CHAPTER 15: Relieved

9 8 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas ng malason si Norman.

Halos hindi ako makakain hanggang ngayon dahil hindi ko alam kung kailan sya muling gigising.

Namimiss ko na ang mga ngiti nya, ang yakap nya at ang kanyang pagtawa.

Umabot ako sa puntong halos bawiin ko rin ang buhay na pinahiram sakin.

"Hindi ko na kaya! Ayoko na ring mabuhay sa mundo kung wala rin ang taong mahal ko! Patawad mahal ko!"

"Ate! Ano ba? Kailangan mong magpakatatag dahil magigising si kuya. Kasalanan ko ito ate. Im sorry. Ako! Ako ang dapat mamatay."

"Hindi West. Kasalanan ko ito. Kung hindi ko lamang inisip na sumapi sa grupo ng sindikatong ito, edi sana. Sana buhay pa sina Ina. Sana maayos kang nag tatrabaho. Sana hindi tayo humatong sa ganito! Ako ang may kasalanan ng lahat lahat. "

"Atekoy! Ang kasalanan mo ay mapapatawad pa. Pero ang ganitong pagkitil mo sa buhay ay walang kapatawaran. Mahalaga ka sakin Ate. Huwag mo naman sanang sarili mo lang ang iniisip mo. Paano na ako ate?"

Natauhan ako aa sinabi ni West. Paano na nga ba sya? Kasalanan ko nga ang mga yon pero ang kasalanang walang kapatawaran ay ang pagkitil sa sariling buhay. Pero, paano ako mabubuhay kung puno ako ng pagdurusa, pagsisisi at lungkot?

"Atekoy! Patawarin mo muna ang sarili mo. Dahil dapat sayo nagmumula iyon. Walang hindi pinatawad ang Diyos sa mga kasalanan ng buong tao. Lahat naman tayo qy nagkakamali. Tama na ang pinagdaan mong iyan ay kapalit na at kapatawaran na ng iyong ginawa. Marahil, napatawad kana rin nina Ina. Dahil hindi naman galing sa kung anong masama ang ibinibigay mo samin, pinagtrabahuhan mo iyon ate. At alam kong nagawa mo lang iyon ng masugod si Ama sa hospital. Napilitan ka lang, at alam ko yon Atekoy."

Ngayon ay parang tinutusok ang puso ko ng mga maliliit na karayom. Hindi ko maipaliwanag pero napakalawak ng nalaman ni West sa akin.

Marami syang nalaman na hindi ko kayang sabihin kahit kailan.

Isang ala-ala muli ang nag paiyak sakin.

"Ate?! Si Ama, isinugod namin aa hospital!"

"Ano? Bakit? Bakit West?"

"Eh bigla na lamang syang nahirapang huminga ate."

"Sige, papunta na ako dyan!"

Iyon at pinuntahan ko si Harold. Pumayag ako sa kanyang alok. Dahil mas kailangan ng pamilya ko ng pera at tulong, nilunok ko na ang pride ko.

Naging mamamatay tao ako, kahit inosente ay dinadamay ko mapagtakpan lamang ang aking katauhan.

Ganon ang mga sinapit ko, pero kapalit non ay ang kaligtasan ng pamilya ko. Sa loob ng dalawang taon ay kinonsensya na ako.

"Maawa ka samin. Magbabayad naman po kami, sadya lamang pong gipit. Hindi ko kayang magtrabaho ng asawa ko dahil may sakit sya sa baga.. Kokonti lamang din ang kinikita ko sa paglalabada. May dalawa pa akong anak na ginagapang. Maawa kayo, kahit konting panahon lang."

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon