Every Missing Piece

128K 2.2K 1K
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All songs to be used are not mine.

This is a stand-alone story but to avoid confusion and for a better reading experience, I suggest you read the first installment of the series.

Rugged Series #1: Every Step Away

Warning: This story contains some parts that are not suitable for young readers. Please read at your own risk.

Rugged Series 2: Every Missing Piece

xxx

EMP0

Prologue

"Hi, Cade! Kamusta exam?"

Ngumiti ako sa kaklase kong lalaki, si Leroy. Kakalabas ko lang ng room pagkatapos ng exam.

"Bahala na si Batman." sagot ko na tinawanan niya.

"Yan ang gusto ko sayo eh!"

"Hindi dapat ganon!" kontra ko sa kanya habang tumatawa.

Sa totoo lang, kahit ayokong ipasa iyong papel ko, wala na talaga akong mapiga sa utak ko. Medyo may nasagot din naman ako, sana kaya na nilang kumapit para sa pasang grade. Lord, please!

"Uy, Cade! May tugtog ba kayo mamaya?" tanong naman saakin ng bagong labas na kaklase ko, lalaki ulit. Si Dean.

Ngumiti ako sa kanya. Mukha pa siyang natulala bago suklian ang ngiti ko.

"Wala ata, nagpa-practice kami para sa performance sa isang event ng school eh." sagot ko sa kanya.

"Oh? May event ba? Kailan?" sunod-sunod niyang tanong.

Syempre! Secret pa iyon! Saamin lang at iba pang kasali sinabi para makapaghanda pa kami.

I laughed and winked at him.

"Secret!"

Nakita ko ang biglang pamumula ni Dean. Oh, bakit naman?

"Sayang! Pupunta pa naman kaming '89 mamaya!" iyong barkada naman ni Leroy, si Toby.

Ngumiti ako sa kanya.

"May gig ata kami don this week pero hindi ngayon o bukas. Nakalimutan ko itanong kay Glave eh..." mahaba kong kwento.

"Pupunta nalang kami araw-araw para masaktuhan ka." Leroy said, looking at me seriously.

Napalabi ako. Bakit naman nila gagawin iyon? Hindi pa naman huling beses naming tutugtog. Sayang pera!

"Baka pumasok kayo araw-araw na may hangover." biro ko sa kanila. "Sasabihan ko nalang kayo kapag alam ko na kung kailan."

"Yon!" sigaw ng tropa ni Leroy.

Ngumiti ako at kumaway. Lumagpas ang tingin ko sa kanilang mga lalaki noong nagbukas ang aming room at nagpakita si Morgan na nakangiti ngunit noong makita ako ay biglang kumunot ang noo.

"Hoy! Hoy! Ano nanaman yan!" sigaw nito at mabilis akong hinila sa tabi niya.

"Kinakausap lang namin, Morgan. Kamusta, exam?" tanong ni Dean sa kaibigan ko.

"Ayun, papel pa din."

Napailing ako dahil sa sagot ni Morgan. Medyo mainit ang ulo niya ah? Wala rin ba siyang naisagot sa test?

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon