CHAPTER 6: Accident

21 20 0
                                    

Nagsimula ako sa paghahalughog ng kwartong tinutuluyan ni Frolan. Yes, kailangang masanay akong tawagin syang Frolan para maiwasan ang pagtataka ng iba.

Kahit papaano ay malaya pa akong nakakakilos sa pamamahay ng Seigfreid dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakakabawi ang kanilang pinuno sa aking pagkakabugbog. Masyado yatang matulis at matigas ang aking takong dahil 3 araw na pero hindi pa umaayos ang kalagayan at ang likod ng kanilang DEMONYONG AMO. Mukhang nastraight talaga ang likod nito.

"you have nothing to be worry about. I'm safe here. " I can't believe this. Yung taong pinagtatanggol ko pa sa mga kalaro nya noon ay malaki na ngayon at kaya na akong protektahan. "Ikaw ang dapat mag ingat. Dahil hindi mo pa nakikitang magalit ang Seigfreid."

"Kay Norman ba o iyong Hampaslupa nyang ama? HAHAHA. "nakita ko syang napangisi. Alam kong kabastusan yon pero wala akong pakialam.

"Parehas." Nakakatakot nyang sinambit yon na para bang nakita na nyang magalit ang mga ito.

Gusto kong sabihing ampon lang naman si Norman kaya hindi nito makukuha ang pagiging mainitin ng ulo ng kanyang Ama-amahan pero hindi pwede. Sikretong malupet yon. Bawal ipagsabi. Kaya ikaw , sssshhhh ka lang.

"Oh, sa bagay. Mag ama nga sila. Pano ba sila magalit? Ganito ba?" Saka ako umawra na parang mangangain ng tao. Tumawa lamang si Frolan at saka ito tumingin sakin. Masaya ang nakikita ko sa mata ngayon ni Frolan. Nakakamiss.
"Oh? Bakit ka umiiyak dyan?" Nakita ko na may namumuong luha. Sa mata nya.

"Wala ito. Namiss lang talaga kasi kita Atekoy. "Nanlambot ang puso ko sa pagtawag nyang muli ng atekoy. "Hindi ako papayag na hindi makapagsimulang muli ng maayos at walang pinoproblema o pinagtataguan. Pangako yan Atekoy. " Parang tinusok ang puso ko sa sinabi ni Frolan. Oo, iyan din ang gusto ko Bunso. Magsisimula ulit tayo ng walang pinagtataguan.

Agad yumakap sakin si Frolan. Ramdam kong nagpunas sya ng luha at suminghot-singhot. Tss. Iyakin parin hanggang ngayon.

"Ano ba yan? Nagmumukha ka na namang baby e. HAHAHAHA." Pagtapik ko sa kanyang balikat.

"Atekoy? Pangako mo sakin na magsisimula kang muli ng walang problema at pinagtataguan ah? At magpapakasal ka tulad ng pangarap nila Ina sayo."hindi ko alam pero parang may ibang pahiwatig si Frolan sa ganong sinabi nya. Hindi nya binanggit ang salitang 'tayo' .

Nagusap pa kami ng matagal at pinagplanuhan ang pagpapabagsak sa mga Seigfreid. Kailangan naming magawa ito ng maayos at walang palya kundi katapusan na ng mga buhay at pangarap namin.

Lumabas ako ng kwarto nya bago pa ako mahuli ng mga kasamahan nya sa kwarto.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto sa may balkonahe pagkaakyat ko.

Lumanghap ako ng sariwang hangin. Hindi rin naman ganon kapangit ang pwesto ng kanilang kuta. Dahil, puno ito ng mga punong maglilinis sa hangin.

"Pssst!" Agad kong hinanap ang pinagmulan non. "Hoy babae. Sa baba." Pabulong lamang iyon pero narinig ko. Sinunod ko at nakita ko si Norman na nakalambitin sa lubid. Bakit kailangang nakalubid pa sya?

"Pakihila ng lubid oh." Ha? Ano? Bakit?
"Bilis na Jane para naman mayakap na kita." Tiningnan kong sa may bakal pala ng hinahawakan ko nakasabit ang kawit na dugtong sa lubid nya.

Tinanaw ko kung masasaktan ba sya kapag bigla kong tinanggal ang kawit nito pero hindi naman gaanong kataasan. May apat na tao lamang ang taas nya mula sa lupa.

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon