Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Masakit na sa balat ang init kaya napagtanto kong tanghali na. Pagmulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa ibabaw ng aking kama.
How weird.
Ang pagkakatanda ko ay nahimatay ako sa bahay ng hayop na Ivan na iyon. Paano nangyaring andito ako ngayon sa bahay ko? Malayo kasi ang pagitan ng bahay namin at hindi naman maaaring nag sleep walk ako pauwi.
"Hindi kaya panaginip lang ang lahat," tanong ko sa aking sarili. Hinagilap ng aking mga mata ang wedding dress ko. Wala na ito sa sulok ng aking kwarto. So, hindi pala panaginip ang nangyari. Pagbangon ko sa kama ay nagulat ako na iba na ang suot kong damit. Supposed to be ay suot ko dapat ang wedding dress ko ngunit ngayon ay nakapambahay na lamang ako.
Something wrong is happening here.
Nahagip ng aking mata ang mga promissory notes na nakapatong sa table katabi ng aking kama. Sapat nang proof iyon para masabi kong hindi panaginip ang nangyaring kamalasan kahapon. Sana naman ay wala nang dumagdag pa sa mga kamalasang iyon. Hindi ko na ata kakayanin at pakiramdam ko ay tatalon na lang ako sa tulay kung may masama na namang mangyayari. Andami ko pang problema. Ni hindi ko nga alam kung pano mag-sisimula ulit. Back to zero. Feeling ko ay nasa isa akong video game at nag game over. Wala akong choice kundi magsimula muli kahit hindi ko alam kung magtatagumpay ako. Ansakit pa din kasi ng ginawa ni Ivan. Mahal na mahal ko yung tao eh.
May pa 'I love you' pa siya eh hindi pala niya ako mahal. Awa lamang pala ang nararamdaman niya sa akin at tingnan nyo naman ako ngayon. Maging ako ay naaawa na din sa sarili ko. Tapos iiwanan niya ako ng napakalaking utang.
Gago ba sya? Mali mali. Gago talaga siya. Hindi na kelangan pang tanungin. Naaawa siya sa akin tapos bibigyan nya ako ng ganyan kalaking problema. Saan ako makakahanap ng isa't kalahating milyon para ipambayad sa utang niya? Mahirap lang ako. Kahit pa magtrabaho ako 24/7 sa call center, mamumugto lamang ang mga mata ko pero hindi ako kikita ng ganoon kalaking halaga. Kahit ibenta ko lahat ng laman loob ko ay hindi pa rin sapat.
Last time I checked, almost 50,000 na lang ang ipon ko sa bangko. Syempre napagastos ako para sa kasal sana namin. Atsaka may mga bills pa akong hindi nababayaran.
Hayssss! Alam kong hindi basta-basta ang mga taong pinagkakautangan ni Ivan. Malaking tao ang makakalaban ko kung sakaling hindi ako makabayad. Maaaring buhay ko ang maging kapalit kung sakali.
Halos mabaliw na ako kakaisip nang mapagpasyahan kong itabi na lamang ang mga promissory note na iyon. Mamaya ay papasok na ako sa call center kahit naka leave pa 'ko hanggang sa susunod na linggo. Maghahanap din ako ng trabaho para makaipon ako ng pambayad sa utang niya. Alam kong imposible pero kakayanin ko naman.
Siguro.
Nasa akto na ako ng pagsalansan sa mga promissory notes nang may nalaglag na kapirasong papel mula dito. Isa iyong sticky note. Agad ko itong binasa.
Hi Beautiful! No matter how strong the storm is, remember that it'll stop soon. Maybe tomorrow or next week. There's no assurance but everything will be alright soon. I know that a bright future is waiting for you Kayleigh! <3
P.S. Huwag mo nang alamin kung sino ako. I'd rather stay in the dark pero lagi mong tatandaan na binabantayan kita.
P.P.S. May niluto akong lugaw, initin mo na lang. Doon ko nilagay sa ref. At huwag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa iyo. Smile na :)
Iyan ang nakasulat sa sticky note. At muling nadagdagan ang aking isipin. Sino sya? Bakit niya ako tinulungan? Paano niya nalaman ang bahay ko? Paano niya nalaman na andun ako sa bahay ni Ivan? Haiissssst. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...