Namalagi muna kami ng ilang minuto sa lugar na iyon. Sinubukan namin ang lahat ng paraan para madecode ang clue na nakasulat sa bote. Katahimikan ang namayani sa silid. Tanging tunog lamang ng mga dumadaang sasakyan ang naririnig. Hindi pa din mahagilap ng aking isipan kung paano ito idedecode at nang ibaling ko ang aking tingin kay Gabriel ay seryoso itong nakatitig sa papel at maya maya ay may isusulat sa isang piraso ng papel ngunit maya maya ay buburahin din. Si Bella naman ay nakaupo sa isang silya, naka de kwatro at nakancrossed arms, marahil ay nag iisip din.
Nang magawi ang aking tingin sa bintana ng silid na iyon, napansin kong may tao dito at pinagmamasdan kami. Napansin ng taong iyon na nakita ko siya kaya't mabilis pa sa alas kwatrong nagtago. Kita ko pa ang paggalaw ng mga dahon mula sa tanim na pinagkukublihan niya sa may bintana.
Tumayo ako upang silipin siya ng biglang nagsalita si Gabriel. Napasigaw siya.
"YES!" Meaning to say, na nadecode na niya ang clue. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya nabigo na mapamangha ako. Ang galing niya!
Agad kaming tumalima sa kanyang sigaw at lumapit sa silyang kanyang inuupuan, tumitig sa papel na hawak niya, punong puno ito ng mga guris dahil sa madaming beses na ginawa nyang pagbura sa mga isinulat niya dito. Ngunit ang naka agaw ng aming pansin ay ang isinulat niya sa lower right corner ng papel na hawak niya. Nakasulat doon ang mga salitang 'Ancestral House Baguio' na kanyang binilugan.
"Ancestral House sa Baguio?" paglilinaw ni Bella dahil siguro, kagaya ko ay iyon ang inaakala niyang pupuntahan namin dahil ito lang ang malinis ang pagkakasulat sa papel at idagdag pa ang pagbilog niya dito.
"Oo, doon tayo pupunta!" sagot ni Gabriel na abot tenga ang ngiti.
"Pa-paano mo nadecode ang clue?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako na kasalukuyang nakatayo sa kanan niya, hinila ang upuan sa kanyang harapan at hinigit ako upang maupo doon atsaka siya muling nagsalita.
"Columnar Cipher ang ginamit sa code na ito. Columnar Cipher is a type of transposition cipher. First, we need to write the keyword. In this case, NORTH ang ginamit ni Dad. Pagkatapos noon, magsulat ng number 1-5 sa baba ng bawat letter, ang i aassign na number ay depende sa alphabetical arrangement ng letters. Meaning to say, N=2, O=3, R=4, T=5 at H=1. Pag naisulat mo na ang numbers na nagcocorrespond sa letters, balikan mo ang cipher. SHBO ATOA NRUG CASU ELEI! Iyan ang code, pansinin ang spaces sa mga letter. Nahati ang codes into 5 groups, ang first group ay isulat vertically sa hanay ng H, second group sa hanay ng N and so on. Halika tingnan nyo," pagpapaliwanag ni Gabriel. Nang tingnan namin ang nakasulat sa papel ay ito ang aming nakita.
N O R T H
2 3 4 5 1
A N C E S
T R A L H
O U S E B
A G U I O"Ngayon, kung babasahin muli ang mga letters sa code, makakabuo na ito ng isang word, and boom! Sa Ancestral House namin sa Baguio ang ating susunod na destinasyon kaya tayo na," buong siglang wika niya sa amin.
Nagpatiuna si Gabriel sa paglalakad, nagpaalam at nagpasalamat kay Mr. Guevara na siyang nag-ingat ng bote habang hindi pa namin siya natatagpuan. Doon lang din nalaman ni Gabriel na si Mr. Guevara pala ay kumpare ng kanyang Daddy. Marahil ay iyon ang dahilan kung kaya't sa kanya hinabilin ni Tatay Manuel ang bote.
Matapos magtanghalian ay wala na kaming inaksayang panahon, dumiretso na kami sa aming paglalakbay patungong Baguio kung saan nakalagay ang susunod na clue. Kagaya noong mga nakaraang araw ay hindi pa din ako mapanatag dahil alam kong may isang pares ng matang patuloy na nagmamasid sa amin. Kagaya na lamang kanina sa Post Office, alam kong siya iyon. At alam kong sa mga oras na ito ay nakabuntot siya sa amin.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...