EMP17
"Kayong dalawa lang?" tanong ko habang tinitignan ang sarili ko sa full-length mirror na nasa harapan ko. Binalik ko ang tingin ko kay Morgan na naka-upo malapit saakin.
"With G's fam, syempre!" sabi niya habang nagse-selfie. "Ikaw, saan ka?"
Ngumiti ako sa kanya at nagkibit-balikat.
"Pag-iisipan ko..."
Alerto akong napalingon at hinawakan ang kamay ng stylist na tumutulong saakin sa pag-aayos ng damit ko. Tinago ko ang kanang kamay mula sa kanya sa aking likod na para bang aagawin niya iyon saakin.
"May mas magandang jewelry dito, Cade." sabi niya.
Ngumiti ako at umiling. "I'm okay with my bracelet."
"Dalia, hindi niya 'yan pinapantanggal. Hayaan mo na siya." Ate Reema said while her eyes are still focused on the tablet she's holding.
Tumango ang babae. "Okay, sorry..."
Ngumiti nalang ako. Lumapit ako sa kinauupuan ni Ate Reema at Morgan. Naupo ako sa couch na nasa tapat ng sa kanila.
"Nasaan ba kasi si Sandra?" tanong ko kay Ate Reema. Mas sanay kasi akong siya ang binibigay saakin. She had been my stylist for three years already. Sa kanya ako pinakapalagay. I allow my stylist to put anything they think is good on me but I don't want them to insist on removing my bracelet.
I just... don't want it gone in my body wherever I am.
"Early vacation. Hayaan mo, next year makikita mo na iyon." sagot ni Ate Reema.
Lumipat si Morgan sa tabi ko at itinaas muli ang kanyang cellphone. Ngumiti ako sa camera niya.
Noong umupo sa tabi namin si Glave at Vien ay nagrequest naman si Morgan ng group picture. Nagpresinta si Ate Reema na kumuha dahil kailangan din daw namin iyon para may mai-post sa aming mga social media accounts.
Isang oras pa ang hinintay namin bago pa kaming matawag upang maghanda. Agad kaming lumabas at pumwesto sa moving stage. It will make us appear up on the stage once it's time. Nakaupo lang kami doon at tatayo nalang kapag tumataas na ito.
"Goodluck, guys!" G said before we stood up as the stage moved.
Sinalubong kami ng malakas na sigawan. I smiled widely and wave my hands. Naglakad ang mga ka-banda ko papalapit sa stage at ako naman ay bahagyang tumakbo sa unahan.
"Good evening!" maligaya kong bati.
Lumakas ang kanilang sigaw kaya mas natawa ako. Inilagay ko ang gitara sa aking katawan.
"One, two..." Bulong ko sa mic.
Sabay-sabay kaming nagsimulang tumugtog bago pa dumating ang pangatlo kong bilang. I smiled on the crowd.
"Last Christmas, I gave you my heart
But the very next day you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give it to someone special..."Tatlong taon.
It wasn't an easy climb. Pagkatapos kaming i-launch ng HNC Entertainment, ilang guesting at ilang schedule lang ang meron kami pagkatapos noon dahil kailangan naming magpahinga at tapusing ang ilang huling buwan namin sa pag-aaral. After we graduated, we invested all our time on making our first album. Naging buo na ang mga schedules namin, hindi katulad dati na nahahati dahil nag-aaral pa kami.
Just like other bands and singers, it wasn't just in one shot. It was hard but you need to wait for the exact timing and momentum with just one song... just one song that will hit hard on the people that will serve as your ladder up.
BINABASA MO ANG
Every Missing Piece
General FictionRugged Series #2 Matayog. Mapangahas. Sing-taas ng mga bituin. Ganoon kung ilarawan ni Cascade Quinn Ruan ang kanyang pangarap. For her, it wasn't only a dream. It's the every blood that's flowing on her vessels. Ang musika ng kanyang kaluluwa. Ngun...