SNOW MERCADO
Kaya naging suite na namin ang rooftop. May kubo pa nga doon para lang daw sa amin yon. Nakapangalan ba naman doon sa pinto ng kubo ay "Captain P ♥️ Snow"
Tinanong ko nga dati bakit Captain P. Kaya daw Captain P kasi daw siya daw ang magiging captain ng barko. Sa susunod siya na mag magmamaneho ng barko at doon na siya magwowork.
Siya daw mag drive ng barko sa akin. Kukuha daw siya ng yatch na para sa amin tas gagala kami kung saan saan mang dagat kasama yung yatch namin. Kunwari nasa MOA kami tas gagamitin namin yung yatch papuntang bataan or subic ganoon.
Sumakay kami ng elevator at mabilis kaming nakarating sa rooftop. Papunta kami sa kubo namin kung saan lagi ako doon tumatambay lalo na kung nag-aaral ako kahit konti. Doon ako tumatambay habang wala siya tas hihintayin ko lang siya doon kasi minsan busy rin siya.
Nasa kubo na kami ngayon at naka upo. Yung kubo may parang terrace at tulugan siya at may papag na pwede pagtulugan pero hindi naman kami natutulog don minsan lang pag gusto magpahangin.
"Tanungin kita, how many second in a year?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Hindi niya siguro alam ang sagot base na pinakita niyang reaksyon sa akin.
"100,000? Oh diba ang bilis kong sumagot." Mabilis niyang sabi habang tumatawa.
"There are 31,536,600 seconds in a year."paliwanag ko sa kanya. Hindi niya nga alam. Ang boring kasi kanina kaya nagkakabisado ako ng kung ano-ano.
"I have something for you."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at dali-dali siyang umikot at may dinampot sa likuran niya at bumalik na uli sabay humarap kasama ang bibigay niya.
Bumungad sa akin ang favorite kong gummy bears kaya bahagya akong nagulat sa binigay niya. Agad niya iyon linapag sa harapan ko at binuksan ang lagayan na puno ng mga candy.
Ngumiti ako ng wagas habang pinagmamasdan ang binigay niya sa akin. Kumuha ako doon at tinapat sa bibig niya kaya lang umuling siya.
"Ikaw muna," I said.
"No, you first because that's for you."he replied. Binigyan ko siya ng masamang tingin at ako na lamang ang kumain non. Kumuha pa uli ako ng isa at tinapat sa bibig niya. Tinuruan ko pa siyang ibuka ang bibig niya at bumiti naman sumunod siya sa akin kaya tuwang tuwa akong ngumunguya.
"You're so pretty." Biglaang niyang sabi kaya kinikilig na naman ako dahil everytime na sinasabi niya ang salitang iyan ay lalong tumataas ang confidence ko, nawawala rin ang hiya ko sa ibang tao.
"Doon tayo banda," turo ko banda sa may bench.
Pumunta ako doon kasama ng mga candy sabay umupo nang makarating ako. Sumunod din siya sa akin. Iniangat ko ang tingin ko sa langit at puro itim lamang ang nakita ng mga mata ko. Bakit ganun ang walang stars. Uulan ba?
Tumingin ako sa baba at kita ko ang mga ilaw na magaganda at mga building. May iba pa akong natanaw na nagpapaputok ng fireworks. Kahit anlayo niya tignan natatanaw ko pa rin ang ganda talaga panoorin ng mga fireworks ang ganda sa mata.
Hinayaan ko na lang iyon. Napatulala na lang ako sa mga tunog ng riles ng tren at sa mga sasakyan. Hindi ko namalayan na may basa akong nararamdaman sa mukha ko kaya agad akong napahawak doon tsaka tinignan ito, at ito ay tubig.
Tumingin ako sa mga ulap napapikit ako dahil nabasa ang mata ko. Uulan nga, umaambon na.
"Doon tayo!" Turo ni Percy. Tumakbo agad kami doon kasi nga lumalakas na ang umbon. Agad na hinawakan ni Percy ang kamay ko at hinila ako papunta sa kubo namin kung saan hindi kami mababasa.
Nagpagpag kami kasi medyo nabasa kami. Hinintay namin na tumila ang ulan at pinanood ko lamang ang pagpatak ng ulan.
"Percy, Doon muna ako sa loob." turo ko sa may tulugan sa kubo, nasa terrace lang kasi kami. Tumango naman siya sa sinabi ko. Pumunta agad ako doon pagkatapos ko iyon sabihin. May electric fan doon. Nag electric fan ako doon at nag cellphone dahil wala rin naman akong gagawin.
Yung electric fan na 'to yung de charge lang, yung may ilaw. Kaya baka mamaya malowbat na yan kaya't mawawalan ako ng fan. Gabi pa naman na at malamok.
Natulog muna ako ng sandali. Medyo ramdam na ramdam ko ang lamig at nangingig ako ng kaonti sa lamig halos gamitin ko ang bibig ko paghinga dahil nagbabara ang ilong ko. Biglang may nag kumot sa akin at ramdam ko iyon kahit papano ay nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Poam lang kasi ang meron dito. Walang unan or ano pa tsaka wala rin kaming balak na matulog rito.
Kasi nga tambayan lang 'to. Hindi rin naman kami makapunta sa hagdan kasi nga wala kaming payong patungo doon.
Hanggang sa nagising ako na. Tumila na pala ang ulan. Hindi ko man lang iyon namalayan dahil giniginaw ako.
Lumabas ako ng tinutulugan ko kanina. Andoon si Percy naka upo lang doon pero hawak niya ang cellphone niya.
Umupo ako sa tabi niya.
" Tara alis na tayo dito," medyo nagulat siya nung makita ako. Tumayo na kami at lumabas na sa kubo hawak niya uli ang kamay ko habang naglalakad. Hinatid niya na ako sa unit namin ni Sab.
Sa susunod hindi na ako makikiupa kay Sab kukuha na ako ng unit ko para hindi ako maging pabigat kay Sabina pero hindi ko pa sure kung kailan basta kung kailan ako magkapera lilipat ako. Nahihiya na ako kay Sab pakiramdam ko ang pabigat ko ang tamad ko pa naman minsan.
"Good night babe," sabi niya sa akin at kiniss ako sa noo. Napangiti ako sa ginawa niya. Kinilig lang ako sa ginagawa niya.
"Goodnight din babe," sabi ko at bigla ko siyang kiniss sa pisngi kaya nagulat siya. Ngayon lang naman bukas wala na uli.
"May pahabol ka pa bakit hindi mo nalang sinabi para ako unang gumawa," natatawa niya pang sabi sa akin.
"Sige doon ka na." tulak ko sa kanya papalayo sa pinto namin.
"Ayaw mo na sakin?" Pagdradrama niya sa akin at sabay sumandal sa pader at umacting doon. Gusto lang nito magpasuyo. Bahala ka diyan hinding-hindi ako mansusuyo.
"Nge!" sabi ko. Tumayo na siya at nagsimula na kamang maglakad papalayo sa unit namin at tila bagsak ang balikat niya na naglalakad. Tumayo siya ng matuwid nung nasa tapat na siya ng elevator at kumaway sa akin sabay nginitian ako napangiwi naman ako sa ginawa niya. Hinintay ko siya na makapasok sa elevator.
Pumasok ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng suot ko pagkatapos nito ay pumunta ako ng kusina at nagtimpa ng maiinom na mainit na chocolate.
Habang naghahanap ako ng biscuit ay nagulat ako dahil sa biglaang pagpasok ni Sab sa kusina at kumuha rin ng baso sabay dumaretso sa upuan at bumuntong hininga dahil sa ginawa niya ay napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.Biglang kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.
"Anong nangyare? Kumusta na kayo ni Bright?"
"Ewan ko ba pero parang na fall ako ng malala." Aniya at tumingin sa sala kung saan andoon ang salamin na may view sa labas.
"Hala weh? Dati he like you and you like him pero ngayon parang ikaw nalang may gusto?" I asked her and she nodded.
Napanganaga ang bibig ko dahil sa gulat kaya pala hindi na tinuloy ni bright dito sa tabi ng condo namin. Pero bakit siya huminto? What happened? Is there something wrong?
Nagkwento sa akin si Sabina ng mga memories niya with bright habang umiinom ako ng mainit na chocolate ko. Tuwang tuwa ako marinig ang mga kwento niya dahil kilig na kilig siya kay Bright kahit na ganoon ang nangyare. Ang tagal nilang naghintayan tas mapupunta sa ganitong sitwasyon hindi ako makapaniwala na maari pala tong mangyare kay Sab.
Humiga na ako sa kwarto ko dahil inabot na kami ng 12am sa kwentuhan namin ni Sabina ang dami ring binigay na memories ni Bright kay Sab at lahat iyon nakakakilig. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil nakangiti ako ng walang dahilan habang nakapikit.
Note:
Update kona today para 10chapter nalang talaga
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomanceBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...