CHAPTER 3: My First Attempt

38 24 10
                                    

Hindi ako natakot sa kayang gawin ng Norman na yon. Kahit pa ipahanap nya ang background ko at malaman nya yon ay hindi nya ako makukuha at hinding hindi ako sasali sa kanyang clan. I have my own.

"Ma'am Kayla, may nagpapabigay po nitong sulat." Kinuha ko iyon at laking gulat na dugo ang pinangsulat.

MJ, It's me. Norman. Please, let me know if you receive this. Take your clan away from that place now. You are in danger. So please, please Makayla Jane. I love you. Take care.
- NS

Hindi ko alam pero nataranta ako. Bakit kailangang dugo ang ipansulat nya? At bakit nasa panganib ako gayong wala naman akong kaaway. Wala nga ba?

Agad akong tumayo at iniutos sa lahat na iready ang private plane. Isang oras na lamang ay makakaalis na ako papuntang Amsterdam.

Ng naglalakad na kami ay biglang sabog ng aking private plane. Shit! Ano bang nangyayari?

Nakarinig ako ng palakpak."hindi ko akalaing makikinig ka sa anak ko Kayla. Talaga bang kayo na? Hindi ako papayag. " Kung ito lamang din ang dahilan ng kamatayan ko ay hindi ako papayag.

Saktong bunot ko ng baril at kasa ng makita kong nakatutok narin sakin ang kanyang baril. Sa ulo pa mismo.

"Mamamatay ako ng marangal. Hindi lang dito matatapos ang lahat ng pinaghirapan ko. At para sa kaalaman mo, hindi kami ng anak mo."
Agad kong tinutok ang baril sa kanyang ulo. Nakita kong may kinuha sya sa bulsa at naka sealed pa ito. Tinapon nya iyon sakin at nagulantang ako. Daliri!

Isanag daliri ng lalaki. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Norman ay dugo ang pinangsulat. At ang kanyang ama ! Wala talagang awa!

"Hindi mo ako masisindak sa paganyan ganyan Terro. Talagang wala kang sinasanto!" Nakangiti lamang sya sakin. Mala demonyong ngiti.

"Hindi ba? Oh, bakit aalis ka na? Natakot ka rin."

"Oo, dahil may misyon pa ako. "

"At anong misyon? Ang hanapin ang pumatay sa pamilya mo? C'mon Kayla. I can read you!" Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpatinag. Pinutok ko ng ilang beses sa paa nya ang bala ng baril ko. Sigurado akong may tinamaan don dahil napahiyaw sya.

Mukhang masarap makipag laro sayo Kayla. Gusto mo talaga ng laro?" Agad syang may hinagis sa akin. Isang USB.
Tinanguan ko si Andi at nilabas ang laptop para tingnan kung ano yon.

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon