EMP32

31.8K 1.1K 398
                                    

EMP32

"I'm here now."

Nananatili akong nakangiti. Rinig ko pa rin naman ang boses niya kahit medyo malakas ang naririnig kong sigawan sa paligid.

"Ang gwapo ng katabi ko, bes!"

I chuckled when I heard that from the other line. Mukhang nakakakuha rin siya ng atensyon sa paligid niya.

"Mukhang may fangirls ka na ha..." biro ko sa kanya.

"Can't help it."

"Yabang!"

Narinig ko ang kanyang halakhak. Mukhang mas lalo pang kinilig ang katabi niya dahil doon. Napanguso ako. Alam kong attention-seeking talaga siya dati pa. Sa tangkad pa lang niya, pansin na agad siya. Paano pa yung mukha?

"Cade! Bilisan mo!"

Rinig kong sigaw ni Ate Reema. Napangiwi ako.

"I have to go..." paalam ko sa kanya.

"Okay, goodluck." Napangiti ako dahil doon.

Hindi ko alam kung gaganahan ba ako o kakabahan pa lalo dahil ito ang unang beses na papanoodin niya ako.

"Thank you. Enjoy ka..."

"I'm surely will."

Napangiti ako. Nagpaalam ako sa kanya bago ako mabilis na lumabas sa dressing room. Naroon na sa harap ang bugnot na si Ate Reema.

"Ano? Natulog ka ba sa loob?" tanong niya saakin.

Tumawa lang ako dahil sa tanong niya. Lumapit agad saakin si Sandra upang ayusin ang damit ko. I am wearing a thin-strapped white fitted crop top, black jeans and black high heels boots. Binigyan ako ni Sandra ng isang leather jacket para isuot.

"Chill, Ate." pagpapakalma ko sa kanya.

Sabay kaming tumawa ni Sandra at umalis naman sa tabi namin si Ate Reema. Lumapit naman siya kay Morgan na nagse-selfie sa gilid. Si Morgan naman ngayon ang kanyang pinagsabihan.

"Nako, kinakabahan lang yan kaya ganyan." natatawang sabi ni Sandra.

Noong natapos siya ay agad akong nilapitan ng isang staff at kinabitan ng microphone at earpiece.

It was the D-day for our concert. Unang araw pa lamang ito dahil may isa pa bukas. Actually, it was supposed to be a one-day concert only but the tickets were sold out after 3 hours. Maraming nagreklamo at nagrequest na maglaan pa ng isa pang araw kaya naging two-day concert.

Mukha ngang mas kabado pa kaysa saamin si Ate Reema. Hindi naman ito ang unang beses na nagka-concert kami. Ito nga lang ang pinakamalaki. However, I think we can handle it. Mas inaalala ko pa nga na unang beses akong makikita ni Rash sa entablado kaysa sa dami nang taong nasa loob ng arena.

"The company is considering an Asian tour." Ate Reema said.

Sumimangot ako.

"Asian tour agad? Bakit hindi muna sa ibang parte ng bansa?"

Naalala ko kasi iyong mga nakasalubong ko noon. Gustong-gusto daw nilang makapunta sa concert namin ngunit hindi nila magawa dahil kailangan pa nilang lumipad pa Maynila kung ganon.

"You can voice out your concern at the meeting next week, Cade."

Tumango nalang ako sa kanyang sinabi. Hindi nagtagal ay pinatawag na kami upang pumunta sa backstage.

"Fighting!" sigaw ni Glave habang naglalakad.

I chuckled. Madami kaming mga kasabay na staff upang i-assist kami.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon