EMP26

30K 1K 597
                                    

EMP26

Natigil ako sa pags-strum ng gitara noong maramdaman ko ang hawak ni Rash sa aking bewang. Nakaupo ako sa kanyang sala habang siya ay nagluluto kanina sa kusina. Siguro ay tapos na siya kaya lumapit siya saakin.

"My guitar's probably happy that someone's already using him correctly." saad niya saakin.

I giggled. Seriously? Hindi niya lang kinompara sa tao ang gitara niya, binigyan niya pa ng gender!

"Gusto mo turuan kita?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. Napanguso ako dahil sa sagot niya. Bakit ayaw niya saaking magpaturo?

"Mag-aaral akong mag-isa. I wanna show-off."

My pursed lips turned into a grin after hearing it. My heart beat excitedly. I wanna be on that day...

"Do you wanna do something today?" tanong niya saakin.

Niyakap ko ang kanyang gitara at nag-isip. I wanna swim. Sayang naman ang pinunta kong beach dito kung hindi ko naman iyon i-eenjoy diba? It's just really coincidental that I stumble upon him. I've been spending a lot of time with him. Dalawang araw nalang ay kailangan ko nang bumalik dahil magsisimula na ulit ang schedule namin.

Napatingin ako kay Rash. I smiled at him, hiding the sadness in it.

"Swim?" patanong kong sagot sa kanya.

Tumango siya at tumingin sa bintana. The sun is so high now. Sobrang init na dahil tanghali na.

"You can do that later. Or tomorrow? What do you prefer?" tanong niya saakin.

"Bukas na lang..." sagot ko sa kanya.

Maybe I'll spend the last two days that I have, enjoying the sea. I will surely gonna miss this...

"What about today?"

Napatitig ako sa kanya. I leaned on the wooden bench habang hindi pinuputol ang pakikipagtitigan sa kanya. He smirked at me and pull me back to him pero hindi ako nagpadala, gusto kong titigan ang mga mata niya.

Ngumiti ako at humarap sa kanya. Pinakawalan niya ang bewang ko at hinayaan akong gawin iyon. Nag-indian seat ako para maayos na mailagay sa kandungan ko ang kanyang gitara.

"What song do you want to hear?"

Tumaas ang kilay niya, mukhang nanunubok. I remember him saying that he wants to hear me sing again.

"Anything..." Mapupungay ang mata niya habang nakangisi, anticipating me.

Nag-iisip ako ng kanta habang tinititigan siya. Sinusuklian naman niya ang tingin ko. Napangiti ako noong ilang minuto na akong tulala sa kanyang mga mata. I probably won't get bored even if I just stared at him for an hour or more.

"Come here..." utos niya saakin at binuka ang kanyang mga braso, wanting me to be on his arms. Agad ko iyong sinunod. Umupo ako sa pagitan ng kanyang hita. I let my back lean on his chest. Niyakap niya ako galing sa likod.

Nagsimula akong magstrum sa aking gitara.

"You're lucky I'm giving you a free concert."

Lumawak ang ngisi niya at nagkibit-balikat.

"Boyfriend privilege."

Nawala ang ngiti ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko at para akong nilasing ng akin narinig. My eyes felt a little heavy. Oh, is he? Are we...

I wasn't prepared for the shock that his words caused me but I managed to smile.

"You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky." panimula ko.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon