CHAPTER 21
UMAGA na ngayon. Nag aayos ako ng sarili ko. Papasok na ako. Sumakay na ako ng jeep papunta school. Umupo ako sa bandang dulo malapit sa likod ng driver.
Pagkaupo ko ay naghintay ako ng ilang minuto at nagbayad na ako. Mabilis akong nakarating sa school ko. Hindi ako hinatid ni percy. Lagi niya kasi akong hinahatid pero ngayon hindi na muna. Ayoko rin naman maging pabigat sa kaniya.
Puyat daw siya kaya hindi niya ako mahahatid ngayon. Okay lang naman iyon sa akin dahil araw-araw niya naman ako hinahatid ng mga nakaraang araw.
Nasa school na ako nakaupo ako ngayon at katabi ang mga group mates ko, may group activity kami and kailangan mag-ambagan doon. Nakikinig lang ako sa kanila ngunit tulala ako sa kanila ayaw pumasok sa isipan ko kaya Hindi na lamang ako nagsasalita at nanatiling walang imik.
"Hoy Snow nakaraan pa tong singilan na 'to ah hindi ka nag aabot ngayon na deadline nito." Biglang sigaw sa akin ng naniningil kong kagrupo. Napalingon ako sa kaniya dahil sa lakas ng ingay na ginawa.
"Oo nga." Sabat ng isa kaya napatingin rin ako sa kaniya, binigyan ko siya ng walang reaksyon na tingin at binuksan ang bag ko para kumuha ng pera doon.
"Maka-oo ka diyan di ka pa nga bayad tsaka yung utang mo sakin na album di mo pa binabayaran." Sabi ng isa kaya napatingin ako at bigla niyang hinampas yung ka group ko kaya natawa kaming lahat sa ginawa niya. Nag-oo siya may utang pa palang album.
"Bukas na 'te naiwan ko atm ko sa bahay eh." Sabi niya, kaya napacross ng braso si Pia.
"Sus reason mo lang iyan," sabi ni Pia at bumuntong hininga at tumabi sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa bag ko para makita ko na ang pera ko.
"Magkano ba yung babayaran?" Balik kong tingin sa kanila at nagtanong. Sana naman hindi gaano kamahalan ang babayaran ko kundi mauubos ang allowance ko.
"525 lang naman," sabi ni Pia at ngumiti na parang aso sa harapan ko. Napalaki pa ang mata ko dahil sa presyo.
"Ang mahal naman niyan, ano ba yan?" Gulat na tanong ko sa kaniya at yinakap ang bag ko.
"Hindi ako mayaman 'te ang dami niyo pang hindi nagbabayad. Aaminin ko doctor sila mama pero hindi naman nila hawak pag aaral niyo kaya magbayad na kayo, hindi ko kayo responsibilidad." Singhal nito sa amin kaya napayuko ang iba kong kagrupo.
"Sige abot ko later buo pa eh." Paliwanag ko dahil isang libo ang nasa wallet ko at wala pa akong barya para doon.
"Buo ba dont worry I got you! I have barya rito ano magkano ba yan?" Tanong nito at tumawa nang malakas sabay lumapit sa akin.
"Isang libo."
"I got you! Akin na may barya ako rito." Aniya at sabay pumalakpak pa habang nakangiti at mukhang excited. Iniabot ko sa kaniya ang pera ko at mabilis niya itong nasuklian. Hindi pa nga dapat ibibigay yung limang piso eh magjeep pako mamaya. Ang iba rin ay nakigaya na magbayad ngunit half payment lang daw muna dahil mauubos ang baon nilang pera.
"Hoy sis! Bakit hindi ka nagsasalita" medyo pasigaw na sabi ni Adriana na blockmates ko. Kaya napatingin ako sa kaniya at angat na lamang ako ng balikat ko.
"Wala lang," sabi ko habang nakapalumbaba na lang ako sa upuan ko at pinagmamasdan ang cellphone ko.
"May problem ka ba? We can help you." sabi ni llois at linapit ang upuan sa amin.
"No, I'm okay." sabi ko. Tumingin na lang ako sa mga blockmates ko. Nakita ko pa ang iba ay nakayuko at tulog.
