"hey! Okay ka lang Baby? Namumutla ka"
"Eh kasi, may tumawag sakin. Sabi , everywhere you are, I will find you. You can't escape, Makayla Jane Villamin."
Ginaya ko pa kung gaano magsalita yung nasa kabilang linya kanina.
"Hahahahahaha! It's a prank Baby! It's me! HAHAHAHA" Hindi ako agad nakapag response. Nag loading pa yon sa aking utak. "Calm down, baby. I am using this new app. It can change my voice. So I used to buy a new sim para maiprank kita. Look at you! You look pale." Sabi pa nya sa nag aalala ng tono.
Umiyak ulit ako dahil naisahan nya ako at totoong natakot ako.
"Shhhh, I'm sorry. I'm really sorry. I didn't mean to scare you. Tahan kana baby. Im sorry. Shit!" Nagmura pa sya ng nagmura dahil hindi ako tumatahan.
Pero kumalma ako ng yakapin nya ako at hawakan ko ang kanyang kamay.
Hindi ko alam pero kumakalma ako everytime na mahahawakan ko yon at mararamdaman ang yakap nya.
Sa isip ko ay ligtas ako sa piling nya. Pakiramdam ko ay walang makakapanakit sakin dahil nandyan sya at yakap ako.
Hindi namin inaasahan na makikila ang companyang pinatayo ni Norman sa states. Ang magazines na iyon ay puno ng mga models, famous companies and bulidings na nagpalago lalo ng aming company. Kilala narin si West bilang pinakamagaling na manlalaro sa larangan ng track and field. Ngayon ay coach din sya ng basketball sa isang sikat na university na ang pangalan ay Harvard University.
Si Amber naman ay full-time sa kanyang taekwondo training center , pinatayo nya ito at nagsimulang magturo ng mga self defense and taekwondo syempre.
Ako naman ay isang model sa magazines na ilalabas ngayon ng aming company. May magagaling kaming designer na halos ako ang unang nagsusuot.
Si Mel naman ay nalaman naming naging legal ang kanyang ginagawa.
Iniharap nya samin na maaari pang magbago ang aming kinagisnang buhay sa loob nito.
Nabago nya ang Silver S at naging tanyag itong distillery sa buong bansa. Ngayon ay puro taniman narin ang dating nakakatakot na hardin, at ang mansyon ay bagong kulay narin.
Sa lahat lahat ng nangyari, nalaman kong mas matimbang parin talaga ang pag ibig kaysa paghihiganti.
At minsan, huwag tayong papadalos dalos ng desisyon, ng iniisip at iniaakto para mas maging ligtas tayo at hindi makasakit ng kapwa.
Pero kapag demonyo, dapat mong patayin.
Huwag ka ding magsasawang bigyan ng chance ang taong mahal mo. Alamin ang lahat ng totoo, magsabi kung kailangan, at maging mabuting kapareha/kapareho.
Tandaan na hindi lahat ng tao ay ginusto ang mga ginagawa, may mga tao lang talagang mas kailangang gawin yon para sa kapakanan ng kanyang minamahal."
"Ate Kai, paano kung ginawan ka nya ng masama at halos sobrang sakit non ang naidulot sayo?" Tanong sakin ni Denden.
"Patawarin mo. Hindi naman tayo perpekto para hindi magpatawad. Ang Diyos ay perpekto pero pinapatawad nya tayo., Diba?" Tumango tango naman ang mga bata
Nandito ako ngayon sa Baguio at tumutulong aa isang Orphanage. Nagbabahagi ako sa kanila ng aral, nakikipaglaro at kung ano ano pa. Nagbibigay rin kami ng mga kagamitan,kasuotan at donation para sa simbahan.
Masaya akong tumulong sa iba.
At oo nga pala, kasal na kami Norman. Sa susunod na buwan ay sina West at Amber naman.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...