Chapter 16 : Rebecca

437 19 4
                                    

Its been a few days nang makilala ko ang babaeng sinasabeng fiance ni Chase, nalaman ko ding magkababata sila kasama nila Jason at Dennis..sa ngayon wala kameng panahon na makapag-usap ni Chase dahil busy din sya sa practice dahil malapit na ang match ng team nila.. I agreed to wait for him, di ko alam kung pano ako maghihintay pero pagkakatiwalaan ko sya.

"Sam!" Dinig kong tawag sakin ni Jason sa likod, pilit kong binilisan ang lakad ko, ayoko din muna kase makausap ang sinoman ngayon.

"Samantha!" Sigaw nyang muli, naramdaman ko nalang ang paghablot nya sa kamay ko,  buti nalang at wala masyadong tao sa hallway pero dama ko padin ang titig ng mga tao sa paligid.

"What? " tamad kong sabe habang tinatanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.  Huminga sya ng malalim mukhang hinabol nya ko mula sa ground floor.

" wala. Im just gonna ask kung ok ka lang?..you know since di ako nakakapasok dahil sa practice namen.. " tanong nya, tinitigan ko sya sa mata at mukha nga syang concerned. Nginitian ko sya, dama kong mabuti syang tao.

"Im fine. If magaask ka about sa notes sa class I can lend you mine" sagot ko sakanya. He nodded fast kaya medyo natawa ako, akala ko noon tahimik at wala syang pake pero mukhang hindi naman ganon. " nasa locker ko yung notebook, kukunin ko wait lang--"

"Sasama na ko, dadaan din ako don pagbaba eh" pagpigil nya, kaya wala na kong choice kundi pumayag. Habang naglalakad kame muli ay dama ko ang mga titig ng mga nakakakita saamin, masyado ba kong masakit sa mata sa tuwing kasama ko niisa sa grupo ni Chase?

"It must be hard huh? " bulong ni Jason kaya nilingon ko sya nang may pagtataka. " It must be hard Dating mr Popular.. Lahat sayo ang atensyon, nakakakilabot na minsan. " natatawa nyang sabe habang hinihimas ang braso na parang kinikilabutan.

" but you're one of those "popular" boys dito sa campus baka nakakalimutan mo? " medyo natawa ako sakanya dahil parang nagulat pa sya na sikat sya. "Nakatingin sila dahil kasabay kita maglakad. " dagdag ko pa.

"Hmm?  Really? " sabe nya sabay lingon sa paligid, bigla namang nagsibalikan sa ginagawa nila ang mga nasa hallways na parang may multo silang nakita. "San?  Wala naman akong nakitang nakatingin saten? " dagdag pa nya pagtapos nyang titigan ng masama ang mga nakatingin, di ko maiwasang matawa.

"Oh eto na yung notes,  if kailangan mo pa you can just text me. " sabe ko pagkatapos kong iabot ang notes napinahiram ko. Nagulat nalang ako ng iabot nya ang cellphone nya.

"I don't have your number yet believe it or not. " sabe nya. " medyo strikto kase yung boyfriend mo eh" sabe nya pa. Kaya naalala ko nanaman si Chase, habang nilalagay ko ang number ko ay bigla akong natigilan sa sinabe nya " so Rebecca is here as a transferee. " seryoso ang tono nya.

"Oh? " sabe ko. Di ko alam kung pano ako dapat magreact.

"Umm..  She still doesn't know about you.. "

"I met her last time. " sagot ko agad. Natigilan sya dahil dito. " Chase.. He introduced me as his friend. " medyo nanginginig ba ang boses ko?  Feeling ko bigla akong nilamig.

"He did that?! " dinig ko ang inis sa boses ni Jason. I smiled at him.

"He said for me to wait for him. So thats what im going to do. " sagot ko sakanya. "Anyway, ayan na lahat ng notes na kailangan mo, yung number ko nasa phone mo naden just text me if you need anything about our classes. Saka nga pala magpakilala ka muna ah baka mablock kita haha" sabe ko saka nagmadali nanag umalis,  alam kong may mga sasabihin pa sya saakin pero ayoko muna makarinig ng kung ano na makakapag-isip ako ng hindi maganda. I didn't know that she transferred here. Akala ko bumisita lang sya.

Dating Mr. Popular (Stalking Miss Nobody II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon