sa kanila ng tila may naramdaman akong kakaiba. Yung pakiramdam na parang may nagmamasid sa iyo. Yung tipong parang may sumusunod sa iyo. Kaya ganun na lamang ang ginagawa kong paglingon sa aking likuran. Hindi kaya nasundan kami ng isang tauhan nina Miranda kaya sinusundan nila kami?

Dahil wala ang focus ko sa paglalakad, hindi ko namalayan ang pagragasa ng matulin na truck sa aking kanan. Ilang metro na lamang ang layo nito sa akin noong aking mapansin at tila hindi magawang kumilos ng katawan ko. Iyong tipong hindi ko magawang tumabi upang iligtas ang aking sarili. Ang tanging nagawa ko lamang ay iharang ang aking braso bilang pananggalang sa parating na truck.

Le Trésor (The Treasure) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon