EMP30

31.6K 1.2K 442
                                    

EMP30

Tahimik lang ako sa kanyang tabi habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Pasimple akong sumusulyap paminsan-minsan pero agad din akong umiiwas.

It's like he's spitting fire even by just sitting beside me. Unang beses ko itong makaramdam ng takot sa kanya. Magkasalubong ang kanyang dalawang kilay habang parang binabato niya ng masasamang tingin ang daan. His knuckles are extremely visible because of his tight grip on the steering wheel. I know that he's very angry.

Para bang kapag hinawakan ko siya ay tuluyan na siyang sasabog.

What is he doing here?

Noong sinabi ko sa kanya na kailangan ko nang bumalik dito sa Manila, wala siyang sinabi saakin kung hindi pagsang-ayon at pang-intindi. For that, I know that he will not follow me. Hindi ko alam kung anong ang buong dahilan kung bakit siya umalis ng Manila pero sigurado ako na desidido siyang manatili sa Palawan. Pero bakit nandito siya ngayon?

Looking at him now, it felt like the island and simple man I know for a while vanished. Nakasuot siya ng itim na leather jacket habang nasa loob ang puting t-shirt na naghuhumiyaw ng isang mamahaling brand ng damit. This is the city boy I knew years ago.

I don't know what should I feel. I know I feel scared of him at the moment. Pero kahit hindi dapat ako maging masaya ay hindi ko maiwasang maramdaman iyon. This is turning to be messier. Hindi dapat siya nandito. Hindi dapat kami magkasama. Pero sa pagitan ng lahat ng mga tumatakbo sa isip ko, nandoon ang saya na nagagawa ko ulit siyang titigan.

Hindi ko magawang magtanong sa kanya dahil natatakot ako sa kanyang reaksyon. I know him as a very gentle person because he is like that to me. Iyon din ang una kong tingin sa kanya. Siya iyong pinakabalanse sa kanilang magkakaibigan. I forgot the fact that he also have a tendency to be like this.

Tumigil ang kanyang kotse sa basement parking ng dati niyang condo. Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya na kinakalas ang kanyang seat belt kaya iyon din ang ginawa ko.

He silently handed me a ball cap and a shades. Mabagal ko iyong tinaggap habang nakatingin ako sa kanya. Napasinghap ako at binilisan ang pagtanggap ko noong makita ko ang kanyang blankong mukha. Mabilis ko iyong sinuot.

Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan sa kanyang gilid kaya mabilis din akong lumabas ng kanyang kotse.

"Rash..." tawag ko sa kanya at sinalubong siya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako para magsimula nang maglakad papunta sa elevator. He pressed his old floor number. Agad kong nahulaan na patungo kami sa dati niyang unit.

Tinitigan ko siya gamit ang reflection niya sa elevator. Matapang niyang sinuklian ang tingin ko gamit ang kanyang madilim na mata kaya agad akong napaiwas. Napa-usod ako sa gilid ng elevator noong magbukas ito sa ground floor at may pumasok ng grupo ng apat na babae.

Rash quickly stepped in front of me. Maingay ang mga babae na mukhang magkakaibigan. Rinig ko ang mahihinang bulungan nila tungkol kay Rash. Mukhang kinikilig dahil may itsura ang nakasabay. I unknowingly held his hand back because of it.

Bumaba ang mga babae noong makarating kami sa sa 10th floor. Umalis naman si Rash sa unahan ko ngunit nananatili siya sa aking tabi. Wala na ulit kaming nakasabay pagkatapos noon.

We peacefully reached his condo unit. Agad umikot ang paningin ko noong makatapak akong muli doon. Inalis ko ang shades at ball cap na ibinigay ni Rash.

Binitawan ni Rash ang kamay ko upang buksan ang ilaw sa paligid.

Walang pinagbago kahit isang ayos sa kanyang condo. Parang hindi ito kasama sa paglipas ng panahon. Para akong sinasalakay ng iba't ibang ala-ala habang iniikot ko ang tingin ko.

Every Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon