Gusto kong magpakilala. Ako ngayon ang may hawak ng entablado. Amber's Point of View!
Enjoyyyy!
.............A............
"hindi ko akalaing magpapakita kapa. Matapos kitang iligtas at patakasin, talagang ipinahamak mo pa ang buhay mo" iyan ang sinabi ko sa kanya ng dalhin ko sya sa basement. Walang hiyang Terro to, at talagang nagpakita pa ren.
"Iniba ko ang plano Amanda. Hindi dapat ganito. Baka pagdudahan ka nila." Iyon ang sagot nya.
Iniba ang plano na hindi ko alam. Tss."Iniba mo ng hindi ako tinatanong." Malamig pa sa bucket of ice ang tingin ko sa kanya. "Hindi nila ako pagdududahan pero dumating kapa!" Sigaw ko sa kanya. Nagpalinga linga ako sa paligid. Baka may makarinig sakin.
Mariin ko syang hinawakan sa kwelyo.
"Hindi ka maaaring magsalita kung hindi ay papatayin ko ang anak mo!" Iyon na naman ang natatakot nyang mga mata. "Magpatuloy ka gaya ng plano. Huwag mong ibahin. Maayos na ako rito. Matutupad ko lahat ng dapat gawin." Nugmisi ako gaya ng ginagawa ko."Tama na Amanda. Masyado kang hibang!"nasa tono ng pananalita nya ay nagagalitna siya. Pero pasensyahan.
"Naging ganyan ako ng kunin mo sakin si Kuya, Terro. Akala ko pa naman ay malakas ka at walang kinakatakutan. Pero nagkamali ako." Mahinahon ako dahil baka may nakikinig samin. "May pag asa pa kayang magkita kayo ng anak mo?" Hindi ko kilala ang anak nya pero may kutob akong si Frolan iyon. Kaya lumapit ako kay Frolan para kapag nakumpirma ko ay madali na saking tuluyan sya.
Hindi ko parin matanggap na pinatay niya si Ina at Ama. Masyado syang makasarili!
Sumiklab ang galit ni Terro kay Ina ng makitang kaibigan nya pa ang naging kapisan nito ng iwan sya ni Ina.
Por que may mga kapangyarihan ay agad nasusunod ang gusto. Hindi naman sila tunay na mahal ng aming ina. Dahil pinilit lamang ni Terro na pakasalan sya ni ina.
Kung tutuusin ay dapat si Ama lamang ang nawala. Pero ng malaman nyang may nabuo sa pagitan ni ina at ama ay wala syang awang kinuha si ama samin at ang buong katotohanan.
Lahat ng iyon ay ako! AKO ANG NAKASAKSI.
ALAALA....
"AZIRA! BUKSAN MO ANG PINTOOO!" Hindi natinag si Ina sa pagkakatabi samin ni kuya.
Si kuya ay sinulyapan ko at mahimbing na natutulog.
Si ina ay pumunta na sa pinto saka ito isinara.
"Mahal kong Azira. Bakit mo ako iniwan? Paano na ako? Hindi mo ba ako mahal? Bumalik kana sakin Azira. Hindi na ako magagalit o sasaktan ka. Halos mamatay ako ng mawala ka mahal ko." Umiiyak noon si Terro at nakaluhod kay ina.
Nakita ko pang may mga lalaking nakaitim ang nakapaligid sa kanila.
"Matagal na tayong tapos. Umaasa ako na sa anim taon na yon ay makakahanap ka ng iba. Hindi ako ang pinapangarap ng mga magulang mo para sa iyo. Isa lamang akong dukha pero bakit ako pinili mo?." Nakasilip ako sa butas ng pinto naming baro-baro. Nakita kong lumabas si Ama.
"Sino ba iyang kausa--" natigilan si Ama sa pagsasalita ng makita ang lalaking nakaluhod sa harapan ni Ina. "Anong ginagawa mo rito, Terro?" Biglang napatayo si Terro. Nakita ko ang pagguhit ng galit sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...