CHAPTER 7: Drivin' Me Crazy

20 20 0
                                    

Nakita kong halos umagos ang dugo ko sa kaliwang dibdib. Hindi maaaring dito lamang ako matatapos.

Naghagalpakan silang lahat at nakatuon sakin ang paningin. Maging si Frolan ay tumatawa.

Mga traydor! Nakakainis at nalinlang na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Pero mukhang hindi na ako makakapaghiganti pa. Dahil hanggang dito nalang ako.

Narinig kong pang sinabi ng isa na sya naman ang babaril sakin. Napatingin ako kay Frolan na ngayon ay may hawak ng baril.

"Sorry." Iyon lamang at naramdaman kong may may pumasok sa aking dibdib.

Bala yon ng baril ni Frolan. Hanggang dito nalang talaga ako.

Bumalikwas ako ng bangon at kinapa ang aking leeg pati ang dibdib ko. Walang anumang bahid ng sugat o kung ano.

Panaginip lamang pala ang lahat.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana ng makita kong nagsasanay si Norman at ang kanyang mga bagong tauhan sa garden. Kaya pala may putok ng baril ay dahil sa naririnig kong pagpapatama ng mga tauhan sa kanilang shooting target.

Tumayo ako ng mapansin kong nakabukas ng konti ang aking pinto.

"Walang anuman. Mamaya lamang ay magigising na sya. Dala lamang ng pagod ang mga naging akto nya." Nako. Ano bang sinasabi ng doctor na to?

"Anong meron, Frolan?" Nag alala syang tumingin sakin."sino ba ang pinag uusapan nyo?" Dagdag ko pa pero bigla nya nalang akng niyakap.

'Hindi ka pa pwedeng mamatay o bawiin sakin ng ganon ganon lang.' bulong iyon ni Frolan pero kinalibutan ako sa mga kataga nya. Lahat ng iyon ay parang may kahulugan. Anong nangyayare?

Ako ang kumalas sa kanyang pagkakayakap.

Pumasok ako sa aking kwarto at nakita kong napaltan na ang aking damit. Huh?

Agad akong napatingin sa aking cellphone. Napanganga ako ng makita ko kung anong petsa na. Halos tatlong araw na pala akong nakatulog? What?!

Agad akong lumabas dahil baka nandon pa si Frolan at tanungin lahat ng nangyayari pero wala na sya doon pati ang doctor.

Bumalik nalang ako sa kwarto ko. Tiningnan ko at ginulo gulo ang buhok ko. Sinabunutan ko ito at nasaktan lang ako pero wala akong maalala.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako nawalan ng malay para makatulog ng ganitong kahaba.

"I am great that you are fine now. Kumain kana para lumakas ka." Iyon lamang at nakangiting tumingin sakin si Amber. "Wag ka ng magtaka Ma'am Kayla. Andito ako para pagsilbihan ka. " Hindi ko maintindihan pero bakit parang kumabog ang puso ko sa kaba.

Parehas ng mata nya ang mata ni Norman.

Tss. May mga tao namang magkakaparehas ang mata e. Ano ba naman itong naiisip ko.

"Sige. Salamat Amber." Tatalikod na sana sya. "Maaari ba kitang matanong? Ano talaga ang nangyari sakin para makatulog ng halos 3 araw?" Hindi ko alam pero ngumisi sya sakin. Halos hindi naman sya ngumingiti pero natatakot ako sa ginagawa nya.

"Kailangan nyong magpalakas Ma'am. Hindi biro ang nangyari sa inyo para makatulog ng ganon. Magpagaling kayo Ma'am. Alis na po ako. " Ngumiti ito saka umalis.

Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga?

Napaupo ako at nakita ko ang mga paborito kong pagkain. Nandon ang repolyo, broccoli at ang mayonnaise. Masarap to. Nakita kong may gatas naman sa isang baso at tubig sa kabila. May perfect dessert akong nakita, its a piece of slice cake flavored mocha.

I'll Hit You until you DIE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon