EMP8
Nanatili akong nakatayo sa posisyon ko at nakangiti habang pinapanood siyang patakbong lumapit saakin habang bahagyang nakabukas ang dalawang kamay, handa na para balutin ako ng yakap.
Tumawa ako noong makarating siya sa akin at agad akong hinila sa kanyang bisig. Sinuklian ko ang yakap niya saakin.
"Congrats!" masaya kong bati sa kanya.
Graduation niya kasi kanina. Tumakas lang ako pagkatapos ng band practice namin para makapunta dito at worth it naman.
"Thank you," Rash said.
Humiwalay siya saakin at ginulo ang buhok ko. He chuckled. Napangiti ako dahil mukhang masayang masaya siya para sa araw na ito.
"You look good..." saad ko habang pinagmamasdan siyang nakatoga.
"Hmm... like you. You always look good."
Ngumiti ako sa kanya. Nambobola nanaman.
"Let's go meet my friends." saad niya at kinuha ang kamay ko.
Agad ko siyang hinila pabalik dahil sa biglaan niyang sinabi.
"Ano?" tanong niya.
Umikot siya ulit at binitawan ang kamay ko. Siya mismo ang nag-ayos ng buhok kong ginulo niya kanina na nakalimutan ko nang ayusin.
"Ayos lang ba?" tanong ko.
Observing them for a long time now made me realize that their group is impenetrable. Ang ibig kong sabihin, walang dumadagdag sa kanila kahit lumilipas ang panahon at kahit madami silang nakikilala.
He chuckled and held my hand again.
"Syempre..."
Wala akong nagawa kung hindi magpahila na sa kanya. Tumigil kami sa harap ng mga kaibigan niyang lalaki na nag-uusap. Wala si Santh doon. Kumunot ang noo ko dahil ang alam ko ay nandito naman ang babae kanina.
Agad dumapo ang tingin ng mga lalaki saakin at bumaba sa magkahawak naming kamay ni Rash.
Namula ako at binawi ko ang kamay ko kay Rash.
"Hi!" bati ko sa tatlo at maliit na ngumiti.
Agad sumilay ang ngisi sa kanila. Narinig ko pa ang pagsipol ni Theo sa gilid.
"Theo, Six, and Hezekiah." turo ni Rash sa mga kaibigan niya na kahit hindi niya naman gawin iyon ay kilala ko na naman sila.
"This is Cade..." pakilala niya saakin.
Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanila isa-isa. Isa lang ang masasabi ko, I felt like I was dominated. Huling beses kong tinignan, matangkad pa ako. Pero ngayon, parang ang liit ko na kumpara sa mga height nilang magkakaibigan lalo na ni Rash.
"Gago..." narinig kong saad ni Theo pagkatapos makipagkamay saakin.
My eyes widen and I look back at him. Ako ba? Agad napalitan ng ngiti ang mukha niya bago siya mabilis na umiling.
"Hindi ikaw, Cade!-fuck you, bro!"
Napangiwi ako dahil sa pagbatok ni Rash sa kanya medyo malakas iyon kaya siguro siya napamura.
"Rash..." tawag ko.
"Tss..."
Hindi ko alam kung bakit ganon ang trato nila sa isa't isa eh sila nga iyong hindi mapaghiwalay.
"Girlfriend?" tanong ni Six saakin. Nagulat pa ako dahil nagsalita siya.
Sinulyapan ko si Hezekiah na malayo ang tingin. Hindi ko na sinundan pa ang tingin niya at binalik na ang tingin ko kay Six.
BINABASA MO ANG
Every Missing Piece
General FictionRugged Series #2 Matayog. Mapangahas. Sing-taas ng mga bituin. Ganoon kung ilarawan ni Cascade Quinn Ruan ang kanyang pangarap. For her, it wasn't only a dream. It's the every blood that's flowing on her vessels. Ang musika ng kanyang kaluluwa. Ngun...