Nasa loob ng sasakyan ang aking katawang lupa ngunit ang aking isipan ay lumilipad sa kawalan. Ni hindi ko alam ang dapat isipin sa mga oras na ito. Nagugulumihanan ako sa takbo ng mga pangyayari. Hindi pa lubusang pumapasok sa sistema ko ang mga kaganapan.
Una, bakit bigla biglang naging ganoon ang mga kilos ni Gabriel. I mean, oo batid ko ang mga kakaunting paramdam na ipinupukol niya sa akin noong una pa lamang pero parang ngayon ay lantaran na ang mga paramdam na iyon. Hindi naman sa ayaw ko, at hindi din naman sa gustong gusto ko pero hindi lang ako sanay. Ang mga pa 'mi amore' niya, yung paghingi niya ng halik kani-kanina lamang at ang tila pakikipag-kompentesya niya kay Ivan. Para saan ang mga iyon?
Sa totoo lamang, natatakot ako. Takot ako kasi alam kong mahal ko pa din si Ivan. Nabuhayan ang pag-asa ko na muli kaming magkakabalikan noong araw na nakita ko siyang muli. Paano pala kung nagbago na siya? Paano kung binalikan niya ako upang maitama ang pagkakamali niya? Pero paano din kung bumalik lamang siya upang saktan akong muli?
Si Gabriel? Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ko din alam. Masaya akong kasama siya. Pakiramdam ko, ligtas ako sa mga bisig niya. Nakikita ko ang sinsiredad sa mga mata niya. Ngunit paano pala kung umaasa lamang ako at binibigyan ng ibang malisya ang mga kilos niya?
Ewan.
Atsaka iyong taong nagdala sa akin pabalik sa bahay ko noong araw ng kasal ko, sino iyon? Noong tinanong ko si Ivan noon kung siya ang lalaking nagligtas sa akin, sinagot niya ako ng oo. Pero bakit ngayon ay sinasabi ni Gabriel na siya ang lalaking iyon. Sino ba talaga sa kanila? Sino?
Ngayon lang ako naguluhan sa nararamdaman ko. Ngayon ko lang naman kasi naranasan ang mga bagay na ito. Simula pagkabata, namulat ako at nasanay sa panlalait ng iba. Nasabi ko nga sa sarili ko noon na handa akong tumandang dalaga pero bakit tila nabago ang lahat ng plano ko. Kung naririto lamang si Tatay Manuel. Siya kasi ang lagi kong nasasabihan ng mga ganitong bagay kapag nalilito ako. Siya ang tumayo bilang ama ko noong tumira ako bilang kapitbahay ko.
Namiss ko din bigla si Mama. Si Mama kasi lagi ang sumbungan ko kapag ganito. Noong nabubuhay pa siya, kahit may ginagawa siya ay ititigil niya ito para makinig sa akin. Alam kong pinagmamasdan nila ako ni Papa sa langit. Alam kong araw araw nila akong ginagabayan.
Kinapa ko ang kuwintas sa aking leeg ngunit kinabahan ako noong mapansin kong wala na ito sa pagkakasuot sa akin. Ang kuwintas! Iyon na lamang ang tanging ala-ala ko kay mama. Hindi maaaring mawala iyon.
Kinapa ko ang aking upuan. Wala doon ang kuwintas. Tiningnan ko ang sahig ng sasakyan ngunit walang bakas ni anino ng kwintas. Napakatanga ko dahil hindi ko napansing nawawala ang pinakaimportanteng bagay na iniingatan ko.
Napasapo na lamang ako sa aking noo. "Sorry ma, hindi ko naingatan ang bagay na ipinagkatiwala mo sa akin," naibulong ko na lang sa hangin.
"Gentle Hands Inc. diba," tanong ni Ivan kay Gabriel na sinagot naman ng tango ni Gabriel.
"Naririto na tayo Kayleigh. Tara na," yakag ni Gabriel sa akin sabay abot ng kanyang kamay.
"Sa akin sasabay si Kayleigh," malamig na wika ni Ivan.
"At bakit?" tanong ni Gabriel.
"At bakit hindi?" sagot ni Ivan.
Masyado silang magulo. Madami na akong iniisip, ayoko na silang idagdag dun kaya lumabas ako at nagdire-diretso papasok sa bahay-ampunan. Narinig ko pa si Bella na nagwikang magpapaiwan na lamang siya sa kotse dahil inaantok pa siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Maganda ang loob ng ampunan. Hindi kalakihan pero malinis at payapa tingnan ang loob nito. Maya maya pa ay naramdaman ko ang braso na nakaakbay sa aking balikat. This asshole, ang bigat bigat ng braso nitong gagong 'to pero wagas makaakbay. Aalisin ko na sana ang braso ni Gabriel ng magsalita ito.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...