CHAPTER 13: Bleed

13 7 0
                                    

Nagising ako sa isang abandonadong kwarto.

Pinilit kong itayo ang sarili ko pero nakatali ang aking paa. Kaya umupo na lamang ako.

Naramdaman ko pang sumakit ang tagiliran ko. Bakit ako may ganito?

Inalala ko ang nangyari.

"You don't deserve me."

"I'll hit you hard Kayla, until you die. You don't deserve to be loved. You don't deserve to be alive."

Hindi ko deserve mahalin?

Hindi ko deserve mabuhay?

I'll hit you hard? ? Until I die? Ano to? Sasaktan mo ako hanggang sa mamatay ako? What!?

Hindi ko maintindihan!
.

"Hindi ko kayang mawala ka. Pero ito ang nararapat."

"I love you, Kayla."

Iyon lang ang mga naalala ko.

Paano nya ito nagawa sakin? Bakit kailangang humantong kami sa ganito?
Ano ba ang puno't dulo.

Pahihirapan nya ako? Hanggang sa ikamatay ko? Katulad ng ginawa nila kay ama at ina? Wala naman akong kasalanan sa kanya ah.

Bakit ganito ang nangyayari?

Natigilan ako sa pag iyak ng pumasok ang lalaking mahal ko.

Nakapamulsa itong tumingin sa akin. Pigil ang paghikbi ang ginawa ko. Agad akong tumalikod sa kanya ngunit nakaramdam ako ng kirot sa tiyan ko.

Agad syang tumakbo sa akin at tiningnan ang nangyari sakin. Nakita kong halos maiyak sya sa pagtingin sa kalagayan ko.

Ano ba talagang pinaplano mo? Bakit kailangang ganito?

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Doon na nagsimulang pumatak ang luha ko. Sunod-sunod yon at halos manlabo ang paningin ko.

Ipinikit ko ang mata ko, ng maramdaman kong inihiga nya ako ay nagmulat ako. Nakita ko na syang palabas ng pinto.

Hindi ko magawang magsalita. Naguguluhan parin ako.

Nakatulog ako sa pag iyak at halos hindi kumakain.

Nagising ako ng maramdamang may nagkakalikot ng tiyan ko.

"Bitawan mo yang panggamot na yan, hayaan nyo na akong ma-tetano!" Naibaba naman ng nurse ang kanyang hawak. At yumuko sakin.

Sinubukan naman nyang iabot sakin ang isang tray ng pagkain.

"Hmmm. Mukhang masarap to ah? Alam nyo talaga ang favorite ko!" Nang kunin ko ang nasa plato na puno ng spicy seafood ay ibinuhos ko ito sa mukha ng nurse. "I think, it's taste better on yours"
Mapakla akong ngumiti at inihagis naman sa kanya ang isang tasang kape na mainit init pa.

Napapalahaw ito ng malakas. At agad nagsipasukan ang body guards.

Pero bago pa nangyari yon ay ibinuhos ko ang konting kape sa may hita ko.

"Tinapunan nya a--"

"Guards! Tinapunan nya ako ng kape! Look at me! Im so wet!" Pangunguna ko sa kanya. Halos balingan sya ng masama ng mga guards. "Take her away from me! She might kill me, Oh God! Beheaded her!" Agad namang kumilos ang mga body guards at hinawakan ang nurse.

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon