CHAPTER 24

65 31 0
                                    

"Nasaan ka na ba?" I asked over the phone.

Nandito ako ngayon sa Tech Building doon banda sa likod at papunta ako ngayon sa Court ng Tech. Pupuntahan ko si Brent kung saan siya nagpractice ng basketball isa siya sa mga members ng group namin.

Kasama ko rin ang dalawa kong blockmates para tulungan ako. Tahimik lang sila sa gilid hawak ang kanilang cellphone.

[Akyat kayo dito, akala ko pa naman andito na kayo.]

Sagot nito sa telepono at napabuntong hininga ako dahil init na init na ako kanina pa dahil naglakad kami patungo dito, Engineer Building papunta rito sa Tech.

"Abay malay ko ba!" Singhal ko sa kaniya at binaba ang call at sabay tinago ito sa bag ko at  binigay ang atensyon ko sa mga kasama ko na naghihintay rin sa susunod na gagawin.

"Tara na," sabi ko sa kanila kaya agad rin silang napalingon sa akin kaya nagsimula na kaming umakyat ng hagdan.

Pagka-rating namin bumungad sa amin ang malakas na pito nito mula sa court at panigurado na coach nila iyon.

Sumilip muna ako sa pinto na bumungad sa akin ang puro lalaking naglalaro at nagkukumpulan sila at parang nag-uusap pa. Napalingon ako sa kasama ko na nakasilip rin sa pinto at halatang hinahanap si Brent.

Kumaway ako ng magtagpo ang mata namin ni Brent pati na rin ang mga kasama ko ay kumaway na rin sa kaniya upang lumapit na siya sa amin para makapagsimula na.

"Nakakagutom naman rito." Sabi ng katabi ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Gutom ka na? Sa canteen nalang tayo konti nga lang mabibili mo?" Tanong ko sa kaniya at tinignan siya kung okay pa siya.

"Sige doon nalang tayo gawa or bili nalang muna ako sa labas tas kita kita nalang." Sabat ng isa at napangiti sa kaniyang suggestion. Tumango na lamang ako sa sagot nito.

Napatingin ako sa mga members at masasabi ko ang tangkad nila, napalingon rin ako kay Brent na papalapit sa amin.

"Tara baba na tayo tapos na kami." Sabi nito dala ang kaniyang bag habang umiinom ng tubig pababa ng hagdan ramdam ko na pawis na pawis siya kaya't lumalayo ako ngunit siya naman ang lapit ng lapit sa akin. Nagmadali akong humakbang pababa para mauna akong tumungo sa harap ng Tech, ang kasama ko naman ay bumili muna ng pagkain niya.

Tinap ko ang ID ko, hinintay ko sila dahil ang tagal niya mag tap pero bago iyon bago ako magsimula maglakad ay hinintay ko na lumabas sa monitor ang picture niya.  Nang makita ko ang litrato niya ay nagsimula na akong maglakad ng makita kong tapos na siya. Napatingin ako sa likod at mabilis rin silang nakabili kaya nagtap na rin sila at sumunod na sa amin.

"Tutal doon ka naman na bumili dito na lang tayo," tanong ko sa kanila kaya nagkibit balikat na lamang sila.

"Ano here nalang? For me kahit saan basta magawa lang 'to ng maayos para alam na kung sino ang gagawa at ma distribute na yung mga gagawin natin." Paliwanag ko sa kanila at umupo na lamang sa bakanteng upuan, pinanood ko na lamang sila na umupo rin.

Medyo umabot kami ng one hour dahil may iba silang hindi naintindihan kaya pinaindtindi ko sa kanila iyon at mabilis rin naman nila naintindihan.

Sabay-sabay kaming tumayo at kinuha ang bag sa tabi namin at nagsumila rin silang umunat.

"Grabe naman 'to nakakabobo, mag engineer ako nito tas tamad-tamad ako? Hindi pwede 'to dapat maging rich tita pa ako." Sabi ng isa kong ka grupo kaya agad kaming natawa sa kaniyang sinabi.

"Ako nga rin hindi ko alam kung bakit ito ang nakuha ko, pero okay na rin naka-labas ako ng comfort zone ko."sabi ng isa, hindi na lamang ako kumibo sa sinabi nila at tumawa nalang.

"Kung ako 'yang course na 'yan hindi ko kayo gaganyanin," natatawang sabi ni Brent kaya natawa kaming lahat.

"Edi sana pinabillboard mo."sabing isa kaya mas lalo silang natawa habang naglalakad. Tinap uli namin ang I.D namin ng sabay-sabay dahil uuwi na rin kami.

"By the way, hatid na kita." Sabi ni Brent na sa akin na ikinagulat ko. Napalingon ako sa kaniya habang humahakbang sa hagdan.

"No, kaya ko umuwi mag-isa. Sila ang ihatid mo not me malapit lang ako." Turo ko sa kaniya sa kasama ko upang madapo ang tingin niya sa kanilang dalawa.

"No sabay daw sila eh, so ako ang walang kasama so sabay na tayo."umiiling na sabi nito at tinapatan ako.

"Alam mo malaki ka na, kaya mo na iyan lumaki ka nga ng wala ako. Nakapagenroll ka dito ng wala ako. So kaya mo na 'yan malaki ka na." Sabi ko rito at tumawa habang naglalakad. Habang ang iba kong blockmates at nawala na sa likod ko dahil kumakain na bigla sa gilid.

Habang itong Brent na 'to ay nakasunod pa rin sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"Basta ihahatid kita ah."sabi nito at wala na akong nagawa kundi hayaan siya sa ginagawa niya basta wag niya akong guluhin.

Mabilis akong sumakay ng jeep pati siya ay sumunod na kahit isang upuan nalang ang meron. Nagulat ako ng bigla silang magsi-uring at pinaupo si Brent. Nalaglag angpanga ko sa nakita ko.

"Kandong ka nalang sa akin." Sabi nito at tinap ang binti niya kaya napatingin na lamang ako mula ulo hanggang lap niya. Umiling ako bigla ayoko ng ganoon.

"Ano ka gold?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa siya bigla. Binigyan ko siya ng masamangtingin at naglakad.

"Edi pipiliin ko nalang sumabit o bumaba." Sabi ko habang dumaan sa harapan niya.

"Ikaw naman hindi mabiro." Sabi nito at tumayo  sa kinakaupuan nito. Naglakad ako patungo sa pwesto niya at doon agad ako umupo nagulat ako dahil biglang sumikip. Sa laki ni Brent sakto siya tas ngayong akong payat sumikip bigla?

"Upo na binibini,"sabi nito at sumabit na lamang sa pinto, nginitian ko na lamang siya ng plastik.

"Kuya bayad po," abot niya ng bente pesos kaya nagulat ako dahil baka siya pa ang sumagot ng pamasahe ko at ayoko naman maging abala sa kaniya, pinayagan ko siya na ihatid ako pero hindi magbayad ng jeep.

"No, ako na."  Sabi sa kaniya at pilit na binabalik ang bente niya.

"Isa lang po 'yan," nalaglag ang panga ko sa kaniyang sinabi dahil hindi ko iyon inaasahan. Napasinghap ako at ibinigay ang bayad niya.

"Gago talaga 'to" bulong ko ng mahina sa sarili ko. Kumuha ako sa bag ko at doon kinuha ang pambayad ko.

Iniabot sa akin ang sukli kaya inabot ko uli sa kaniya. Mabilis kaming nakarating kaya mabilis rin kaming bumaba at siya rin ay mabilis lang rin na sumabit.

Bumaba ako at siya ay nakasunod sa akin.

"Taga rito ka pala," sabi nito at tinignan mula hanggang taas ang building namin.

"Oo bakit may problema?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan ito ng kilay. Pumasok kami at sinalubong ako ng guard rito.

"Good Afternoon kuya!" Bati ko nung nginitian ako. Eto ang rule ng dati kong school kapag ganyan ay dapat batiin okay rin to atleast kilala na nila ako.

"Wala, medyo pricy kasi rito kaya hindi ako dito kumuha noon. May nag bebenta sa akin pero inayawan ko gusto kasi nila ng cash 4 million pero ayoko naman ng ganoon kamahal na ako lang mag isa." Kwento niya sa akin kaya napatango habang naglalakad kami, tinignan ko na lamang siya habang kinekwento iyon.

Napatingin ako sa ibang dumadaan na napapalingon sa amin at tinuturo kami pero alam ko naman na kay Brent ang tingin nila.

"You can go na, aakyat na ako." Turo ko sa elevator na pababa na rin at malapit na dito sa floor ko.

"Ah sige ingat ka ah, una na ako." Sabi nito at naglakad na papalayo habang ako ay nag-aabang na.

Bumukas na ang elevator at nagulat ako sa nakita ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko pa naka-formal attire siya kaya nagulat rin ako.


My Captain PercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon