SNOW MERCADO
"Yung number mo kasi linagay namin sa freedom wall," nakayukong sabi ni Sabina, kami lang kasi ang magkasama ngayon busy din sila Rhaine at sila levy
'Yon lang pala akala ko kung ano na, pero bakit number ko.
"Ahh sige."sabi niya at tila nakahinga na ng maluwag.
Unti-unting nag proseso sa utak ko ang sinabi niya pero may na alala ako.Ay wait ano ulit? Number ko?! Baka kaya may mga random message na napupunta sa akin kaya marami akong na rerecieve na text.
"Ay ano?! Pakiulit nga" sabi ko kay Sabina mabuti naman at mabilis siyang sumagot.
"Yung number mo linagay namin sa freedom wall." Inulit pa ni gaga at tama nga 'yong narinig ko nung una.
"Gagi ka! Bakit mo linagay! " galit na sabi ko sa kaniya sabay hampas pero naka-ilag siya sa ginawa ko kaya na hampas ko iyon sa kawalan.
"Wala ka kasing jowa kaya linagay namin nila Rhaine at nila Levy."paliwanag niya sa akin. So lahat pala sila ay may gawa non. Pinagkaisahan na naman nila ako ganito ba talaga pag single?
"Puntahan nga natin baka kung ano-ano na ang linagay niyo doon tungkol sa akin." galit na sabi ko at sabay hinila na siya papunta sa freedom wall. Edi marami nang nakakita non kasi maraming nagsusulat doon parang araw-araw yata ay may bagong sinusulat.
"Bilisan mo kaya!" singhal ko sa kanya dahil ang tagal niyang maglakad at tila busy sa kaniyang telepono. Hindi ko na maayos ang galit ko dati ay nakokontrol ko naman pero ngayon lang talaga ito nangyari.
Sorry Sabina ngayon lang naman ako magagalit sayo ay mali sa inyong lahat pala dahil sa ginawa niyo.
Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad papuntang freedom wall. Buti na lang nabubura 'yon kada week kaya nawawalan rin agad.
Pag naglagay ka next week pa mabubura 'yon, kaya sure ako pati college ay nakita iyon at mga iba pang estudyante rito sa amin.
Nakarating na kami sa freedom wall. Malaki ang freedom wall namin kaya masyadong mahirap hanapin 'yon mayroon pa kasing malilit ang sulat. Pero alam naman siguro ni Sabina kung saang parte nila iyon nilagay.
"Saan dito?!" Turo ko sa freedom wall at sabay pinagcross ang kamay.
"ano nasaan?"ulit kong sambit kasi di siya na mamansin sa akin at nakatitig lang sa akin tsaka walang reaksyon na pinapakita.
"Hindi ko alam?" Mahinang sambit niya na ikina buntong hininga ko. Anong hindi alam sila ang naglagay dapat alam niya!
Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako. Feeling ko, parang napakababa naman ng kinakagalit ko ngayon.
"Ano?! Sino ba nagsulat?!" Sigaw ko. Nakakainis talaga bakit hindi niya alam? Set up nila 'yon impossible na hindi niya alam.
"Si Rhaine..." mahinang sabit niya.
"Tara puntahan natin si Rhaine. Pinapahirapan mo ko. Alam mo yun?!" Singhal ko kay Sabina kaya sumunod na lang siya sa likod ko naglakad lang ako at hindi siya gaano pinansin.
Nakaka stress na nga nung nakaraan mas i-stress pa ako maigi ngayon sabog na rin yata ako ngayon.
Naglakad kami sa room nila Rhaine medyo pa dabog na ako maglakad. Nagulo ko na rin ang buhok ko kaya maraming nakatingin sa akin at napapatingin.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomanceBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...