EMP16
Inaamin ko na Papa's girl ako kahit mas madalas na si Mama lang ang kasama naming magkakapatid. Madalas na wala si Papa dahil nagta-trabaho siya sa barko. Dalawang buwan lang halos palagi ang pagtigil niya sa bahay tapos mawawala na naman siya para sa 6 months na trabaho.
Pero proud na proud ako. My father is a captain of a cruise ship. Palagi ko siyang kinukwento noon sa mga kaklase ko. Ganon katindi ang paghanga ko sa kanya na gusto kong malaman ng lahat ng kakilala ko na siya ang Papa ko.
My life was spent like a normal one. Hindi kami mayaman, pero dahil malaki ang sweldo ni Papa sa paglalayag at teacher si Mama, hindi rin naman kami naghihirap. It was enough to sustain a family of five with all three children enrolled in a private school and save a little for our future education and invest in a long-lasting house.
I was sixteen years old when our family was greeted by a tragedy I never expected to come. Nagising ako noon na umiiyak si Mama habang nanonood ng TV. Handa na nga akong biruin siya noong habang pababa ako ng hagdan dahil sobrang aga niyang umiyak para sa palabas pero bumagsak ang mundo ko noong nakita ko na balita pala ang pinapanood niya. Tungkol iyon sa paglubog ng isang cruise ship sa gitna ng paglalayag nito papunta sa Greece.
Hindi ako naniwala noong una. Kausap ko pa siya kahapon. Hindi iyon pwede. Sabi niya mas matagal ang susunod niyang bakasyon kaysa sa nakasanayan. Babalik pa si Papa para tupadin ang pangako niya. Pero... sinampal ako ng katotohanan noong makita namin na kasama sa casualties ang kanyang pangalan.
Almost 25 percent of the passengers didn't survive... together with my father whose remains were never found. Iyon ang pinakamasakit na katotohanan para saamin dahil hindi man lang namin siya makikita kahit sa huling sandali at ni hindi namin siya mabibigyan ng tamang libing na nararapat para sa kanya. He was a very good person and a family-centered man.
Madami ang nagturo kay Papa at sa mga kasamahan niya. At hindi ko man lang maipagtanggol ang kanyang pangalan dahil tanggap ko ang naging resulta ng imbestigastyon. Together with the bad weather that day, it also showed human error and negligence on the crew's part.
Kaya kahit ano pa mang tanggi ko at tanggol sa Papa ko dahil kasama din naman siya sa mga namatay, wala akong laban sa mga pinapakita ng mga datos.
Mahirap umahon mula sa pagkasadlak noon. Pero kinaya ko dahil nandito naman sila Mama, si Ocean at si River. We all welcomed a new life without Papa. Sobrang hirap pero wala naman kaming magagawa.
I tried my best to be free from the pain caused by that tragedy and I succeed. Pinangako ko kay Papa na kahit ano pa man, hindi noon mababago ang tingin ko sa kanya. That I will keep his good memories with me and move on from the bad ones.
I never thought that I will be visited again by the ghost of my past. It came to me like the worst nightmare I can ever have.
Minulat ko ang aking mata at huminga ng malalim. Lumayo ako sa mic na nasa harap ko habang pinapakinggan ko ang palakpak mula sa iilang tao.
"I need that emotion later, Cade!" sigaw ni Sir Wendel, ang director ng buong event ng aming debut stage.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Lumapit ako sa mic at nagsalita.
"Opo..."
"Next line up!" sigaw niya muli.
Naglakad ako papalapit sa unahang upuan. Sumabay saakin si Morgan at Vien hanggang si Glave na lang ang maiwan sa stage. We all have our solo performances for later. Unang sasalang si Glave.
"Kinakabahan ako. I'm used to having you all with me..." Morgan said as she sat beside me.
Ngumiti ako sa kanya. "You can do it, M!" I cheered.
BINABASA MO ANG
Every Missing Piece
قصص عامةRugged Series #2 Matayog. Mapangahas. Sing-taas ng mga bituin. Ganoon kung ilarawan ni Cascade Quinn Ruan ang kanyang pangarap. For her, it wasn't only a dream. It's the every blood that's flowing on her vessels. Ang musika ng kanyang kaluluwa. Ngun...