May pa prologue tayo para naman astig yung kwento ko diba? At syempre, it's my first time. Kaya lagyan ko ng ganito diba.
Hope you'll enjoy reading my story!🍎💛
Kayla's POV
"Inaaaaaaaaaaaaa! Amaaaaaaaaaa! Weeeeeeeesssst! " Sigaw ko habang nakikita kong binubugbog sila sa harapan ko.
Hindi ko sila magawang lapitan dahil nakatali ako sa puno ng narra.
"Tama na! Pakiusap tama naaa!"
"Inaaaa koooo!" Sumigaw ako ng makita kong tinutukan sya ng baril sa sentido. Napapikit sa putok na umalingawngaw sa gubat na iyon. Unti-unti akong nagmulat at nakita kong nakahandusay na si Ina sa lupa.
Sunod na tinutukan ng lalaking naka itim na uniporme si Ama.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at sumigaw ng nakita kong bumulagta si Ama sa lupa habang nakatingin sa akin.
Nakita ko namang pinaluhod nila ang kapatid kong si West.
"Pakiusap. Tama naa! Gagawin ko ang lahat ng inuutos nyo lalo na ng boss nyo para lamang lubayan nyo ang kapatid ko. Sya nalang ang mayroo-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may pumutok na baril sabay ng pag paghampas sa ulo ko. Hindi ko maaninagan pero nakita kong hinihila na nila ang bangkay ng mga mahal ko sa buhay.
Ito na ang huli na makikita ko sila. Na walang buhay. Na hindi na ngumingiti pa. At hindi na maririnig ang tawa nila kahit kailan.
Winakasan nila ng napakadungis ang buhay ng mga mahal ko.
Pipilitin kong mabuhay Ina, Ama at kapatid.
Makukuha ko din ang hustisya, pangako yan.
At sisingilin natin ang may kagagawan ng pagkamatay nyo.
Buhay sa buhay.
Dugo sa dugo.
At tuluyang nawalan na ako ng malay.
Ngayon ay desidido syang mabuhay para maghiganti.
Paano nya kaya sisimulan ang kanyang binabalak?
Hindi kaya sya mabuko?
Sino sino ang mga taong mahmgiging kakampi nya sa ganitong sitwasyon?
Sa ngayon ay sarili nya lang.
2 years later
"Hi Philippines. I'm backkkkk!" Matapos akong pakawalan ng boss ko ay nagpakalayo layo ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero maghihiganti ako. Babalikan ko kayong lahat! Tandaan nyo ang pangalan ng babaeng winalan nyo ng pamilya.
Ako si Makayla Jane Villamin.
Yon lang. Chosss! Tandaan nyo yan ah!
.........AppleYellow........
Ang kwentong ito ay Point of View palagi ni Makayla Jane Villamin, magbabago lamang ang kwento kapag pinalitan ko ang Person's POV.
KUNG MAY KATANUNGAN AY HUWAG MAHIYANG MAGCOMMENT.
AT PLEASE, DON'T FORGET TO VOTE.
MARAMING SALAMAT PO! 🍎💛
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...