Nagulat ako sa aking nabasa. Anong inig niyang sabihin sa sulat na iyon? Bakit gusto niya akong umalis at iwan sa ere ang kasama ko sa aming misyon? Ganoon na ba talaga kadelikado ang sitwasyon namin ngayon? Sino siya? Bakit niya iyon ginagawa? Bakit niya ako tinutulungan?
Andaming tanong na paulit ulit na bumabalik sa isip ko. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo upang sundan ang housekeeper. Alam kong siya ang nag iwan ng note sa harap ng pintuan namin o kung hindi man ay baka may alam siya. Kelangan ko ng sagutan ngayon dahil mukhang mababaliw nako sa dami ng isipin.
Paglabas ko ng elevator ay naabutan ko pa siya habang nagmamadaling tinutulak ang trolley. Alam kong tatakbo siya palayo kung sakaling tawagin ko siya kaya naging maingat ako sa aking mga ginagawang kilos. Ayaw kong matunugan niya na sinusundan ko siya. Mistula nakong magnanakaw na may gagawing masama dahil panay ang tago ko sa bawat posteng madadaanan ko upang hindi niya ako mapansin. Bahala na kung makita sa cctv ang unusual na kinikilos ko. All I know is that kelangan ko siyang makausap. Patuloy ang pagsunod ko sa kanya ng biglang may humarang na isang hotel staff sa aking dinadaanan.
"May kailangan po ba kayo ma'am?" tanong nito sa akin.
"Wala, wala," sagot ko sabay tabig sa kanya patabi.
Malayo na ang pagitan namin ng housekeeper kaya mas binilisan ko ang aking paglakad. Huli ko siyang namataang pumasok sa isang kwarto na sa tingin ko ay stock room ng hotel. Kitang kita ko pa ang paggalaw ng pintuan dulot ng pagkakasara nito. Doon siya pumasok!
Walang pagdadalawang isip ay hinawakan ko ang doorknob ng pintuang iyon at pinihit upang makapasok. Pagpasok ko sa kwartong iyon ay walang bakas ng housekeeper na aking sinusundan. Ang naroroon lamang ay ang trolley na kanyang dala-dala, unipormeng nakakalat na halatang nagmamadaling hinubad, at ang nakabukas na bintana.
Shit! Hindi ko siya naabutan. Sinubukan kong sumilip sa pintuan at nakita ko ang isang lalaking tumatakbo palayo. Nasisiguro kong siya ang housekeeper dahil hindi niya natanggal ang face mask na suot niya kanina. At nagmamadali siyang pumara ng taxi.
Wala akong nagawa kundi tingnan ang paglayo ng taxi sa hotel na iyon. Bigo akong Makita siya at matanong sa kanya ang patong patong na tanong na ikinintal niya sa aking isipan. Napaupo na lamang ako sa sahig ng kwartong iyon. Napagod ako sa pagtakbo at pagsunod sunod sa kanya ngunit ni mukha niya ay di ko man lamang nasilayan.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ako sa kwarto namin ni Bella. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang imahe ni Bella habang nakayakap kay Gabriel. Dali-dali kong isinara ang pintuan ng kwarto. Ayoko naman makaistorbo sa ginagawa nila kaya minabuti ko na lamang na mag stay sa labas. Umupo ako sa gilid ng pintuan ng kwarto namin. Bahala na sila sa ginagawa nila sa loob.
Agad kong narinig ang muling pagbukas ng pinto. Hindi na ako nag abala pang tingalain ang kung sino mang nagbukas nito. Kunwari ay wala akong narinig nang maya maya ay may nagsalita.
"Anong ginagawa mo diyan sa labas? Halika pasok ka, kwentuhan muna tayo dali," wika ni Gabriel habang ginugulo ang buhok ko atsaka inabot ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo sa aking pagkakaupo.
Hindi ko pinansin ang kamay na inabot niya. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumasok ng kwarto. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ay nagsalita ako.
"Pasensya na, naistorbo ko ata kayo," wika ko ng hindi man lamang siya nililingon.
Nagtatakang naiwan si Gabriel sa may pintuan. Pagpasok ko ay nakita ko si Bella, mukhang ilang minuto pa lamang ang nakakalipas matapos niyang maligo. Basa pa ang kanyang buhok at sya at nakasuot lamang ng isang ubod ng nipis na pantaas at sobrang iksing short. Nagdire-diretso ako sa kama, humiga at nagkubli sa ilalim ng kumot.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
Roman d'amourStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...