"Oh? Masaya ka na ba Norman, na naagaw mo na sakin lahat. Pati yung ate ko oh? Alam mo? Hayop kang putangina mong pisti ka! Putcha! Bakit pati ate ko ah? Demonyo kang hayop na alagad ka talaga ni Satanas na tangina mo!" Nagulat ako sa inasta ni West. Pero naiintindihan ko sya. "At ikaw atekoy? Ganun ganun mo nalang itatapon lahat ng pinaghirapan natin? Bakit ganito ka na lang umasta saken ah? Mahal mo yan? Mahal mo? Puta naman ate! Why are you so STUPID! Nabulag ka ng pag ibig mo!" Nasampal ko sya sa sinabi nyang pagmumura saken.
"Wag mo akong mamura-mura West Raven ah! Hindi ko gusto yang tabas ng dila mo." Naluluha ako dahil tama sya. Mahal ko si Norman. "Oo, mahal ko sya. At hindi mo sya dapat patayin kahit pa syaang anak ni Terro." Hindi ko na kayang sumigaw pa. Tinakasan na ako ng lakas kaya napahiga ako sa sahig.
"HAHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa kang panoorin, Makayla Jane. Ako? Mahal mo? Talaga? Ano bang nagustuhan mo sa tulad ko? Dahil may pera ako kaya minahal mo ako? Dahil alam mong ililigtas kita dahil boss ako ng sindikatong ito? Magising ka!" Iyon ang nagpatibag ng mundo ko. Halos hindi ko makita sa kanya na nagsisinungaling sya. "Dahil ang totoo? Hindi kita mahal. Ni minsan, hindi kita minahal!" At nagunaw na ng diretso ang mundo ko.
Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Namanhid ako sa kinatatayyan ko.
"Putang ina mo talagang hinayupak kang bobo, animal ka! Papatayin talaga kitaaaaaaa! Hayop ka! Wala kang karapatang gamitin ang ate ko! Magbabayad ka! Sinasabi ko sayo!" Sumugod si West kay Norman pero simple lang nyang iniwasan ang tinidor na ibinanggit nito at ang kutsilyong itinutok sa kanya.
Nakita kong maglaban ang kapatid ko at si Norman.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Galit, pighati, lungkot, saya.
Galit dahil sa mga nalaman ko.
Lungkot dahil sa sinabi nyang hindi nya ako minahal
At saya dahil sa kabila ng pagbabanta ko kay West ay ganon na lang ang pagtatanggol nya sakin.
Pinilit kong tumayo.
At hinawakan ang baril.
"Tumigil kayoooooooo! Putang ina! Tama na! Nakakasawa na ang ganitonf eksena! Mabuti pa, mamatay na tayong lahat." Tumingin sila matapos kong pagpaputok ng sunod sunod sa kisame. Isa isang binigyan ko sila ng baril. "Ikaw Norman ang babaril kay West. Si West ang babaril sakin at ako ang babaril sayo Norman. Naiintindihan nyo ba?"
"Ready? In a count of 3.. 1.......... 2......."
"Stop that bullshit Atekoy! Bakit ako ang babaril sayo?"
"Eh diba ako ang babaril kay Norman?"
"Mahal mo sya diba?bakit kailangang ikaw? Ako nalang ate. Tanggap kong hindi ako ang mas pinipili mo at ang demonyong to ang mas mahal mo."
"Hindi. Mas mahal parin kita West. Kahit minahal ko si Norman ay hanggang don nalang yon. Dahil wala na akong ibang gustong gawin kundi ang gumanti sa lahat ng gumawa nito kay Ina at Ama. " Tumingin pa ako kay Norman.
Nakita kong nagulat sya pero agad nyang itinutok ang baril kay West. Mas lumapit ako sa kanya para sa may sentido sya tamaan ng walang sala.
Gumuhit ang lungkot sa kanyang mata pero hindi na ako nagpalinlang pa.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...