CHAPTER 14
SNOW MERCADO
"Hindi ka kumakain ng calamares?" Tanong niya. Pansin niya kasing walang calamares sa plastic cup ko.
"Hindi," sabi ko, hindi ko pa alam kung anong itsura non. Bigla niyang tinapat ang calamares sa bibig ko kaya nagulat ako.
"Yan oh tikman mo," sabi niya pa habang nakatapat sa akin ang stick. Wala akong nagawa kundi ngumanga sa calamares na iyon. Hindi ako kumakain ng calamares hindi ko nakikita yon pag bumili ako tsaka hindi ako pamilyar sa salitang calamares.
"Umay naman oh," sabi nung babae yung maingay kanina na nagbubulungan.
"Sana all nalang pre," sabi pa ng kasama niya muntikan pa akong masamid sa dalawang babaeng nagbubulungan kanina pa buti na lamang ay napigilan ko.
Kinain ko 'yon at masarap nga. Hindi ako masyadong kumakain non. Wala kasi sa sacred non pero atleast ngayon na tikman ko na. Ang sarap pala.
"Isa pa gusto mo?" Tanong ni Percy sa akin umuling agad ako sa sinabi niya dahil nabubusog na ako.
"Hindi na." sabi ko at inubos nalang ang nasa baso ko. Natapos kaming kumain ni Percy. Naglalakad na kami papuntang sasakyan niya. Buti na lang talaga di ako nakaheels kundi masakit na ang paa ko ngayon. Naka flat lang ako kasi matangkad naman ako kaya parang iyon na ang nagdala.
Pauwi na kasi kami. Habang naglalakad kami nararamdaman ko na parang may tumutulo. Umaambon.
Binilisan namin ni percy mag lakad dahil baka abutan kami ng ulan kundi baka basang sisiw na kami kung magpaulan pa kami at masyado pang maganda ang suot namin ngayon.
Hanggang sa nakarating na kami ng sasakyan. Buti na lamang bago kami sumakay tsaka bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman kaming baon na payong. Nag dra-drive si percy nakita namin yung babae kanina na maingay na maganda raw ang suot pero sa cheap kumakain. Tinuro pa nga ni percy ang babae at mag-isa siya ngayong naghihintay ng jeep at nababasa na rin siya ng ulan.
"Tignan mo may gagawin ako," mayabang na sabi ni Percy kaya kumunot ang noo ko sa kaniya. Anong bang balak niyang gawin?
"Ano?" Tanong ko sa kanya habang pinaandar niya ang sasakyan.
"Basta, manood ka nalang," sabi niya.
"Sige." yan na lang ang sinabi ko pinanood ko siya. Pinaharurut niya ang sasakyan patungo sa babae at hanggang sa medyo tumapat kami sa kaniya. Nagulat pa ako dahil binaba pa ni Percy ang window ng sasakyan kaya bumungad ang mukha ko sa babae.
"Sakay ka na oh. Mukha naman kaming cheap." Sarkastikong sabi ni Percy at sabay tumawa.
Dahil sa inis na naramdaman nung babae ay umalis na lang siya sa harapan namin. Halatang na inis kay Percy. Ganoon pala mang-asar ang mayayaman sinasampal talaga ako ng kahirapan kapag kasama ko si Percy.
Tawang tawa kami ni Percy habang siya ay nagmamaneho dahil hindi mawala sa isip ko yung mukha ng babae at ng ginawa niya. Dahil kahit sobrang lakas ng ulan at para lang makalayo sa amin ay naligo talaga siya sa ulan at hindi namin iyon inaasahan na gagawin niya iyon.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng condo building namin. Lumabas na ako ng pinto mabilis na naman siya kaya na alalayan niya na naman ako pero may narinig akong sinabi niya.
"Ang ganda mo." malambing na bulong niya pero hindi ko siya masyadong narinig kasi nga pababa na ako sa sasakyan niya.
Tumayo ako at hinintay na lumayo ang sasakyan niya para tumungo na sa parking lot.
BINABASA MO ANG
My Captain Percy
RomansaBestfriend Goal in the City 1 Snow Mercado is a Sta. Maria student who decided to study in Manila with her friends because they have a goal in Manila. She chose to live in Manila because it is difficult to commute from Bulacan to Manila due to heavy...