Mukhang iisa ang nasa isip naming dalawa ng mokong na ito. Hindi kaya ang decoded message mula sa one thousand bill at ang pusang hawak ko ngayon ay iisang Snow lamang?
"Posible pero paano? Atsaka anong mapapala natin sa pusang iyan? Ni hindi natin makausap 'yan eh," wika ni Gabriel na kanina pa naglalakad ng pabalik balik sa sala habang tinititigan ang pusang nakaupo sa lamesa.
Pinagmasdan ko ang lalaki na nasa harapan ko. Ang mata niyang singkulay ng karagatan, ang matangos nitong ilong, ang makakapal nitong kilay, ang mapupula at masarap este manipis nitong labi, at ang napaka sexy nitong panga na tila perpektong inukit ng isang iskulptor ay napakasarap titigan. I can spend my whole life staring at his face.
Pinaglandas ko ang aking mga mata sa matipuno niyang pangangatawanan. Nakasuot siya ngayon ng silag na sandong puti, dahilan upang mas masilayan ang kanyang hubog.
Lord, anong kabutihan ang nagawa ko para magpadala ka ng ganito kagwapo at kamatsong nilalang sa aking harapan.
Hindi ko namalayang nakatulala na lamang ako sa kanyang harapan at tumutulo na pala ang laway. Nagulat na lamang ako na sa pagkurap ko, nakalapit na ang mukha niya sa mukha ko, ilang sentimetro lang ang pagitan nito. Naamoy ko pa ang kape na kanina'y ininom niya. Dahil sa pagkagulat, napasigaw na lamang ako.
"Hotdog mo, bakat!" Sumigaw ako nang ni hindi iniisip ang mga salitang lalabas sa aking pasmadong bibig.
Dahil sa kahihiyan ay napapikit na lamang ako. Huminga ng malalim at lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman ko ang hinlalaki niya habang pinupunasan ang laway ko na tumulo habang pinagpapantasyahan ko ang katawan niya.
"You don't have to drool over my body, mi amor. You can ask for it, my body is yours anyway. I am yours, mi amor," wika niya sa akin sabay subo sa bibig ang daliring ipinampahid niya sa laway ko.
"Nauuhaw ako pero tinatamad ako pumunta sa kusina kaya sapat na 'to. Hindi na ako nauuhaw."
Kelan pa siya naging ganyan ka-kaswal sa sakin? Sunod sunod na ang mga banat niyang ganyan. Nasusubukan ang karupukan ko. Huwag kang magpapatinag Kayleng, behave!
"Now, can I ask you? Can I touch your pussy?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa aking narinig. Isusuko ko na ba ang Bataan? Ipapahawak ko na ba ang pinakaiingat-ingatang perlas ng Silangan? Diyos ko, gabayan mo po ako. Ilayo mo po ako sa tukso. Malapit na pong bumigay ang marupok kong kaluluwa.
"What are you thinking, mi amor? I'm just asking kung pede ko ba hawakan itong si Snow and there you are as if ibang pussy ang hahawakan ko. Masama yan," sagot niya sa akin na tila nang-aasar habang lumalapit sa lintik na 'pussy' sa lamesa.
Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at iyon agad ang naging reaksyon ko? Ayan Kayleng, itigil mo yan, masama iyan. Ikinalma ko muna ang aking sarili bago tumabi kay Gabriel na ngayon ay nakaupo sa sahig, nakapangalumbaba at tinititigan ang pusa sa kanyang harapan.
Ginaya ko ang posisyon niya. Tinitigan ko din ang pusa, wala namang kakaiba kay Snow. Tama ba ang naisip namin? Paano pala kung walang kaugnayan ang pusang ito sa isang libong piso? Paano kung deadend na pala yung nangyari sa bangko at nagsasayang na lamang kami ng panahon habang tinititigan ang pusang ito?
Ilang minuto ang lumipas at nabasag ang katahimikang kanina pa bumabalot sa loob ng sala nang magsalita muli si Gabriel.
"Huwag ka mag-alala. Hindi ko gagawin iyon sa 'yo. Hindi hanggang 'di pa tayo kinakasal," saad niya na siyang nagdulot ng ngiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Le Trésor (The Treasure)
RomanceStatus: Completed Language: Taglish Genre: Romance, Adventure Kayleigh didn't expect to receive an old bottle from her old neighbor a day before her wedding. Sinabihan siya nito na itago ang bote at wag na wag bubuksan hanggang dumating ang takdang...