EMP42

34.5K 1.2K 404
                                    

EMP42

"Uy, wag mo kasi akong tawanan! Seryoso kasi..." ungot ko.

Nakasiksik ako dito sa gilid ng couch habang yakap ang isang dalawa kong binti. Rash is just inches apart me. Puno ng pagkamangha at tuwa ang kanyang mga mata habang kinu-kwento ko sa kanya ang nangyari sa amin noong si Tatiana kanina sa lobby.

Ngayon naman ay parang kinakain na ako ng konsensya ko kung bakit hindi ko ba napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Seryoso din naman-" he ended up laughing again.

Ngumuso ako dahil sa muli niyang pagtawa.

"Rash, hindi mo naiintidihan no?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin siya natatapos.

"I do, baby. I'm sorry for laughing." he chuckled. "It's just weird and amazing to hear you did that."

I groaned.

"Anong amazing don? It's not! Hindi din nakaka-proud! Ginamit ko pa yung lisensya ko. No-no 'yon for our etiquette!"

Ano ba kasing sumagi sa isip ko at bigla na lang akong nagkaganoon. I know, nakakapagpantig talaga iyon ng tenga, pero Cade, sana tiniis mo na lang! Baka kung ano pang isipin ni Tatiana. I know she's not good to me but at least, I should have been better on dealing with her!

Rash chuckled again. Lumapit siya saakin at hinawakan ang binti ko. Inilagay niya ang parehas kong binti sa taas ng kanyang hita. He held my back and he supported me as he lifted me up so he can transfer me in his lap.

"Baby, it's not your fault that she triggered you. You may be a good person but you also have your boiling point. Wag mo nang masyadong isipin."

I pouted at him.

"Paano kung na-offend siya?" tanong ko.

"She offended you first. Hindi mo ba naisip?" tanong niya, knocking some sense on me again.

"Kahit na..."

"I told you it's okay. How's the first experience of it?" he asked teasingly.

Pinalo ko ang kanyang braso dahil kanina pa siya nang-aasar.

"Hindi naman satisfying! Nakaka-konsesya kaya! How can mean people stand that? Lalo na sa social media!"

Humalakhak siya at hinila ako papunta sa kanyang katawan para yakapin.

"Because they are not as good as you, baby."

I don't know how long did he console me. Basta alam ko, hindi ako ganoon kabilis naka-move on sa ginawa ko. I feel like I will be carrying it for the rest of my life. I feel like I wanna disown myself. Iyong si Cade na nagsalita doon ay hindi si Cade na ako ngayon! It's like that...

Noong gabi ay nagpresinta akong magluto. Rash was with me in the kitchen. Patapos na akong magluto noong nagpaalam siya saakin na sasagutin lang ang tawag mula sa kanyang cellphone. I nodded at him and I proceeded to cook.

Natapos ako at naihanda ang pagkain namin sa dining table ngunit hindi pa rin siya bumabalik. So I decided to just follow him and check what is he doing.

Wala siya sa sala kaya agad akong pumasok sa aking kwarto.

"I told you, Mom! I don't care." natigilan ako dahil sa agad kong narinig sa kanya. His voice is a little high but still controlled.

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng hamba ng pinto ng aking kwarto. Hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya saakin.

"No, Mom. It wasn't my choice. It's yours. So I don't have any accountability on it."

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon