CHAPTER 2
Snow Mercado
"Maam may chalk po kayo sa gilid niyo." Turo ni Sabina sa siko ni maam. Napatingin ako sa sinabi niya at tama nga meron ngang chalk sa siko ni maam. Nanlisik ang mata ko sa ginawa niya pinakaba niya ako ng husto.
"Aw thank you at sinabi mo."nakangiting sabi ni maam at ngumiti sa amin. Umupo na rin si Sabina at medyo natatawa sa ginawa kong reaksyon.
Akala ko kung ano na ang sasabihin nito. Akala ko rin ay isusumbong niya na ako, kung ginawa niya 'yon suntukin ko talaga siya ng mega-mega at hindi pansinin.
"Gigil mo si Snow eh!" sabi ko at agad na nagcross arms sabay bumuntong hininga at iniayos nalang ang papel ko sabay inihanda ang red ballpen at tsaka correction tape.
"Kurutin kita sa singit eh." Dagdag ko habang natawa naman siya sa inasal ko.
"Ayaw mo 1pts? Inaaway mo ako eh..." pang aasar niya. Timingin ako sa kanya at siningkitan ng mata at tinaasan ng kilay baka inaasar lang ako nito.
"Ay hindi pala. Ang cute mo!" pang uuto ko sa kaniya at nag-aamba na kukurutin siya sa pisngi niya. Kinurot ko pa ang pisngi niya dahil hindi niya agad natakpan ang pisngi niya kaya lang dapat lalakasan ko kaya lang baka magalit at mawala yung 1pts.
"Sige na nga baka 'yan pa ikamatay mo, hindi joke lang ayaw pa kita mamatay." kinilig naman ako sa sinabi niya ng onti dahil bibigyan niya ako ng 1 points. Hindi niya naman ikakalugi 'yon ang talino niya tas ipagdadamot niya pa sa akin.
"Gago..." mura ko sa kanya ng mahina dahil baka marinig ako. Kinuha niya na ang papel at inilagay sa mesa niya at binura ang ang iba upang palitan. Binago niya na ang score ko, ang zero ay naging one kaya, one over 20 (1/20) na ako tapos siya naman ay 16/20.
Ang masasabi mo sa kanya ay isang sandamakmak na sana all. Walang review pero onti lang mali paano nangyare 'yon? Paano ba maging katulad niya? Ang talino talaga nito kaya kami nasa cream section.
Nagrecord na si maam ng mga scores. Medyo matatas ang score nila at pansin kong wala gaanong naka one. Maraming naka 13 at 15 doon lamang umiikot ang score nila. Kinakabahan akong sumagot nahihiya ako para sa sarili ko.
"Ang passing ay natin ay 11," sabi ni maan. Ano 11 ang layo nun sa score ko! Bakit 11 pa bakit hindi nalamg isang one.
"Maam pwede 1?" Biglaang sabi ko na ikinahiya ko. Binigyan ako ni maam ng mataas na kilay at masamang tingin kaya naintindihan ko na agad ang ibig sabihin.
"Okay po maam." sabi ko medyo nakakahiya yung tanong ko may mga tumawa pa sa sinabi ko. Ngayong grade 12 lang kasi ako na cream section tapos Itong si Sabina laging cream section nung grade seven lang hindi kasi bumaba grade niya nung grade six at 'yon din ang dahilan kung paano kami nagkakilala ng mga kaibigan ko.
"Andres." sigaw ni maam at nakatingin sa record book niya at seryoso ang mukha niya na nagsususlat.
"Thirteen po!" sigaw ng classmate ko. Marami pang ibang natawag at pareparehas sila ng score at matataas iyon. Nakakainggit naman sila ganito ba talaga ang Cream section?
"Dela Cruz." sigaw ni maam na ikinagulat ni Sabina kasi busy sa ibang bagay. Bahagya pa akong natawa sa expression niya, kinalabit ko rin siya kaya rin siya nagulat.
"Sixteen po!" masayang sabi ni Sabina at ginawang busy uli ang sarili.
"Sana all" bulong ko sa kaniya. Nagsalita pa ng nagsalita si maam at hinintay ko sang sarili ko dahil pang M ako at tama nga ako na.
"Mercado,"
"One po" mahinang sambit ko. Napabuntong hininga na lamang ang guro namin sa sinabi ko. Sana maintindihan ako ni maam.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
Storie d'amoreBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...