Nagising ako sa ilang katok mula sa pinto ng aking kwarto. Malamang ay wala ng buhay ngayon si Harold. Goodbye baby Harold.
Agad akong nagsuot ng robang itim at binuksan ang pinto.
Humawak sa aking kamay si Amber at umiiyak.
"Wala na pong buhay si Boss, ma'am. Binangungot po syang muli kagabi ngunit tulugan po tayong lahat. Hindi po namin sya nabantayan ma'am. Pasensya na po talaga." Hawak ang kamay ko. Itinayo ko sya ng maayos at hinarap. "Ayos lamang iyan, Amber. Hindi natin sya dapat iyakan dahil napakalupit nya."
Mas humagulgol sya sa sinabi ko? Wag mo sabihing nagkagusto ka sa impaktong yon?"Mawawalan na po kami ng trabaho. Yon po ang huling nasabi samin ni Boss e. "Nagulat ako at hinarap sya ng akmang tatalikod sakin. "Walang mawawalan ng trabaho. Pangako yan. Diba ako na ang bago nyong Boss mula ngayon? Now go. Get ready. Paglalamayan natin sya."
Ngumiti naman sya sakin saka ako niyakap. Nagulat ako at gusto ko syang itulak palayo. Pero bakit ang gaan ng loob ko rito?
Tinapik ko sya."ako na ang bahala sa mga gagawin. Ihanda nyo na ang kailangan, at ipakalat sa buong kalakalan natin ang nangyari sa kanya. "
Nag angat sya ng tingin sakin saka yumuko."patawad po Ma'am, ay este Boss. Alam kong wala akong karapatang yumakap sa inyo. Huwag nyo naman po sana akong tatanggalin. Wala na po akong pupuntahan at uuwian. " Humibi pa ito. Pinipigilang umiyak uli.
"Ayos lamang iyon,Amber. Huwag mo na talagang uulitin." Napatingin ako sa kanilang lahat at nakangiting tumingin sakin. "Mainit ang yakap nyo. At dama kong nalungkot din kayo. Maya maya ay ngumisi ito at tumingin sa mga kasamahan nya. Mabuhay ang bagong Boss. Mabuhay!"
At nagsipalakpakan silang lahat. "Osya! Tama na. Magready na kayo.".
Hindi ako nalungkot dahil namatay si Harold. Nalungkot ako sa nararamdaman mo Amber. Hindi ko alam kung bakit.
Agad akong nagsabing tuloy ang lamay na magaganap sa aming tahanan. Walang alinlangang sumagot sa kabilang linya ang kausap ko.
Pagkarating na pagkarating nila ay nabalot ng katahimikan ang tahanan. Busy lahat sa pag aasikaso sa bangkay ni Harold.
Ina, Ama at kapatid ko. Narito na ako sa dulo. Kung saan naabot ko na ang hustisya sa para sa inyo.
Hindi ko na kailangan pang pumatay dahil napatay ko na ang dapat mamatay.
Ina. Hindi na kayo masasaktan pang muli at hindi na makakasakit pa si Harold. This is it Ama. Pinapangako kong aayusin ko ang buhay ko pagkatapos nito.
Agad din akong nag asikaso ng mga yaman ni Harold to transfer it to my accounts. Kailangan ko ang pera para makapag simulang muli.
Pagkatapos ng transaksyon ko sa mga banko ay agad akong nagbook ng flight to London. Balak kong doon ako magsisimula ng bago kong buhay.
Kinatok ako ni Amber at sinabing ayos na ang lahat at may ilang dumarating narin sa burol. Agad akong nagbihis saka kinusot kusot ang mata upang lumabas na kunwaring kaiiyak ko lamang.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...