SNOW MERCADO
Nasa couch ako ngayon nakatambay at hindi alam ang gagawin. Gabi na ngayon nasa 9pm. Nakataas pa ang paa ko ang boring rin kasi. Lowbat pa phone ko yung online games doon na dinaownload hindi ko pa nabubuksan.
Napatulala na lang ako sa ceiling namin at napaisip kung ano ang mangyayare sa double date na iyon.
Tumayo ako at uminom ng tubig sinulyapan ko rin si Sabina. Si sab ayun nagbabasa ng libro niya habang nakangiti.
Magbasa na lang din kaya ako? Kaya lang feeling ko ayaw ko. Feeling ko lang naman hindi ko pa naman nababasa yung libro.
Napalingon ako sa kinauupuan ko kanina dahil may narinig ako mula doon at natanaw ko ang cellphone na umiilaw at tumutunog. Kaya dali-dali akong bumalik sa pwesto ko upang sagutin ang tawag. Eto na naman yung lalaking nagtext sa akin.
Sagutin ko ba? Lumingon muna ako kay Sab pero nakatingin siya. Biglang siyang tumawa kaya napa ngiwi na lang ako.Bakit siya tumatawa? Anong meron?
"Bakit?" Kunot noo kong tanong habang tinitignan ang call.
"Wala, " nakangiti niyang sabi at binalik ang sali sa pagbabasa pero pansin ko habang nagbabasa siya nakangiti pa rin siya. Nahihibang na ba siya?
"Just answer the call, baka importante." sabi niya pa. Kaya bumuntong hininga na lang muna ako bago ko ito sagutin. Baka sakaling makilala ko kung sino tong nagtext sa akin dahil makikilala ko iyon sa boses.
Pagkasagot na pagkasagot ko wala naman sumagot kaya kumunot ang noo ko at tumingin sa kawalan.
"Hello?" I said over the phone.
"Hello?" paguulit ko.
Nanahimik na lang ako. Tanging narinig ko lang ay ang paghinga. Sino kaya 'to? Agad ko na lang ding binabasa ang number ng tumawag dahil wala naman nagsasalita.
Tumingin na lang ako kay Sab pero nakangiti siya at tila inaabangan ang susunod kong gagawin. Sino ba kasing tumawag at nag text na yon. May nalalaman pa siyang ganun.
Umupo na lang muna ako at napabuntong hininga. Pinatay ko ang call at binalik sa pagkakacharge ang cellphone ko.
Sa susunod na araw baka busy na ako, baka lang naman kasi nararamdaman ko. Kaya dapat ko na yatang ienjoy ngayon palang.
"Padeliver tayo?" Tanong ko dahil feeling ko gusto ko kumain ng snack ngayong gabi.
"Ikaw bahala?" Sabi niya at uminom ng kape niya sa gilid at binalik ang mata sa pagbabasa.
"Gusto mo padeliver ako pizza?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya kumibo. Bili nalang ako tsaka ginusto ko to malay mo deserve ko naman to sa susunod na araw i-advance ko nalang.
Dali-dali akong pumunta sa telepono at dinial ang number ng Shakey's. Habang nag riring ay kinuha ko ang bag ko at kinuha sa loob ang wallet ko dahil andoon ang shakey's card ko.
Mabilis nasagot ang call at sinabi ko doon ang order ko na Managers Choice at Hawaiian Pizza.
"Gusto mo mojoes?" Tanong ko kay Sabina kaya tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomanceBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...