EMP37

33.6K 1.1K 379
                                    

EMP37

Nagising ako na wala na si Rash sa tabi ko. Agad kong inabot ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na. It's already 9 in the morning. Sobrang late na noon kumpara sa mga schedules ko. Mukhang may advantage din naman ito dahil nakakakuha ako ng pahinga.

I've been bombarded by a lot of text from Ate Reema saying that the management wants to talk me, maybe because of my recent behaviors and because I didn't follow what they wanted me to do. I told her I want to have a short break from it pero hindi naman sa hindi ko sila gustong kausapin. Of course, they are still concerned and very much affected by my issues. Humingi lang ako ng kaunting araw para makahinga na sana ay pagbigyan nila. My bandmates thought I need it too.

Dumiretso na ako sa paliligo bago ako lumabas ng kwarto. Napakunot ang noo ko noong hindi pa ako nakakababa ay nakarinig na ako ng ingay ng iba't ibang boses.

"Gago, artista ka na!"

"Akalain mo yon, nawala ng tatlong taon tapos pagbalik, artista na?"

"Tss, tumahimik nga kayo." rinig kong sabi ni Rash.

Naglakad ako papunta sa hagdan, Nasa gitna palang ako ng paglalakad ay nakita ko na kung sino ang mga nasa sala kasama niya. It's his friends!

"Good morning..." bati ko sa kanila at bahagyang ngumiti.

Agad lumipat ang tingin nila saakin. Medyo na-conscious tuloy ako dahil lahat ng mata nila ay saakin nakatingin.

"Oh! May kasama ka pala!" bumungisngis si Santh.

Nasa solo-seater na couch si Rash at isa pang solo-seater na katapat nito ay nakaupo si Six. Nasa mahabang couch naman nakaupo si Theo na katabi si Santh at Hezekiah. My lips parted.

"Hi, Cade! Naaalala mo pa ba kami?" tanong ni Theo saakin habang manghang nakatingin.

Ngumiti ako sa kanya at naglakad ako papalapit sa kung nasaan sila. Tumayo si Rash para salubungin ako. He made me sit on his seat awhile ago. Umupo siya sa arm rest noon pagkatapos. Malisyosong nakatingin saamin ang tatlo habang normal na tingin lang ang binigay ni Six.

"Yup... bakit naman hindi..." natatawa kong sagot sa kanya.

I look at him. He looks so fine like ever. Iyong mapagbirong best friend ni Rash. But somehow, I saw a different flicker on his eyes like something in him changed. Kumpara noon na luma-lamang ang pagiging easy-going niya, parang nauunahan na iyon ngayon ng vibe ng pagiging professional. He looks mature and... something else.

"Woah, dude..." mabagal na saad ni Theo habang parang umiiwas na gumilid upang maipatong ang kanyang siko sa arm rest.

Rash chuckled and put his arms on my shoulder. Napatingin naman ako sa kanya.

"Stop assessing him, baby." natatawa-tawa niyang saad saakin.

Bahagya akong natawa at umiling. Nilingon ko agad si Theo at ngumiti ako sa kanya.

"Sorry..."

"Okay lang..." Theo chuckled.

Napangiti ako. Hindi ko man sila lubos na kilala... I somehow just felt that he changed really big. My instinct is telling me so much.

"Wow, ang ganda mo pa din."

Napalingon ako sa katabi niya at doon ko natagpuan ang magandang at nag-iisang babae sa kanilang grupo. Nakahawak ang kamay niya sa kamay ng kanyang katabi, si Hezekiah. Napansin ko rin ang singsing na nakasuot sa kanyang kamay. Both of them looks glowing and happy. Ang ganda nilang tignan.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon