Balik muna tayo sa mga nakaraan nilang lahat!
Alam nating hindi sila magiging ganyan kung hindi dahil sa mga nakaraang napagdaanan nila.
Nakaraan.....
West's POV
"Ateeekoyyyy!" Halos takbuhin ko ang bakuran namin dahil umuwi si Atekoy ngayon. Halos 3 buwan din syang hindi umuuwi dahil sa trabaho nya. Pero kita ko sa mata nyang hindi sya masaya.
"Ayos ka lang ba atekoy?" Tiningnan ko sya saka niyakap. Namiss ko talaga sya.Tumango lang sya gaya ng ginagawa nya palagi. Kinuha ko ang kanyang gamit.
"Inaaaa! Amaaaa! Narito na si Ate! Kaykay!" Sigaw ko ng makapasok ako ng bahay.
Niyakap nila Ina at Ama si ate katulad ng palaging ginagawa.
Sana talaga hindi na si Ate umalis. Magtatrabaho nalang din ako.
"Atekoy! Wag kana umalis. Titigil nalang ako sa pag aaral." Sabay tingin nilang sakin lahat. Hindi rin kami dukha at hindi rin sobrang yaman. Kaya kong mag aral sa mamahaling unibersidad dahil napakaganda ng trabaho ni ate. Gusto ko din magtrabaho sa pinagtatrabahuhan nya.
"Hindi ka titigil. Tatapusin mo yang kinuha mo at mag aabroad ka. Hindi pwede ang mahina sa trabaho ko." Matikas nyang sabi saka umupo.
"Hindi naman ako mahina ate. Kaya ko namang gawin na lahat kagaya ng ginagawa mo. Tingnan mo yung muscle ko oh?" Pinakita ko sa kanya. Tumawa lamang sila nina Ina.
"Magtapos ka at mas maganda ang trabaho mo kaysa sa aking trabaho. Iyong hindi ka mapapahamak at walang pinagtataguan. " Iyon ang sinabi nya. Naintindihan ko yon. Alam kong marangal ang trabaho ni ate. Marangal nga ba talaga dahil hindi sa binitawan nyang salita.
"As if naman ate na nakakatakot yung trabaho mo na parang anytime, may pupunta dito para patayin tayong lahat." Nanlako ang mata nya sa sinabi ko sala ako binato ng lagayan ng kape. May sinabi ba akong masama.
"Napagod ako, Ina at Ama. Magpapahinga na muna ako ah." Tumango sina ina at hinayaan si Ate.
Ilang araw nanatili si Ate rito sa bahay.
At ngayong araw sya aalis.
"Ate, aalis kana ba talaga? Kailan ka ulit babalik?" Nagiging iyakin ako kapag talaga umaalis na sya. Ayoko ng nagtatrabaho si ate e. Alam kong mahirap din ang trabaho nya.
"Anak, wag mong pababayaan ang sarili mo ah. Kakain ka palagi sa tamang oras. Maliligo para kapag may nakapansin ng ganda mo e Hindi nakakahiya. Tapos yung pagkain dyan sa bag m, kainin mo ah?" Iyon ang mga katagang binanggit ni ina. Alam kong mamimiss nya rin si ate.
"Saka anak, kapag nakatapos tong si Ven-ven eh tumigil kana sa trabaho mo. Kasi kailangan, humanap ka ng lalaking magiging tatay ng pamilya mo. Tuparin mo ang gusto mong paglilibot sa buong mundo. Tumatanda ka anak, hindi naibabalik ang edad. Kailangang sulitin lahat ng segundo, minuto ,oras at taon mo dito sa mundo. " Iyon naman ang pangaral ni Ama sa kanya.
"Ate, ilang buwan nalang naman at makakatapos na ako. Kapag graduation ko, uuwi ka ah? Kailangan ikaw yung magsasabit saken. Tatlo award ko, salutatorian pa ako. Kaya tig iisa kayo nina nanay sa pagsabit sakin. " Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Kasi kapag naka graduate nako, si ate lalayo at magtatravel. Ako naman ang magtatrabaho.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...