4 days bago ang bootcamp nila Chase ay mas lalo silang naging busy, habang nasa parttime job ako ay nandito din silang tatlo nila Jason at Dennis kasama ang team nila para pag-usapan ang gagawin nilang routine sa camp.
"We should do that every morning.." Sabe ng Captain ng team pagkadating ko sa table nila, everyone seems serious and focus. Sinerve ko ang mga order nila kaya medyo natigil sila sa paguusap, nang makalapit ako sa pwesto nila Chase ay nginitian nya agad ako, I smiled back habang inaabot ang mga order nila, napalingon nalang ako sa natatawa sa gilid ko.
"Chase gusto mo din atang magparttime dito" sabe ni dennis kaya nagtawanan ang lahat, sinamaan lang sya ng tingin ni Chase pero natawa din.
"Plano kong magpatayo ng coffee shop sa future." Natatawang sagot nya kaya lalong nag-ingay ang grupo, ang kaninang seryoso sa pag-uusap ay biglang naging masaya, namula nalang ako sa narinig ko.
"Wow may plano na pala si Chase para sa future nyo Sam eh." Sabi ng Captain nila kaya lalong nag-init ang pisngi ko siniko ko nalang si Chase dahil lumakas ang tawa nya. But it made me really happy.
Mayamaya ay bumalik na ko sa counter , lumapit agad ang dalawa sa mga kasamahan ko sa trabaho. Mukhang kinikilig pa sila, napabuntong hininga nalang ako.
"Sam kilala mo sila?" Tanong ng isa.
"Familiar yung tatlo sa kanila. Madalas sila dito eh." Dugtong ng isa, madalas kase sina Chase dito lalo na tuwing malapit na ang off ko. Laging umoorder ng parehas na kape at nagtatagal ng ilang oras hanggang sa matapos ang shift ko. At hindi nila alam na kasintahan ko ang isa sa kanila. I took a deep breath before answering.
"They are my schoolmates. " sagot ko. Tumango sila. "Also, the one you've been seeing here everyday.. is my boyfriend." Natigilan sila at natawang bigla. I knew it, di sila maniniwala. Nang biglang may lumapit sa counter, napalingon kaming tatlo . Its Chase.
"Sam. Mamaya susunduin kita ah?. Babalik muna kame sa campus para sa last practice namin today." He said then caressed my cheeks, namula naman agad ako at napatango. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang gulat na expression ng dalawang kasama ko.
"Ortega halika na!" Sigaw ni Jason.
"Mamaya nang ligawan!" Natatawang sabe ni Dennis, agad na lumapit si Chase sa kanila at sinipa ng mahina si Dennis, pero bago pa syang makalabas ay bumalik nanaman sya at bumulong.
"Iloveyou" he said then kissed my cheeks saka tumakbo palabas, napahawak nalang ako sa pisngi ko, this is the first time that he kissed me on the cheeks habang madaming tao.
"OMG!!!!" Sigaw ng dalawa sa gilid ko. I just smiled awkwardly sa kanila.
"Di ako makapaniwala! How??" tanong ng isa, nakadama nanaman ako ng insecrurity.. di ba talaga pwedeng maging kame ng walang doubt?
"Ang galing mo namang makabingwit sam!" Sagot naman ng isa. Di nalang ako sumagot dahil may pumasok na na ibang customers, I took a deep breath before going to the counter. Its always like this.
Its like.. I don't deserve Chase and we are not on the same level.
Nang matapos ang shift ko ay saktong dumating si Chase at halatang hingal na hingal pa. " hi.." sabe nya habang pinupunasan ang pawis sa noo nya. Tumakbo ba sya?
"Baket ka hinihingal?" I asked . He smiled awkwardly bago bumuga ng malakas.
" I told those jerks na may plan na tayo but they dragged me to go to a mixer." Sagot nya at dahan-dahang sumulyap saken. A mixer huh..
"P-Pero!! Tinakasan ko sila pagdating namin sa resto kung saan magkikita kita! Jason and Dennis helped me! Pati si Captain!" Dugtong nya kaagad kaya napangiti ako. I patted his head kaya nilingon nya agad ako at namula.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Popular (Stalking Miss Nobody II)
Cerita Pendek(Stalking miss Nobody II) "How can a person like me: a dull, nerd and a Nobody ended up dating the most popular and promising future baseball superstar?.., how Can I deal with people who keeps on looking down on me even if they don't know me? Will I...