CHAPTER 17

62 33 0
                                    

SNOW MERCADO

"Diyan lang sa tabi-tabi sumasayaw." sabi ko habang tinatanaw sila Levy at Klea. Kaya lang hindi ko na makita si Sab. San na yun? Nakita ko lang yon kanina ah biglang nawala. Si katrina nakikita ko pa may tatlong lalaking kasayawan grabe talaga itong babae to.

"What's your problem miss?" Tanong nung John kaya binigyan ko siya ng pansin.

"Ah nothing." Sabi ko.

"What's your name binibini?" He ask. He gave me the sweetest smile that he have.

"Snow." I said casually.

"Wow your name suits you," sabi niya pa kaya napangiti ako.

"Thank you!" sabi ko. Nakangiti pa rin ako. Ewan ko ba sa sarili ko parang nanigas tuloy yung ngiti ko.

Nanahimik na lang ako. Medyo feel ko ang awkward ng nangyayare ngayon.

"Sayo na lang tong bracelet," sabi niya at iniabot ang bracelet na may letter J. Hindi ko alam ang gagawin ko at para akong nanigaw sa kinauupuan ko.  Bakit niya ba binibigay ito sa akin?

"Wear it." he said calmly kaya sinuot ko na lamang ito dahil hihintayin niya na masuot ko itong bracelet na ito. Wala namang problema sosootin lang naman.

"Bagay sayo Snow," puri niya sa akin nang masuot ko na. Ngumiti na lang ako at tinitignan ko ito. Bakit kasya sa akin? Para kanino ba to at napunta sa akin? Hindi naman yata ito para sa sakin?

"Kanino ba 'to ? baka mamaya para sa gf mo 'to tas pinasuot mo pa sa akin or baka ninakaw mo 'to tas pinapasoot mo sakin para ako pagbintangan ano?" tanong ko kasi nga nakaka curious. Bakit sakin pa? Pwede naman sa gf niya or ibang tao. Ngayon niya lang naman ako nakita rito.

" Edi akin na, kung ayaw mo. Joke wala akong girlfriend flings lang," sabi niya habang tumatawa. Natapos ang usapan namin dahil iniwan niya na ako sa upuan.

Nasasakyan na kami ngayon at si Sabina ang nag drive dahil tumba na ang mga kasama namin. Matutulog daw sila sa condo namin tsaka ayaw rin daw nila umuwi sa mga sarili nilang tinitirhan. Tatagalin pa kami sa daan kung isa isa namin sila ihatid pauwi.

Ang ingay pa ni katrina sa likod. Medyo lasing na siya ay mali literal na lasing talaga.

"Apple botton jean!" Kanta niya kaya pinasadahan ko muna sila ng tingin sa likod. Nagulat ako sa sunod niyang sinasabi dahil biglang naging malungkot ang pagkanta niya

"Hindi, hindi ko kayang umibig muli
Habang-buhay na lang kitang hihintayin."

Tinignan ko siya na nakatitig lang sa labas at pinagmamasdan lahat ng ilaw na nadadaan at ang lalim ng iniinisip.

Nasa condo na kami. Si Sabina binubuksan niya na ang pinto.

"Hoy! Ano 'yang bracelet mo?" Sita ni Sab sa bracelet ko kaya napatingin ako sa kaniya habang umiinom ako ng tubig. Napansin masyado tong binigay ng lalaki maganda ba 'to?

"Ah eh secret." sabi ko at iniwan siya roon at nagshower para tumigil siyang magtanong. Ayaw ko pa alam baka asarin pa ko niyan.

"Okay." sabi niya na lang. Hindi na nila nakita kasi nga nakatulog na agad sila. Si sab hindi naman siya lasing katulad ko kaya hindi siya agad nakatulog. Sila levy uminom ng kaonti kaya medyo hilo hilo sila ngayon.

Pati kami si Sab sa Couch makakatulog kasi nga sinakop na nila yung higaan namin.

"Hoy! Jusko! Paano ba naman ako? diba Tangina!"

Rinig ko dahil hirap na hirap akong matulog kanina. Hindi ko maintindihan ang sakit nang ulo ko. Hindi naman ako uminom ng marami kagabi sakto lang.

Nagising ako sa kanta ni Sab kaya dahan dahan akong tumayo at kinuha ang tsinelas ko. Ano ba yan ang ingay non ah broken ba si Sabina? Lumabas ako ng kwarto at bumungad si Sab na kumakanta habang nagluluto na parang galit pa nga ata broken ba 'to?

My Captain PercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon