From Sabxx:
Nakita mo ba si percy?Iginala ko ang mata ko sa phone ko at nagulat ako sa aking nakita malapit na uling malobat kaya't napahampas ako sa aking noo.
Napatingin na lamang ako sa labas at laking gulat ko nasa masukal na kaming daan.
"Kuya saan niyo ako dadalhin?" Nagpapanic kong nang tanong dahil hindi tama ito, mali na ang dinadaanan namin. Wala na kami sa highway at ramdam kong wala ng mga tao.
Pinaharurot niya lang ang pagtakbo kaya bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko. Kaya mas lalo akong nagpanic at hindi alam ang gagawin.
Napatingin ako sa nagmamaneho na nagsusuot na siya ng facemask kaya nagpigil ako ng hinginga ngunit hindi ko na kinaya ay huminga ako at may naamoy akong kakaiba kaya nahilo ako at hindi ko namalayan na nakatulog na ako dala ng chemical na iyon.
Nagising ako sa isang maliit na kwarto, iginala ko ang paningin ko at nagulat ako dahil puro luma ang gamit at may alikabok pa.
May sofa at mesa na luma pero yung mesa may tubig na halatang malamig natubig dahil nagmomoist ang pitchel na ito. Hindi ko iyon ininom kinuha o ininom dahil sigurado ako na delikado ang bagay na iyon at mamaya ay malason pa ako.
Kinapa ko ang bulsa ko upang tignan kung hawak ko pa ang mga gamit jo ngunit nagkakamali ako.Wala na yung iPhone ko.
Hindi ko na namalayan na pumapatak na ang luha galing sa mga mata ko at tuluyan na akong umiiyak. Bakit ba nangyare ito sa akin? Sana may makahanap sa akin.
Nakakawala ng lakas ng loob ang nangyayari sa akin. Bigla naman akong may narinig na nagtatawanan kaya dali-dali akong lumapit sa pader.
Sino yon? Natatakot ako baka kung anong mangyari sakin.
May naririnig pa akong kaluskos na nanggaling doon. Bigla akong napatalon dahil sa jiglaang pagsulpot ng isang asong na aspin.
"Gising na ata!" Sigaw doon sa labas, hindi ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa narinig ko.
Biglang lumabas ang mga lalaki. Madami sila hindi ko sila kayang labanan dahil nag-iisa lamang ako.
Hindi ko sila kasing lakas dahil mayroon pang lalaki na malaki ang katawan at halatang bumubuhat ng mabibigat na bagay.
Hindi ko pa rin mapigilan na mapaiyak ng nahina dahil sa nangyayari. Napatingina ko sa kanila at binigyan ko sila ng masamang tingin kahit naluluha na ako. Ngumisi pa sila na parang aso at hindi ako nagpakabog sa kanila at tinignan ko pa rin sila ng masama.
Sana may tumulong sa akin yan na lamang ang tangi kong binubulong sa sarili ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko at binti ko napaka-bilis nang pangyayare at nagulat ako dahil may tao na pala sa likod ko.Nagpumiglas ako hanggang sa makakaya ko.
Ayaw ko ng ganito mas lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakatali para hindi ako pumiglas namamanhid na rin ang wrist ko dahil sa lubid na makapal na bumabalot sa bandang kamay ko.
Gumalaw ako ng gumalaw para mawala ang kamay nila sa akin, sa inis ko ay dinuraan ko sila gamit ang laway ko kaya agad silang napa-iwas.
Ngunit nabigo ako pagkatapos dahil inuntog nila ako sa sinadandalan ko. Hanggang sa nakita ko na lang ay may dugo na ang ulo ko, nagulat ako sa sunod na nangyare.
Unti-unti na lumabo ang paningin ko dahil sa nangyare sa ulo at sumasakit na ito at para akong nawala sa sarili. Hindi ko na rin namalayan na namamanhid na ako. Hirap na rin akong huminga dahil sa pagkakaba at halo halong emosyon na bumabalot sa akin at hindi ko na alam ang sunod na nangyare.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomansBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...