Sorry for the long and late update!
Well, patuloy nyo akong suportahan at ganun din ako sa inyo! Maraming salamat!❤️
Kayla's POV
Nanibago ako sa pakikitungo ni Amber sa kuya nya. Simula ng mahuli namin si Terro at ikinulong sa basement ay hindi na nya ito inimikan at palaging mainit ang ulo nya rito.
Nakakapagtaka lamang na tinatanggap ni Terro ang lahat lahat ng pananakit na ginagawa ko sa kanya.
Halos madurog na ang kaliwang buto nya sa binti.
Halos hindi narin sya makatingin sa akin ng masama dahil sa pikit na ang kanang mata nya. Kulay ube na yon. At sa tingin ko ay bulag na.
Kulang pa ito para sa ginawa nya sa magulang namin.
Si Amber naman ay panay rin ang sipa sa kanyang ulo, pagpilipit sa daliri sa kamay maging sa paa.
Tama lamang ito sa kanya pero sa nakikita ko ay hindi magawang saktan ni Norman si Terro.
Ampon lamang sya nito pero, sa tuwing humihingi ng tubig si Terro ay sya pa ang nag aabot.
Halos lamunin naman ng buo ni Amber si Norman sa sobrang sama ng kanyang tingin.
Hindi ko alam pero may hindi sila sinasabi sakin kahit tanungin ko sipa ay ngiti lamang ang isinasagot sa akin.
May problema ba silang magkapatid?
Ngayon ang nakatakdang pagpugot ng ulo kay Terro. Hiniling ito sa akin ni Norman, na tama na ang pagpapahirap ko sa kanyang ama-amahan.
"Nandyan ka pa ba sa loob, Amber?" Tanong ko sa kanya ng pumasok sya sa CR ko.
Pero nakita ko na lamang na may dugong umaagos sa pintuan ng cr ko.
Halos matapon ko ang laman ng drawer ko para hanapin ang susi.
At ng makita ko.
Ng makapasok ako ay si Amber ang lumantad sa akin.
May hiwa ang kanyang pulso.
Bakit mo naman ginawa ito?
Hindi ko iyon matanong sa taranta ko para tawagan si Norman.
Pero nirereject nya ang calls ko.
Si West ang tinawagan ko. At for the nth time, sinagot nya.
:Hello? Ate bakit?
;Si, s-si Amber kase.. ano.. naglaslas!
:What?! I'll be there!
Narinig ko pa ang pagmumura nya sa kabilang linya. Natataranta syang umalis at dinig kong tinanong pa sya ng coach nya kung pasaan pero hindi na nya ito sinagot. Napabuntong hininga ako ng patayin na nya ang tawag.
"Wag kang tutulog okay? I'll call nurse Mel."
"Do-nt do tha-t.. I am war-ning y-you!
"Why the hell?! Fuck!"
"He is n-not my k-kuya Kayla. He's a s-son of tha-t bit-ch! " Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay pinilit ang mata nya.
At nagmulat muli.
"Please.. Lov-e him endl-lessl-y. He de-serve tha-t." Saka sya muling pumikit.
BINABASA MO ANG
I'll Hit You until you DIE (Completed)
General FictionNaisip mo na rin bang maghiganti kagaya ko? Naisip mo na bang balikan ang mga tao na may ginawang kasalanan sayo? Sila din ba? Buhay ang kapalit ng isang buhay. Tandaan mo, kailangan mo ng hustisya. Hindi pagibig. Huwag kang maniniwala basta basta s...