Ilang kilometro na ang nabagtas namin ngunit hindi pa din inaalis ni Gabriel ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Masaya kaya siya dahil sa wakas, nakita na niya ang biological father niya? May hinanakit ba siya dahil bilanggo ang ama niya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, lumilipad ang isip niya ngayon.
"Burger, gusto mo?" alok ko sa kanya sabay abot ng pagkain na binili namin sa drive thru ng isang fastfood chain kanina.
Hindi niya ako kinibo. Hindi ata niya narinig ang sinabi ko. Lumilipad pa din ang isip niya sa mga oras na ito. Nakakalungkot lang na wala akong magawa para mapagaan ang dibdib niya. I badly want to comfort him pero hindi ko alam kung papaano sisimulan.
After minutes of thinking, nakaisip din ako. I don't if this will work pero susubukan ko. Kinapa ko ang coin sa bulsa ko. Inilabas ko ito atsaka muling hinarap ang aking katabi para kausapin.
"Oy Gabriel, laro tayo. Gusto mo? Bored na din ako sa byahe eh. Sige na, laro na tayo," pangungulit ko sa kanya. Walang nagawa si Gabriel kung hindi ang humarap sa akin. Matamlay pa din ang itsura niya. Ang sigla at ningning ng kaniyang mga mata ay nawala. Ngumiti siya sa akin nang mga oras na iyon ngunit batid kong huwad ang ngiting ipinapakita niya sa akin.
Ipinagsawalang bahala ko ito sapagkat alam kong ayaw niyang makita ko siyang nasa ganoong kalagayan. Ganiyan talaga ang mga lalaki, hanggang kaya nila ay hindi nila ipinapakita na mahina sila. Pilot tinatago sa mga ngiti ang mga emosyong pilot kinikimkim. Hindi pwedeng umiyak, kailangang magpakatatag.
Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong barya. Tinanong niya kung para saan ang barya kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang mechanics ng game. Simple lang naman, magsasalitan kami sa pag toss ng coin. Kapag heads ang lumabas, the player will answer the question given by the opponent. Kapag tails naman, the player needs to do the dare given by the opponent. Take turns lang kami, ganoon lang hanggang sa madistract ko na siya at huwag muna pakaisipin ang mga nangyari.
"Game ka na ba?" tanong ko sa kanya na sinagot niya gamit ang isang matamlay na pagtango ng ulo. Mukhang tinatamad siya pero hindi pa din ako susuko. Kayleigh is a fighter.
Ako ang mauunang magtoss sa coin. Inihagis ko ito sa ere ngunit dumulas ito sa aking kanang kamay at bago ko pa ito masalo buhat sa pagkakahulog ay tumama na ang barya sa napakinis na noo ni Gabriel.
Nahihiyang kinuha ko ang ngayon ay nakadikit pa ding barya sa noo ni Gabriel atsaka nag peace sign sa kanya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nagulat ako dahil tumawa si Gabriel. Legit? As in? Humagalpak sa pagtawa si Gabriel? Thank G! Atleast, amidst the controversy of his father's identity, napatawa ko siya.
"Ayos ka lang ba? Sorry," wika ko habang hindi tumitingin sa kanya dahil sa labis na kahihiyan.
"Oo naman. So tell me, is it a head or a tail?" tanong niya sa akin.
"Head," maiksing sagot ko bago ilapag sa tabi niya ang barya ngunit tila mali ata ako nang napatungan. Nang tingnan ko kung saan ngayon nakapatong ang aking palad, halos matunas ako dahil ito ay nakapatong sa ibabaw ng suot niyang shorts, sa mismong ano niya. Sa hindi mawaring dahilan ay hindi ko maiangat ang kamay ko mula sa pagkakapatong dito, bumalik lamang ako sa katinuan nang muli siyang magsalita.
"And that's the head too. You're touching my pal's head, mi amor," wika niya na ikinalaki ng aking mata.
Ano na naman bang katangahan itong ginawa ko. Napuno nang katahimikan ang loob ng sasakyan. Si Ivan ay diretso ang tingin sa daan habang nagmamaneho habang natutulog sa passenger's seat si Bella. At kaming dalawa ni Gabriel? Nakatingin sa magkabilang gilid ng bintana, tinatantiya at pinapakiramdaman ang isa't isa. Halos lumabas na sa ribcage ang puso ko sa sobrang pagkabog. Huminga ako nang malalim, inipon ang lahat ng natitirang lakas ng loob at hinarap si Gabriel.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...