CHAPTER 1: Makayla Jane Villamin

49 26 16
                                    

Makayla's POV

"Muling nagbabalik ang aking paboritong tauhan. Kamusta kana Kayla?"

Nahimigan ko ang boses ng aking boss. Kahit anong gawin kong takas at lumayo ay nahahanap nya ako.

Pilit kong inayos ang aking sarili. Pinagpagan ang aking paldang maong at sabay suntok sa taong nakakapit sa aking kamay. Knockout!

"Whoaa! Easy my dearest Kayla. "

"Stop calling my name Harold."

"You are so aggressive. I like that." Lumapit sya sakin sabay hiltak sa buhok kong nakapusod. Alam mo ba kung gaano kamahal ng nanay ko ang buhok na to para sabunutan mo lang? " Pero hindi ko hahayaang tawagin moko sa pangalan ko, MAKAYLA!" At dinuraan nya ang palda ko sabay tulak sakin palayo.

"Hindi rin ako papayag na hawakan mo pang muli ang buhok ko. At ! Hindi rin ako pumapayag na tawagin moko sa buo kong PANGALAN!" Dinuraan ko rin sya bilang ganti.

"Hindi ako nagkamali na ipahanap kang muli. Panigurado akong maiisip mong sumunod nalang kaysa mamatay, diba?"
Bumungisngis sya na halos kita ang buong ngipin nyang napaka itim dahil sa sigarilyo. Nakalimutan na yata nitong magsipilyo sa sobrang abalang hanapin ako.

Hindi ako pwedeng mamatay. Kailangan ko pa ang hustisya.

Peke akong ngumiti sa kanya at parang robot na biglang nagswitch mode mula sa galit na naging malambing.

Inayos ko ang lakad ko papunta sa kanya at hinawakan sya sa kwelyo.

"Sa loob ng dalawang taon ay nahanap mo parin ako, Baby Harold. " Gusto kong masuka. Pwe!

"I need you Kayla. May malaki tayong kliyente. Marami ka ng utang sakin. "

"Handa akong bayaran yon Boss. Nandito na ako muli sayo. Gagawin ko lahat ng pinag uutos mo ng wa.lang.pag.aalin.la.ngan" bulong ko sa kanyang tenga. Malambing yon at alam kong gustong gusto nya yon dahil nahigit nya ang kanyang hininga. HAHAHAHA. MALANDING WALANG UTAK!

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kailangan kong patayin mo ang anak ng isang hari sa espanya. Ibibigay ko sayo ang address at sagot ko naman lahat ng kailangan mo. Dalhin mo sa akin ang ulo ng anak nyang pinakamamahal."
Madadamay muna ang ibang tao, bago kita mapatay Harold! Kulang talaga ang salitang Hayop sayo.

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon