Chapter 6: First Clue (Premier Indice)

820 210 61
                                    

Lumipas ang ilang sandali ng katahimikan. Napaka komplikado nga ng clue sa mapa kagaya ng sabi ni Gabriel. Anong gagawin namin sa mga letra at numerong ito? Hindi ko alam kung paano ito idedecode. Muli ay sinilip ko si Gabriel mula sa salamin ng kotse. Alam kong nag iisip din ito habang nagmamaneho.

Maya-maya ay naalimpungatan na si Bella mula sa kanyang pagkakahimbing. Uminat siya atsaka inistrech ang kanyang makinis na mga braso atsaka binati si Gabriel.

"Good morning Gab!" wika niya habang tinititigan si Gabriel. Ni hindi niya man lang ako binati at tila hindi ako nageexist sa sasakyang ito. Ang mas kinataas ng kilay ko ay ang biglang pag pulupot ng braso ni Bella sa mga braso ni Gabriel. Maya maya ay pinipisil pisil na nito ang malalaking muscles ni Gabriel. "Napakalandi talaga netong babaeng ito.", wika ko sa aking sarili. At mukhang nag eenjoy naman ang gago. Ni hindi man lang niya sinasaway ang babae at hinahayaan nitong lamasin nito ang buo niyang katawan.

Sisinghalan ko na sana sila ng "Go get some room!" ng narealize kong bagay pala talaga sila. Maganda si Bella, ubod ng gwapo si Gabriel. Bagay na bagay silang dalawa. Para silang mga showbiz couple. Iyong kahit anong gawin ay maganda at gwapo pa din. Match made in heaven wika nga ng iba.

Kung sakaling maging sila, hmmm. 

Gabriel+Bella=Gabriela! 

Pangalan pa lang bagay na bagay na pag pinagsama. Sa sobrang bagay ng mga pangalan nila, nagtunog tuloy itong ganun sa isang grupo na nangangalaga sa mga kababaihan. Gabriela! HAHAHAHAHAHAHA. Palihim akong natawa sa aking isipan. Wala din naman akong ibang pedeng gawin dahil hindi ko naman kakayaning pagmasdan si Bella na isinasagawa ang malandi niyang mga hakbang.

Eh pano kaya pag kaming dalawa ni Gabriel. 

Gabriel+Kayleigh=Gableigh!

Hmmmm.. Pede naman diba? Pero teka nga muna, bat ko na biglang naisip iyon. Erase erase! Napailing iling ako dahil doon na siyang kina agaw ng pansin ng dalawang taong naglalampungan sa unahan. Sinilip ako ni Gabriel sa bintana at muling ibinalik ang tingin sa kalsada dahil nagmamaneho siya. Si Bella naman ay tinapunan ako ng isang tingin na nagsasabing "Huwag ka ngang magulo dyan pangit. Moment ko 'to, wag kang pabida!"

Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang aming dinadaanan. Bakit nga ba sumagi sa isip ko iyon? Ang maging kami ni Gabriel ay isang panaginip lamang na kailanman ay hinding hindi matutupad. Sa itsura pa lamang ay malayong malayo na ang agwat namin. 

Kapag itinabi ako sa kanya ay mapagkakamalan lamang akong alalay niya ng makakakita sa amin. Atsaka mayaman siya, marami siyang makakasalamuhang mga babaeng mayayaman din, at magaganda hindi tulad ko. Kung tatanungin kung sino sa aming dalawa ni Bella ang mas bagay sa kanya ay siguradong si Bella ang isasagot. Hindi ko nga alam kung bat napasama pa ako sa choices. Hindi ako qualified.

Oo attracted ako Kay Gabriel. Sino ba namang babae ang hindi ma aattract sa ganito kagwapong nilalang. Mukha siyang anghel kaya bagay na bagay sa kanya ang pangalang Gabriel. Ang perpekto at maamo niyang mukha, ang mata niyang nakakatunaw kapag ikay tinitingnan, ang matangos niyang ilong, makinis na mukha, malarosas at kissable niyang labi at ang pantay na ngipin sa loob nito ay sapat na upang mabihag ang puso ng isang babae. Idagdag pa ang malaki niyang katawan. 

Mula sa malapad na balikat, malalaking mga dibdib na naghihimutok na lumabas mula sa kanyang fitted na sweatshirt, ang kanyang mga brasong hindi pa niya finiflex ay kitang kita mo na ang muscles, ang kanyang set ng abs na tila perpektong iginuhit sa kanyang katawan dahil ni hindi ito kakikitaan ng taba at ang malaking umbok sa kanyang harapan na bumabakat sa pantalong suot niya. Iniisip ko pa lamang ay tila naglalaway na ako. Isa siyang Adonis.

Le Trésor (The Treasure) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon