Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Marahil ay ito ang kabilang buhay na kanilang tinatawag.
Ako man ay humahanga sapagkat may mga taong naglalakad at dumadaan sa 'tulay ng bagong buhay' ,ito ay nabasa ko lamang sa isang aklat noong nag aaral pa ako.
Dito raw tumatawid ang mga taong pumapanaw. Kapag bigla kang nahulog sa iyong paglalakad, ikaw daw ay hindi tanggap sa langit at impyerno ang bagsak mo.
At sa bawat paghakbang mo ay may mga ala-alang unti-unting nabubura. Mula sa ala-alang isinilang ka sa mundo. Hanggang sa ala-ala bago ka namatay.
Hindi ko alam kung saan ba ako belong? Sa impyerno ba o sa langit?
As if namang sa langit akp e marami narin akong napatay at isa na ron si Harold.
Alam kong masama akong tao. Kaya ipagpapatuloy ko ang paglalakad ng nakapikit ng sa gayon ay hindi ko makita ang unti-unti kong pagkahulog sa tulay na ito.
Ng may tumawag sa aking pangalan. Nilinga ko ang paligid. At wala sa kanilang mga kasabay ko maglakad ang tumatawag sa pangalan ko.
Napagtanto kong boses iyon ni Norman.
"Gumising kana Jane. Wag mo kaming iwan. Paano na si West? Kailangan ka nya." Hndi ko alam kung bakit naririnig ko ang boses nya. Patay na ba talaga ako?
"Anak ko." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ina!
"Ina ko! Asan si Ama?" Umiling lamang ito sa akin saka tumingin sa taas. "Anong tinitingnan nyo Ina? Wala naman si Ama diyan." Naguguluhan ko pang sabi.
Maya maya ay nagsalita ang pamilyar na boses.
"Atekoy! Gumising kana. Paano na ako? Huwag ka munang sumama kay Ina at Ama. Kailangan pa kita Atekoy."
Ang boses ni West ang nagpabalik sakin sa tingin ko kay Ina. Pero wala na sya roon sa pwesto nya kanina.
"Anak. Hindi mo pa panahon. Bumalik kana ng hindi nalulungkot at umiiyak Si bunsoy. " Halos umiyak ako at napa upo sa sobrang sakit. Bakit naninikip ang dibdib ko? Hindi ako makahinga. Feeling ko ay pinipiga ang puso ko. Anong nangyayari?
Unti-unting nawawala ang sakit ng aking puso. Hindi narin ito kumikirot. At unti-unti akong nakaramdam ng antok.
Pagmulat ko ay agad kong tiningnan ang paligid. Nagulat pa ako ng makitanh si Amber ang nasa tabi ko.
Hindi parin ako makabangon. Sa likot ko ay nagising si Amber. Nginitian nya ako saka hinalikan sa noo.
Anong nakain nya? Para maging ganito sa akin?
"Gigisingin ko lamang si kuya. Saglit."
Umalis sya. Nagtataka parin ako ngayon kung bakit ganito na sya umasta salim matapos nya akong patayin?
Tiningnan ko ang aking dibdib at kinapa. May benda parin ito pero wala ng sakit. Hindi naman naka anesthesia ang katawan ko dahil nakakagalaw ako.
Tiningnan ko ang kalendaryo at halos isang buwan akong ganito. Malamang ay sadyang hihilom na ito.
"Salamat at gising kana Mahal ko. " Nagulat ako sa dalawang huling salitang binanggit nya. Mahal ko? What's that endearment? "Kamusta ang pakiramdam mo. " Titig lang ang naisagot ko sa tanong nya.
"I'll call West." Nang banggitin nya ang pangalan ng kapatid ko ay nakapagsalita ako.
"Nasan ang kapatid ko? Bakit wala sya rito?" Ngiti lang ang sinagot nya sakin.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...