Chapter 5: The Bottle's Mystery (Le Mystère de la Bouteille)

877 226 82
                                    

Hindi ako maaaring magkamali. Ganung ganun nga ang itsura ng boteng iniwan sa akin ni Tatay Manuel. Ang kaibahan lamang ay kulay asul ang laso nito samantalang pula ang kulay ng laso ng bote ko.

"Ah eh, wa-wa-wala," pagtanggi ko sa kanya. Ayoko agad na basta bastang magtiwala sa kanya. Noong huling beses akong nagtiwala sa isang lalaki ay naloko ako. I'm done hearing their flowery words. Papaniwalain ka sa una tapos pag nakuha na ang gusto sa iyo ay iiwan ka na parang balat ng pinagkainan nila.

Ngunit mukhang hindi siya kumbinsido sa naging tugon ko. Bakas sa mga mata niya ang pagdududa. Mukhang hindi madaling mapaniwala ang taong ito.

"Are you telling me the truth Kayleigh?" wika niya sa akin habang seryosong nakatitig sa aking pagkakayuko habang palakad lakad paikot sa pwestong kinatatayuan ko.

"Look into my eyes and tell me the truth," sabi niya sa akin. Ginawa ko ang sinabi niya. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo mula sa pagkakatungo at tinitigan siya katulad ng sinabi niya. Muling nagtagpo ang aming mga mata. Tila nalunod ako sa pagkatitig sa mga mata niya. Singkulay nito ang dagat na lalong tumitingkad ang pagka bughaw sa tuwing nasisinagan ng araw.

Bakas man sa aking mga mata ang pagdududa ay naramdaman kong unti-unti itong nalusaw sa pagtitig sa kanya. Nakakabighani ang ganda ng kanyang mga mata. Para akong isang apoy na hindi magawang lumiyab, mistulang hipnotismo ang kanyang pagtitig.

Tumagal ang titig na iyon. Hindi ko alam nguniymt tila limang minuto na kami sa pagkakatitig sa isa't isa at alam kong pag tumagal pa ang titigang iyon ay ako din ang susuko at sasabihin sa kanya ang lahat ng aking nalalaman na nasa akin ang boteng hinahanap niya.

Nasa punto na ako ng pagsasalita ng umiwas siya ng tingin. Hudyat iyon ng kanyang pagsuko at sa wari niya ay wala talaga siyang mapapala sa akin. Ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata noong tinitingnan ko ito. 

Nakaramdam ako ng awa sa kanya lalo na noong nakita kong gumulong ang ilang butil ng luha sa kanyang mamula mulang pisngi. Agad niya itong pinahid at nagkunwari na lamang akong hindi ko iyon napansin dahil alam kong masasaktan ko ang ego nya pag sinabi kong nakita ko ang pagluha niya. Matapos pahidin ang luha ay muli siyang nagsalita.

"Pasensya ka na Kayleigh. Desperado lang talaga akong mahanap ang boteng iyon. Iyon ang huling bilin sa akin ni Dad bago siya mawala. Ibinigay niya sa akin ang bote atsaka isang note," wika niya. Iniabot niya sa akin ang note at binasa ang nakasulat dito.

"Pour obtenir le trésor, vous devez trouver
La paire de cette bouteille garde cela à l'esprit.
Dès que je meurs, va chez moi
Obtenez la clé, profitez de votre voyage..."

Wala akong maintindihan sa nakasulat kaya napakunot na lamang ang aking noo. Ibinalik ko sa kanya ang sulat. Muli siyang nagsalita.

"Nakasulat iyan sa wikang French dahil may lahing Pranses ang aking ama. Hindi ko alam kung para saan ang note at bote pero sa pagkakatanda ko ay may regalo daw siyang ibibigay sa akin. Alam kong hindi madali makuha ang magiging regalo niya. Obsessed si Dad sa mga codes at treasure hunting. Matatandaan ko last year ay niregaluhan niya ako ng isang note na kagaya neto, inabot ng buwan bago ko masolve ang code at sa huli ay natagpuan ko ang regalo niya. Isang brand new car na gustong gusto ko," wika niya na napapangisi na dulot marahil sa pag alala sa kanyang ama.

Le Trésor (The Treasure) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon