EMP19

26.9K 1K 110
                                    

EMP19

Maaga pa noong bumaba ako ng suite ko para kumain sa isa sa mga restaurant sa hotel. A lot of people recognized me but it's fine. Hinanda ko na ang sarili ko para dito bago pa man ako bumaba. Hindi ko ma-eenjoy ito ng tuluyan kung tuwing gabi lang akong lalabas.

Konti lang ang tao sa restaurant kaya payapa akong nakakain. May iilang lumapit saakin para magpa-picture at magpa-signature. Pinaunlakan ko iyong lahat.

"Ang ganda-ganda mo po sa personal!" ani ng isang babaeng fan na lumapit saakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you."

"Nandito din po ba ang mga ka-banda nyo?" tanong niya saakin.

Umiling ako at binigay sa kanya ang papel na pinirmahan ko.

"Magkakahiwalay kami."

"Nagso-soul searching ka po ba?"

Tumawa ako at umiling ulit. "Solo trip lang..."

Bago pa ako malabas ng restaurant ay may lumapit na ulit saakin na dalawang babae. Nagulat pa nga ako dahil may dala-dala silang album namin. Hindi ko alam kung umuwi ba sila pagkakita saakin o nalaman nilang nandito ako.

"Ate Cade! Kailan po kayo magco-concert dito?" tanong niya saakin.

Nagulat ako sa tanong nila. We do mall shows in some parts of the country. Ang concert namin ay ginagawa lang commonly sa Manila. Hearing them ask for it... sabihin ko kaya kay Ate Reema? O kaya kay Boss Neil?

Akala ko dati mahirap maka-close ang Chairman ng agency namin pero noong nagtagal-tagal, pati nickname nabigyan na namin siya. No one calls him Boss Neil than us. Natatawa nalang ako sa mga araw na Sir Candor pa ang tawag namin sa kanya. Ang pormal!

"Hayaan mo, babanggitin ko sa management..." nakangiti kong sabi sa kanila habang pinipiramahan ang latest album namin na dala nila.

"Alam nyo Ate, gusto talaga naming pumunta sa concerts nyo pero kasi kailangan pa naming sumakay ng eroplano! Palagi kaming team bahay!" para siyang nagsusumbong saakin habang nakanguso. I found it very cute.

I chuckled.

"Sorry ha? Next time, malay nyo."

"Ang bait-bait nya, girl."

Mas lalo akong napatawa dahil sa sinabi ng isa niyang kasama. Bulong dapat yon, kaso ay napalakas.

"Thank you so much!" sabi ko at binigay sa kanila ang mga album.

"Thank you po sobra din!"

I smiled and waved my hand to them as I said my goodbye. Bumalik ako sa suite ko at nagbihis. Sinuot ko ang one piece bikini ko at nagsuot din ako ng denim shorts. Naglagay na agad ako ng sunscreen dahil alam kong baka maitapon ako sa ibang planeta ni Ate Reema kapag nabago ang kulay ko. Buti nga tinutupad niya iyong 2 weeks siyang hindi magpaparamdaman saamin eh. Kahit hindi niya naman talaga iyon pangako.

Palagi kasing kasunod ng mga texts niya ang sermon at schedule kaya minsan nakakastress talaga.

Sinuot ko ang shades ko bago ako bumaba sa suite dala ang isang towel at ang cellphone ko.

May nakita akong isang bakanteng lounge na may payong sa hindi kalayuan kaya doon ako dumiretso. Madami nang tao. Naging abala ako sa pagkuha ng larawan ng dagat.

Hindi ko iyon ipo-post. Magaling kasing maghanap ang mga fans. Maybe I'll just keep it and post it later.

Pagkatapos kong magpicture ay agad pumasok ang message sa aking ni Ocean. Napabuntong-hininga ako. I knew it. Mukhang araw-araw siyang magpapaalam saakin para gamitin ang kotse ko.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon