Snow Mercado
Hawak ko ang papel at tinitignan lang iyon. Kasama ba talaga ako? Bakit hindi pwede isama si Sab?
"Fine sasama na ako sa kan'ya," sabi ko sa sarili ko nasa kwarto kasi ako ngayon nakahiga at nagtipa tipa lang.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip dahil magulo ang utak ko ngayon. May date pa kami sa sabado tas may papel pang ganon.
Pinapunta niya pa ako sa condo niya kasi ibibigay niya daw ang sosootin ko. Nahihiya pa nga ako kasi bakit siya pa bibili? Alam niya ba size ko? Baka Oo, payat kasi ako.
Tsaka bakit sa condo niya pa? Tingin niya din siguro na panget ako manamit. Duh maganda kaya mga dress ko. Ang galing galing ko sa fashion kasi lagi akong updated sa uso at sa mga models at may sarili akong style.
Nasatapat na ako ng condo niya. Medyo nagsuot ako ng maayos na damit para makita niya na maganda ako manamit nakakahiya naman sa kaniya. Tsaka nakakahiya kaya kung nakapambahay lang ako.
Medyo nagulat ako sa biglaang pagbukas niya kaya napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Nagulat ako sa likod niya dahil may bumungad na mukha sa gilid ng legs niya.
"Bakit may aso?!" Gulat na gulat kong sabi dahil bumungad sa akin ang medyo malaking aso.
"Nangangagat ba yan?" Medyo sigaw ko sa kanya at napahawak pa sa braso niya. Humanap ako ng mapwepwestuhan pero wala kaya napakapait nalang ako sa kaniya.
"Hindi naman, nang huhusga lang 'yan," sabi niya nalang at pinagbuksan ng malaki ang pinto. Agaran akong tumakbo ng mabilis at pumunta sa couch at pumatong doon.
Takot talaga ako sa aso simula nung nakagat ang kapatid ko kasi baka magaya ako at maka-ilang turok. Takot pa naman ako sa injection lalo na kung malaki iyon feeling ko iyon ang ikakamatay ko.
"Hoy tulungan mo 'ko dito! Takot ako sa aso!" Sigaw ko pero hindi siya tumingin sa akin at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad patungo sa kwarto. Alam kong rinig niya ako kasi hindi sarado ang pinto.
Hindi ko alam ang gagawin ko ang bilis ng tibok ng puso ko at grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil sa laki ng aso niya. Nanginginig na rin ang kamay ko takot talaga ako rito.
"Hoy! Wah!" napasigaw ako ng malakas kasi umakyat yung aso sa tabi ko. Kaya tumalon ako sa kabila ng parte ng upuan.
Feeling ko tuloy makakasira pa ako rito ng upuan dahil pakiramdam ko ay ang lakas ng pagkatalon ko.
May narinig akong malakas ang tawa. Kaya tinignan ko siya ng masama. Sige tawanan mo papaluin kita diyan mamaya pagnakalabas ako rito.
Pinanood ko 'yung aso na humiga at nanahimik, hanggang sa bigla na lang natulog yung aso kaya nakahinga na ako ng maluwag. Takteng aso yan! Takot pa naman ako.
"Tara na!" Sabi niya at tinignan ang suoot niya na ka long sleeve siya na polo na kulay black at naka pants. Bakit parang pumogi siya? Ang ayos ng porma niya ngayon.
"H-ha?" Nauutal kong sabi dahil napatagal na ang pagtitig ko. Anong gagawin bakit tara na? Akala ko ba iaabot niya na bakit parang aalis pa? Tsaka bakit nakasuot siya ng maayos ano bang meron?Hindi pa naman ngayon yon. Bukas pa yon.
"Nasaan na yung sosootin ko?" Tanong ko. Pansinin ko kasi wala siyang hawak na kahit ano.
"Wala." sabi niya kaya medyo tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Ang sabi niya kaya niya ako pinapunta dahil iaabot niya na pero wala pa pala.
"Ano?!"
Pupunta kami ngayon sa mall andun daw kasi yung dress. Ang daming alam akala ko pa naman hawak niya na at ibibigay niya na.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomanceBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...