Nag aral na lang kami kaya hinayaan ko na lamang sila. Tahimik lang ako bawat class na dumarating, two classes lang naman ako ngayon kaya mabilis nalang 'to at makakauwi agad ako.
Kaya hanggang one pm lang kami.Nakarating na ako sa condo namin. Linagay ko muna yung bag ko sa dorm. Hindi muna ako nagpalit ng damit dahil naka t-shirt naman ako ng dilaw na may nakasulat na FEU na sakto lamang ang laki.
Pumunta ako sa dorm ni Percy dahil hindi siya nagrereply sa text ko. Pagkatapat ko sa pinto ay agaran akong kumatok habang dala-dala sa kaliwang kamay ang Iced Americano para sa kaniya.
Agad din niya akong pinagbuksan ng pinto. Hinug ko siya agad at hinug niya din ako pabalik pero dahil nga busy siya sa cellphone niya kaya nakalagay ang atensyon niya sa laro niya.
"Wait lang babe tapusin ko lang to ng 10 minutes," sabi niya habang nag lalaro siya. Pinanonood ko na lang siya kung paano siya maglaro. Bumalik siya sa upuan at at sumunod na lamang ako sa kaniya kaya linapag ko sa lamesa niya ang dala kong kape.
Umupo ako sa tabi niya at pinanood siyang maglaro at ang nakita ko ay si Granger, ito ata yung marksman sa Mobile Legends ung mm na may baril. Pinanonood ko lang siya hanggang sa matapos siya.
"Anong gagawin natin babe?" Tanong niya sa akin kaya bigla akong napabalikwas at umayos ng upo dahil inaantok na ako.
"Hindi ko alam," sabi ko.
"Mobile legends na lang tayo, buhatin kita papuntang Mythic," sabi niya. Kaya nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. Kasalukuyan pa lang ako sa legend.Nabulok sa legend at hindi ma pa rank up dahil takot matalo.
Hinanda ko ang ML ko. Mabilis na nag open iyon dahil malakas naman ang internet kaya walang problema. Agad niya akong ininvite nang mag-online na ako.
Naglaro kami ng rank para mabuhat niya ako. Naka-ilang game kami para maglegend 3 ako. Ako ang marksman sa amin. Lesly ang favorite kong hero sa dito kaya iyon ang ginagamit ko lagi. Pinayagan niya naman ako kaya siya ang nag a-adjust kaya siya ang tank namin. Kaya kasama ko siya kung saan ako mag fafarm at kung saan-saan.
Pero nung huli na naming laro. Naka angela ako at siya naman ay Aldous. Sabi niya mag angela na lang ako para sasapi na lamang ako sa kaniya.
Natapos kaming mag laro ng ML. Naisip ko na bigyan ko kaya siya ng skin yung sa mainhero niya, sa ibibigay ko sa monthsary namin.
"Babe kung bibigyan ka ng skin anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya na kinakislap ng mata niya, kita ko din sa ngiti sa mga mata niya ang saya.
"Para sa akin ano..."sabi niya at nag-isip muna kung ano ang sasabihin."Skin ni gusion na lang or kaya ni fanny basta kung libre lang. " Sabi niya kaya tinandaan ko ang sinabi niya. Mayaman siya pero hindi siya nagsasayang ng pera para sa laro nasa isip niya sayang lang.
Babe maghintay ka, malapit na ang monthsary natin at mabibigyan kita non may sobra ako sa ipon ko.
"Ah okay babe," nakangiti kong sabi. Pinansin niya na ako at linayo niya na ang cellphone niya para ako naman ang bigyan pansin at nagkwentuhan kami doon at pinaglutuan ko siya ng dinner at doon na rin ako nagdinner.
Papunta ako sa kay Deseri kasi its been a long time since I saw her, and I want to talk to her because wala na akong balita about her.
I rang the bell and two of them open the door for me and I was shocked. Bakit siya nandito? I already told her that she need to know her limitations.
I looked immediately to Deseri to see her reaction but she never looked at me back.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomantikBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...